Friday, March 30, 2012

69 din

Noong nabasa ko ang post niya, naisip kong magandang ideya ito ah. hindi ka lang makakapag share ng mga fucks facts about yourself kundi madi-discover mo din ang mga iba pang bagay na mayroon at tungkol sayo. mas lalo ko pang makikilala ang sarili ko. kaya heto gagawa din ako ng sarili kong "69 things you might wanna know about me" pero 20 lang ang sa akin di ko keri gumawa ng ganoon ka dami.

20. Bakla ako. choz! Naisip ko kasi dapat pasabog ang unang revelation. (parang di naman) para ma lagyan ng twist eto na lang. Naka chupa na ako sa bakanteng jeep at tricycle.

19Gaya ni Emo, bet ko din suminghot ng mga bagong papel, libro, newspaper at magazines. ewan ko pero kakaiba yung feeling. kaya noong elementary at high school ako pagkabili ng mga bagong libro ko, sinisinghot ko agad yun baka kasi mawala eh sayang naman yung amoy.

18. Average lang ako noon sa subject namin noong 3rd year high school ako sa Chemistry. kaya naman gulat na gulat sila at napagbintangan pa akong nangopya noong nakasama ako sa top 3 noong finals. nangopya agad di ba pwedeng nag aral lang ako ng mabuti? tse!

17. Naranasan ko ng mahampas ng libro sa mukha. Noong 2nd year high school ako hinampas ako ng maraming beses sa mukha ng teacher ko sa florante at laura. naiiyak na ko nun sa sakit pinigil ko lang talaga tumulo ang luha ko. wala kasi kaming report noon hindi ko alam ako pala ang leader ng group namin.

16. Allergic ako sa ipis. sosyal ako eh. choz! pero seriously, dati noong kinagat ako ng ipis nangati ang buong katawan ko to the point na nagmanas talaga ang buong katawan ko dahil sa kaka-kamot ko ultimo anit ko nangangati. noong nakita ko ang sarili ko sa salamin magang maga ang mukha ko. akala ko nga hindi ako makakapasok sa school nun buti na lang pinainum ako ng mommy ko ng celestamine. from then on shokot na shokot na ko sa ipis kahit madaanan lang ang skin ko namumula at nangangati talaga sila.

15. Boring ang life ko pag weekdays except friday night. off ko kasi yun. gigising mag di-dinner, maliligo papasok sa office magta-trabaho then uuwi maghihilamos kakain yosi mangungulit sa twitter pagdating ng 2pm sleep na ko then balik uli sa start ng cycle ganyan. walang mintis. paulit ulit every week ganyan ako. boring!

14. Afraidy Aguilar akong mag swim swim sa beach. feeling ko kasi may kung anung bagay ang dumadampi sa legs ko eh na sting na ko ng jellyfish noon. sobrang hapdi at sobrang sakit. kaya ayan, paranoid na ko kaya di na ko nag su-swim sa beach. hindi mo talaga ako makikita mag swim doon. sa kubo lang ako maghahanda ng pagkain or mag yo-yosi na lang ganun. ayoko talaga sa beach!

13. Biggest frustration ko matutunan ang pagda-drums. as in pangarap ko talaga matuto mag drums. gusto ko nga sana bumili eh pero since di naman keri ng budget ko ang bumili ng drum set siguro sa ngayon cajon na lang muna.

12. Bobo ako sa directions. ayaw ko naman magtanong sa mga tao ng directions. kaya madalas pag hindi ako pamilyar sa lugar asahan mong maliligaw ako. di ba keso? wahahahahaha! naligaw na nga ako sinigawan pa ko. tsk tsk!

11. Hindi ako madaldal sa personal. kung makakasama mo ko. isang tanong isang sagot lang ako. hindi ko alam kung paano mag start, handle and i-keep up yung conversation kaya madalas talagang may dead air kami ng mga nakaka-meet ko.

10. Impulsive ako sa lahat ng aspeto sa buhay. mapa love life, carreer o kahit sa simpleng pagbili ng mga bagay bagay. basta magustuhan ko bibilin ko. basta mahal ko wala na kong pakielam sa iba pang mga factors. basta maganda yung lugar ng office or maraming gwapo gora na ako sa offer deadma na sa salary. at dahil diyan meron na din akong credit card horror story.

