Friday, August 13, 2010

my collection of warnings


More than one year na rin ako nagtatrabaho dito sa company na ito simula nung mag graduate ako from college. maituturing na first job ko ito. masaya naman ako sa work ko ngayon lalo na't andiyan pa sina Mr.Geek at Mr.Nice guy. dumaan din naman ako sa point na parang tinatamad na ako pumasok, kunwari may pasok ako pero gi-gimik lang ako.

One time nag aya yung mga girl friends ko na mag inom sa Central boni sa madison square (diyan kami lagi umiinom, simula nung nalaman ko yang central na yan hindi ko na siya ipinagpalit pa loyal at faithful ako sa kanya) gabi sila nag aya mag inom since pang medyo madaling araw ako at that time sumasama muna ko sa kanila ang ending mag call in ako sa supervisor ko gagawa ako ng mga kung anu anung dahilan para mag paalam na hindi ako papasok.

marami na din akong napag daanan sa work ko, stressful talaga kaya hindi mo ma-iaalis sakin ang hindi lumayas at gumala pag rest day ko. minsan nga dati nung january may pasok ako every saturday dahil nga sa sobrang gala ko 1 beses lang ako pumasok ng saturday nung januray late pa. haha! dahil sa katamaran ko pumasok at magtrabaho nabigyan tuloy ako ng pa premyo. isang WRITTEN WARNING. haha!

May collection ako ng mga warning sa office, isa na diyan yung written warning ko na nakuha ko dahil sa madalas na hindi pagpasok at kung papasok naman ako laging late. 30mins-1hour ang mga lates ko.

Meron din akong VERBAL WARNING sa BEHAVIORAL aspect, nakuha ko siya dahil sa ka-katihan ng mga daliri ko na mag facebook during my shift. dahil maba-bait ang mga officemates ko binigyan nila ako ng proxy na magagamit ko ako naman excited much sinubukan ko. ayun sakto pagpasok sa website ng FB ita-type ko pa lang email add ko excited na excited na ko.....

"hoy! any yan?"

madalian ko pinindot ang tab+alt para matakpan yung window ng fb at mapalitan ng iba, playing safe at umaarteng inosente de ti' at walang alam, dahan dahan kong inikot ang chair ko tumingala PAK!
isa pa PAK! PAK! ayun! BENGGA ang lola mo.... nahuli ako ng supervisor ko..

ako naman si makaawa.. kabadong kabado nag iisip ng magandang dahilan at nang malupit na palusot kaya lang caught in the act na ko eh. eto na lang nasabi ko

"sorry sup! hindi ko na uulitin promise. sorry talaga"

nakakahiya para akong batang nagmamakaawa

"alam mo bang ground for termination yun? pero pagbibigyan kita bibigyan na lang kita ng verbal warning"

ayun! dahil dun may verbal warning na ko ang masama dito ang behavioral walang slide back kaya forever na kong may warning dito.

Ang maganda naman sa akin kahit may collection ako ng warnings maganda naman ang performance ko sa office.dati kebs lang sakin kung may warning ako o wala hindi ko naman kasi masyado sineseryoso ang work ko kaya lang this past few weeks ang dami kong offer for lateral promotion like sabi nung friend kong sup (supervisor) may opening daw for tarinors tapos QA analyst, sales coach, ATL (assistant team lead) sa account namin and supervisor. dahil sa mga warning ko wala na kong asenso wala nang promotion. huhu!

ATL for the whole company na lang ang pinatulan ko since sabi naman nila there's no discrimination for those who have warnings. kaya lang it's not a promotion its just a seminar. kaasar talaga!

1 comment:

Exercise your freedom of expression