Thursday, March 8, 2012

of letting go

Ang pag le-let go at pag mo-move on ay parang stages of death and dying.




DABDA kung tawagin ng mga nursing students. Denial, Anger, Bargaining, Depression and Acceptance.

Denial 

Eto yung mga panahong kung ano ka sa kanya noon, ganoon ka pa din sa kanya kahit wala na kayo. eto yung stage na hindi mo pa tanggap ng buong buo na wala na kayo. eto yung mga panahon na sasabihin mong okay ka pero hindi mo pa din mapigilang umiyak sa tuwing may mag papa-alala sa kanya.

Halimbawa: kahit hindi mo na siya bf/gf officially tinatawag mo pa din siyang baby, honey, mahal at kung anu-anu pa.

Anger

Eto yung panahon na maghahanap ka ng masisisi. sasabihin mong life is unfair. magtu-tweet ka ng mga kung anu-anung masasakit na salita sa kanya. eto yung stage na gusto mong ipagsigawan sa buong mundo na hindi siya karapat-dapat na mahalin.eto din yung panahon na mag iisip ka ng greatest revenge mo sa kanya

Halimbawa: ipagkakalat mo sa youtube or facebook ang inyong scandal.

Bargaining

Eto yung panahon na hahabulin mo siya. magmamakaawa at sasabihing "gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin" eto yung stage na kakalimutan mo na ang iyong pride basta huwag lang siyang mawala sayo. eto din yung mga panahon na maiisip mong magpaka martyr para sa kanya.

Halimbawa: "ako na lang, ako na lang ulit" - Basha

Depression

Eto yung panahon na unti-unti nang nagsi-sink in sayo na wala na talaga kayo. eto yung mga panahon na hindi ka na makapag trabaho at makapag function normally. yung panahon na feeling mo wala ng halaga ang buhay mo. yung panahon na alam mong wala ka ng magagawa kaya iyak ka na lang ng iyak umaga man o gabi.eto yung gabi gabi lango ka sa alak.

Acceptance

Eto yung panahon na tanggap mo na ang katotohanan. positive na ang tingin mo sa buhay. dito din magtatapos ang struggle mo. makaka ngiti ka na uli at mas magiging matapang. eto yung panahon na magpapa gupit ng bagong style ng buhok ang mga babae magpapaka lango naman sa gym ang mga lalaki.

Halimbawa: "siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating na bago na mas magmamahal at mag aalaga sa atin" - Popoy

Anu man ang proseso sa pag mo-move on matagal man yan o hindi ang mahalaga nakapag move on ka. masasabi mo sa sarili mong you don't deserve this kind of life. matu-tutunan mong mas mahalin pa ang sarili mo. mas magiging strong ka at mas magiging handa sa ibat-ibang hamon na ibibigay sayo ng buhay. hindi mo kasalanan na niloko ka, pinaasa, kinawawa, pinag mukang tanga at pinasakitan ka. hindi mo kasalanan kung anu man ang nangyari sa inyo. tatandaan mo lang na nangyari ito dahil life is preparing you for a better one. kaya mo nararanasan yan ngayon dahil kapag dumating na ang taong magmamahal sayo ng tapat at wagas isa ka ng mabuti at better person.

kampay sa mga nakapag move on na. kung hindi ka pa nakakapag move on huwag kang malungkot at huwag mong madaliin, darating ka din sa point na yon. hindi importante kung gaano ka kabilis o katagal mag move on ang importante gumagawa ka ng paraan para makalimot at makapag move on.



5 comments:

  1. Revenge should be included! Haha. And a cold one at that.
    .
    .
    Nobody messes with DB. It's either you die leaving me or you die loving me. CHAROT!
    .
    .
    PS: Ang hirap ng mga WV ngaun lalo wala kong suot na salamain kaya katamad magcomment. #jutsaying

    ReplyDelete
  2. At kung nag-break kayo na di mo dinaanan ang D-A-B-D, dumeretcho ka na agad sa acceptance. malamang hindi mo talaga siya minahal. or niloloko mo lang sarili mo na nagmove-on ka na. tingin ko lang ah.

    ReplyDelete
  3. I usually skip the bargaining phase! Choz... Ui russ musta ka na?

    ReplyDelete
  4. ".. kaya mo nararanasan yan ngayon dahil kapag dumating na ang taong magmamahal sayo ng tapat at wagas isa ka ng mabuti at better person." - agree. sabi nga nila sa bawat heartbreak na nararanasan mo palapit ka ng palapit sa taong nakatakda para sayo. =D

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression