Friday, August 13, 2010

Masakit ang PUSON ko...


Kanina pag uwi ko sa bahay galing sa office, teka! kanina nga ba yon?......

well, technically speaking kahapon yon kasi 1:45am na.

anyways, pagkauwi ko galing sa office since pagod na pagod ako at antok na antok pa natulog ako agad. ansarap pa naman matulog pag umuulan. ang lamig tas naka topless pa ko nun. haaay! kay sarap ng natural cold wind.. hihi! para akong nasa loob ng refrigerator sa sobrang lamig tas yakap yakap mo pa ang malambot mong unan habang lumilipad ang iyong isip at kasalukuyang naglalakwatsa kung saang saang dimension.

maraming lalaki, lahat pinagkakaguluhan ako.
mga lalaking makikisig ang katawan na walang ninais kundi ang ako'y kanilang ariin.

subalit.......

kainis! nagising ako... bwiset! ang ganda na ng panaginip ko eh.

nagising ako kasi ang sakit ng puson ko, alam mo yung feeling na parang punong puno yung bladder mo at gustong gusto mo umihi. eh di no choice ako tumayo ako sa kama para magpunta sa banyo at ilabas ang dapat ilabas

1
2
3
4
5
6...

wala pa ring lumalabas

7
8
9
10....

ayun! may lumabas na, ang konti naman parang wala lang..

tapos pinilit ko uli makatulog ngunit hindi na talaga ako maka tulog.. hindi ko na kinaya bumaba ako at lumagok ng tubig naisip ko kasi kung marami akong tubig na iinumin marami din akong mailalabas ngunit bigo ako.. kasi mahilig ako sa softdrinks kaya ayun 2 tasa lng ng tubig ang nainom ko hindi kasi sanay ang bibig ko sa mga liquids na walang lasa. haha!

habang nakahiga ako at nagiisip ng solusyon sa aking dinadamdam hindi ko maiwasang ma-imagine ang sarili ko na nilalagyan ng catheter. ive seen it.. nakakita na ako at ako pa mismo ang naglagay dati nung estudyante pa ko ng catheter sa pasyente ko.

familiar ba kayo sa catheter? kung hindi imagine niyo yung straw ilalagay sa butas ng penis niyo hanggang sa may lumabas na ihi, walang anesthesia yun ah. kadiri noh!

ayun eh tinulog ko na lang yung sakit.

pagdating ko sa office kinagabihan:

"ang sakit ng puson ko shet!
ang sabi ko sa pinaka close kong officemate

"meron ka?"
sagot niya

"feeling ko magkakaron pa lang"

"sumasakit din ba suso mo?"

"hindi pa naman, kanina pa toh eh masakit talaga puson ko"

nagtawanan kaming dalawa,

"seriously, maskit talaga puson ko not literally sa puson but dun sa may bladder area"

"kaka softdrinks mo kasi yan, tigilan mo na kasi yun"

hanggan ngayon masakit pa din ang puson ko.

according to wikipedia ang tawag dito URINARY RETENTION also known as ISHURCIA.

is a lack of ability to urinate. It is a common complication of benign prostatic hyperplasia (BPH), although it can also be caused by nerve dysfunction, infection, or medications.


wooooo! im scared!

9 comments:

  1. kulang lang yan sa hagod. hahahah

    ReplyDelete
  2. ang bitin naman ng entry, kasalukuyan pa lang akong natatawa tapos tapos na pala. kilala ko ung pinakaclose mo sa entry na to haha!

    ReplyDelete
  3. @nimmy: kulang lang sa PUSHING! haha

    @anonymous: anonymous ka jan! haha! gumawa ka na ng blog site echosera ka!

    ReplyDelete
  4. hey are you still experiencing that? bot trying to scare you pero patingin ka na din. para makasure tayo kung ano.

    drink ng madaming fluids lessen and softdrinks ah.


    update me on this. ingat!

    ReplyDelete
  5. hahaha.. alam mo the first thing that came to my mind by just reading your title is akala ko nabitin ka lang.. haha peace girl :)

    ayan kasi RC ng RC!! hahaha..

    ReplyDelete
  6. @echos: lam mu yan teh adik eh!

    @my-so-called: thanks for the concern. uminom na ko ng maraming tubig bumalik na sa normal ang lahat. and im trying to avoid softdrinks na din.. med student ka?

    ReplyDelete
  7. .. hmm

    naiinis na ako ngayon kasi kanina pa masakit ang puson ko ..


    :(( pero malayo pa yung araw na mag kaka period ako sa jan,4 pa
    kaya nagtataka lang ako

    hindi naman ako mahilig sa softdrinks ..
    mahilig naman akong uminom ng tubig .. pero nang galing nakasi ako sa sakit na

    UTI...


    pero gumaling na ako simula nung nagkaroon ako ng UTI hindi nako kumakain ng maanghang at softdrinks ..

    bakit ngayun sumasakit puson ko waah !!!

    ReplyDelete
  8. akala ko nabitin lang hahahaha

    ReplyDelete
  9. Same like kanina pag uwe ko ng work sumakit puson ko and hirap ako huminga i thought na katapusan ko na pero i pray to God tlga

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression