Everyday is a weekend.. tamuh! last night nagpunta kami ng mga officemates ko sa central bbq grill sa madison square piooneer. hindi na bago sa akin toh' since lagi naman kami dito nag iinuman ng mga college friends ko. Actually, galing kami sa Home depot sa Ortigas, and last night is my most unforgettable night evah! the night of the nigths.. i'll make kwneto why. ganito kasi yun.********
28 AUG 2010Saturday night
Nanuna ako sa meeting place then si ate anne (siya yung na kwento ko sa entry kong that bitchy thing) tapos si mr.nice guy.. habang hinihintay ang iba nagpunta muna kami sa starbucks dun kami nakipagkita kay ivan (mr.nice guy). siyempre pagkadating niya tumabi siya sa akin tas nag kwento siya pawis na pawis ang layo daw kasi ng nilakad niya. since andun si anne hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapag salita.. haha! kaya lang si bakla gumawa ng paraan. magpapaload daw siya sa mini mart eh siyempre si ivan gentlemen, naka mini skirt kasi si anne kaya sinamahan niya baka daw ma "RAPE." sa isip isip ko "para-paraan na naman tong baklang to." then dumating na si leanne (rakista sa office, pa gurlaloo si ate sa gimikan. mahilig to' sa pusa) and then si supe ish (ang gimikerang supervisor sa floor. mahilig mag travel recently lang galing siya sa singapore) tapos ang late si mak (beki toh') we went to VOGUE nag inom ng isang bucket tas kami ni ivan nag try ng isang shot ng tequilla since sabi may promo daw sila Php 50.00 per shot lang. hindi namin na gustuhan yung crowd wala kasi masyado tao then wala pang mga papabols kaya we decided na lumipat sa Central madison square.

Ganito ang set up ng sitting arrangement namin. sa kabilang side ng table si mak, leanne and anne then sa other side supe ish, ako and ivan. pagdating dun nag order na kami kasi baka magsara na sila hanggang 3am lang kasi yun tapos last order na. mga 1.00am na kasi kami nakarating dun. nag order kami ng this is my personal favorite cocktail.

"Bad Girl". Ang sarap ng taste niya parang juice lang pero unti unti ka nang tatamaan ng hindi mo namamalayan. we also ordered Squeeze me.
hindi ko siya masyado gusto pero keribells lang. malamig at sa sobrang lamig sumasakit ang ngipin ko.
"bakit? sumakit na naman ngipin mo?" sabi ni ivan
tango lang nasagot ko habang hinihimas himas pisngi ko. simple lang yung nangyari pero kinikilg ako. bakit? eh kasi sobrang kilala na ako ni ivan. hehe! Sumunod na sa amin si chris (newbie na ka-batch ni ivan. straight "daw" siya) may kasama siyang dalawang lalake na super hottie. yung isa naka simple white shirt lang siya and shorts. naka eyeglasses na lee. ang hot nito maputi, macho, ganda ng ngiti at ngipin chinito pa. bet na bet ko toh.

Siya si jojo. hangkyut niya no? sabi niya "straight" daw siya
pero kayo na bahala mag judge kasi ako........??
no comment.


"hoy! umayos ka nga?" sabi ni ivan sa akin
"bakit ang kyut kaya niya! bet na bet ko siya"..
Sabi ko kanina this is is my most unforgettable night evah! the night of the nigths kasi.... eh kahit marami kaming umiinom may sumunod pa ngang tatlo eh parang kaming dalawa lang ang nag iinom ni ivan. alam niyo yung eksenang andyan sila yung mga kasama mo sa paligid pero blurry sila? ang malinaw lang sa akin si ivan. masaya kaming nag iinuman ni ivan. nag bibiruan kami. puro siya joke sakin ang korny naman kaya sasabihan ko siya ng waley ka talaga. siya naman sisimangot na may konting ngiti yung pa-kyut na kunwari nalulungkot kasi hindi mo nagustuhan yung joke niya.
"ikaw puro ka na waley ngayon ah.. ahaha! simula ngayon bibilangin ko na yang mga joke mong waley." ang sabi ko.
"ah ganun ah! baka gusto mong pakitaan kita jan."
sabi ni ivan na may halong ngiti (god! he's so cute and adorable. kung pwede ko lang siyang halikan at sunggaban ginawa ko na eh)
Simula noon lagi na siyang nag jo-joke sa akin as in buong gabi. tas' pag tumawa ako sasabihin niya
"oh! tumawa ka ah.."
ako naman si super deny. medyo pa -kyut din ako sakanya.. papaluin sa braso.
sasabihan ng "oyw! hindi keya akow ngumiti."
Tapos may sasabihin siya sa mga kasama namin aasarin ako. ako naman si palo na naman sa braso tas may konting hawak at tulak sa ulo at sasabihin "ang yabang mow."
Buong gabi ganun lang ginagawa namin dalawa. hindi na kami nakikinig sa kanila. wala siyang ginawa kung hindi mapatawa ako. haha! nakaka kilig talaga! binigay na nga sa amin yung isang pitcher ng bad girl tas kami na lang dalawa umiinom nun. mag chi-cheers kami tas pag puro kami usap sasabihin niya "Ang bagal mo naman, tagay na." ako naman si tagay. kahit hindi ko na kaya na sobrang hilong hilo na ko go pa din ako. ayun! ang ending ko nagtawag ako ng uwak. inaasar niya ko
"uuwaaaak! wahahahaha! hindi mo sinasabi rakista ka pala. uuuwwwaaak!"
"Ang yabang mow, nakakainis ka! ikew kasi eh."
"eh hindi mo kasi sinasabi hindi mo na pala kaya"
"hindi ok lang ako. ganito talag ako sumusuka. pangalawang buhay ko na nga toh' eh. anu shot pa!"
"wag na! tama ka na. hindi mo na kaya eh.. tara uwi na tayo"
Marami kaming napag usapan isa na dun yung mga gusto namin i mean yung dreams namin.
yung dream job na gusto namin. what a coincidence nga eh kasi pareho kami.
pareho kaming gusto maging DJ, pareho naming pangarap na magkaroon ng bar, pareho naming paborito ang "shining star" at "where's your head at". tinuturuan nga niya nga ako kung paano mag mix ng mga kanta eh.
Sabay kami umuwi. habang naglalakad nag haharutan pa kami. inaasar pa din niya ako, ako naman si tulak sa kanya. kahit hilong hilo ako pag uwi. kahit umiikot ang mundo ko, kahit masakit ang tiyan ko, kahit mukang ma-mamatay na ako. masaya pa din ako dahil kasama ko si ivan. feeling ko nga siya lang ang kasama ko. masaya ako pag kasama siya nakikita ko din naman na masaya siya pag kasama ako. kaya lang..........................
may girlfriend at straight siya.

sana mapigil ko pa toh'




i love central!
ReplyDeletereally? sang branch ka madalas?
ReplyDeleteweeee enjoy! =)
ReplyDeletehmmmm, sabi ng radar ko...hehehe!
@paci: anu ba ang sabi ng iyong radar? radar ba o gaydar? haha
ReplyDelete