9. katulad ni Emo, isa din akong atheist.

8. Isa akong baklang mahilig makinig at kumanta ng mga alternative songs. may mga times nga sinsasabi sakin ng mga friends ko "bat yan mga kinakanta mo?" or "chaka mo! bat yan mga kanta mo?" oh well, preference ko lang naman yan sa music, it does not define me.

7. katulad uli ni Emo, isa din akong certified and trulabels gleek. kaya lang hindi ko na nasundan ang season 3 ng glee :(

6. I hate charice pempengco as a celebrity but i like her music.

5. Obsessed ako sa illuminati. lahat ng symbols sa paligid ko at sa mga music videos na napapanood ko ay sinusubukan kong i-interpret at i-ugnay sa illuminati.

4. Nanligaw ako ng babae noon. ka-barkada ng pinsan ko. malaki boobs niya. kasama namin ng buong pamilya (buong pamilya meaning kasama mga pinsan at tito't tita ko) siya magsimba noong pasko. grade 5 ako noon. pero hindi naging kami.

3. Malakas ako mag yosi. nakaka ubos ako ng kalahating kaha ng yosi sa isang araw.

2. Hindi ako mahilig sa junk foods. noon ma-coke ako as in hindi ako umiinom ng tubig ngayon di na masyado puro water and iced tea na lang ako. hindi rin pala ako umiinom ng pineapple juice at four season na juice. hindi rin ako kumakain ng pepperoni.

1. Hindi ko pa lubusang kilala ang sarili ko kaya magandang exercise itong post ko na toh.

8 comments:

  1. Pareho tayo sa number 15 ayoko din maligo sa beach kasi maalat at makati at naranasan ko na din ang masting ng jellyfish.

    I can also relate sa number 11 pero kung may common interest kami or common experience ng kausap ko doon na ako nagiging madaldal

    ReplyDelete
  2. nayzzzz..... keep it coming! :D more , more. Kaloka ang jeep at tricycle. nahaggard ako. hehehehe

    ReplyDelete
  3. bakit 20 lang? hehe tinamad ka eh noh? =p

    13, 12 and 11 - ganyan rin ako hehe :)

    ReplyDelete
  4. "Naranasan ko ng mahampas ng libro sa mukha. Noong 2nd year high school ako hinampas ako ng maraming beses sa mukha ng teacher ko sa florante at laura. naiiyak na ko nun sa sakit pinigil ko lang talaga tumulo ang luha ko. wala kasi kaming report noon hindi ko alam ako pala ang leader ng group namin."

    Puwede kang magsumbong sa principal niyo dahil dito. Abuso yun sa part ng teacher.

    "Isa akong baklang mahilig makinig at kumanta ng mga alternative songs."

    Who are your favorite bands? :)

    ReplyDelete
  5. nice ang twist sa 20! na-shock ako!! hehehe!

    ReplyDelete
  6. @lonewolf: di ba sobrang hapdi ng sting ng jellyfish. kaloka lang! mangangamoy suka ka pa

    @Ron: kung may chowking ka ako may jeep at tricycle. haha!

    @Emo: bet mo din pala mag drums. paunahan matuto? haha!

    @Mugen: nung mga panahong iyon di ko naisip mah sumbong sa principal or sa guidance counselor namin ang nasa isip ko lang yung report namin. haha!

    favorite bands? hhmm... incubus, coldplay, snow patrol and the script. tas yung iba single na lang nila bet ko tsaka mga indie na like yung gotye and fun :)

    @blakrabit: na shock ka ba? mas may ga-grabe pa jan. haha! welcome back! i missed your blog

    ReplyDelete
  7. ako din gusto ko matuto mag-drums! at frustration ko din yan aside from guitar playing. aaaaand i listen to alternative bands din :)

    mukhang masaya sa tricycle at jeep ah. hihihi magawa nga... CHOS! :D

    ReplyDelete
  8. bwahahaha.kalurqui ang jeep.well natry ko na sa elevator.tamang tamang pagdating sa 5th floor tapos na kami..bwahahaha...Talented lang diba? CHOS!

    makagawa nga din ng ganito..bwahahahaha

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression