Sunday, August 15, 2010

FB (Famous blogger)


Lagi na lang akong na ba-blanko sa pagawa ng blog. lagi na lang akong nauubusan ng mga words para sa unang sentence na gagawin ko sa entry ko. anyways, i was thinking na i-feature ang isang famous blogger na natuklasan ko sa office. (actually hindi lang sa office)

Gaya nga ng sinabi ko sa previous entry ko, more than a year na ko sa pinagta-trabahuhan ko pero lately ko lang nakilala at nalaman ang blog site ni bookie. super famous pala siya sa mundo ng mga bloggers. Ang alam ko umabot na ang blog niya sa leyte. Ang bongga di ba!
nakakahiya nga eh kasi nung pinagkalat ko siya sa mga becky friends ko na may nakita akong super cool na blog site. i texted them
Mga bakla kilala niyo si bookie? Try to visit his blog nakakatuwa. ang gwapo nung mga nasa blog niya.. at ka officemate ko siya!

One of my gay friend replied:
DUH! you're so late talaga! ang tagal na niyan eh... matagal na naming alam yan!

nakakahiya di ba! nag yabang pa ko. haha! Moving on, magaling gumawa ng blog si bookie. He's funny, specifc, efficient and super COOL! matagal na siyang blogger ang alam ko it's his 3rd year anniversary at every year meron siyang pino-post na "Top ten male agents" yung this year lang ang nabasa ko and grabe! ang ga-gwapo nila! ang maganda pa dun most of the candidates officemate ko din so i have this GREAT GREAT GREAT opportuniy to stare at them.

Yung mga top ten was emailed and nominated by some of agents sa office kay bookie so sila yung celebrity sa office. famous dahil sa mukha.

sorry ah hanggang stare lang ako mahiyain kasi ako eh tsaka sa gwapo ba naman nila eh talagang kahit sino ata manliliit pag nakita mu na sila in person. heto ang ilan sa top ten agent ni bookie:

















Sample lang yan ng Top ten ni bookie, teaser kung baga! Almost perfect di ba'. ang bulung-bulungan pa sa opis ang karamihan sa kanila babae. if you know what i mean. hehe!

Mabalik tayo kay bookie, nakita ko na siya in person mga 2 beses. Lagi ko siyang nakakasabay sa elevator. ewan ko ah pero im a fan of bookie pero nung nakita ko na siya in person parang ang sungit niya.Balak ko nga sana siyang i-greet then acknowledge his blog kaya lang nakaka-takot siya eh. sorry bookie ah pero natakot talaga ako sayo at that time kasi feeling ko pag binati kita de-dedmahin mo lang ako, eh' ayoko pa naman ng ganun.

"sup, kilala niyo si bookie? yung nasa taas (meaning nasa 5th floor taga 4th kasi ako eh) trainor ata"

"yung mataba? ayoko dun eh. sabi ng friend ko supladita daw yun?
"oh? talaga..." puzzeled

Yan ang comment ng supervisor ko sa kanya. naniwala naman ako nung nakasabay ko si bookie. pero naisip ko baka ganun lang talaga siya mukhang masungit. Hindi ko pa naman siya nakakusap di ba so why judge?! Ako nga madalas napagkakamalang mataray eh pero hindi naman. Maingay lang ako sa mga matagal ko ng kilala sa mga bago tahimik lang ako gaya nga ng sinabi ko mahiyain ako.

Ayun, fan pa din ako ni bookie. gaya nga ng lagi kong sinasabi... Magaling kasi siya gumawa ng blog or should i say magsulat. gusto ko kasi yung style niya. Para siyang si Bob Ong and Louie Cano mag sulat. Actually he can surpass Louie cano. para sakin mas magaling siya kay louie cano. hindi rin ako magtataka kung one day makikita ko na lang yung blog niya sa National Bookstore.





http://callcentercon.travellerspoint.com

8 comments:

  1. Bookie is from the employer I was previously affiliated with.

    One of the guys in his top 3 has been my... well, agent. :-)

    ReplyDelete
  2. Yeah, kaaliw nga si Callboi. Hehe.

    ReplyDelete
  3. ganyan talaga, sa dami ng nagblog ngayon, magugulat ka na lang na meron ka palang officemate na binabasa mo.

    ReplyDelete
  4. @iurico: interesting huh?!... sino naman yun? anung company?

    @rima and gill: tamuh!

    ReplyDelete
  5. small world? malay mo mabago impression mo when you talk to him. :D

    ayaw ko pa naman na minsan mali endorsement ng iba tungkol sa isang tao.

    ReplyDelete
  6. @so-called-quest: endorsment talaga?.. haha!

    ReplyDelete
  7. Feeling ko kaya ako laging napagkakamalang mataray kasi mukha akong nakasimangot. For the record, hindi ako nakasimangot on the inside. Mabigat lang talaga ang matatabang cheeks ko, hehehe. Madalas nga akong napagkakamalang supladita. Maldita ako, oo, pero never suplada. :-)

    Thanks nga pala sa plugging.

    - bookie -

    ReplyDelete
  8. nakakatuwa naman mga comments dito...like it!

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression