Monday, March 12, 2012

New environment

Ang daming biglaang changes ang nangyayari ngayon sa buhay ko. isa na dito ang paglipat ng office namin. Ganito kasi yan. Noon ang aming opisina ay nasa San Miguel Ave. sa may Ortigas sa Octagon Center. Simula noong magsimula ako dito sa kumpanya ay doon na ako pumapasok. Ang aming Main office ay nasa pavilion green field district sa may EDSA o mas kilala sa tawag na Edsa Central. dalawang beses pa lang ako nakakapunta doon. Una ay noong nag apply ako. doon ako kumuha ng exam at interview. Pangalawa ay noong nag training ako dahil sa "lateral transfer" na nangyari sa akin. they transfered me to a different department with a different job responsibilities.

Nitong mga nakaraang buwan, sinabi sa amin ng manager namin na nililipat na kami ng opisina. doon na kami papasok sa may Pavilion dahil natapos na ang aming kontrata sa Octagon. kung tatanungin mo ako, ayaw ko talagang lumipat. mag iisang taon na akong pumapasok sa Octagon at ang pag-lilipat ng location ay hindi madali para sa akin. sabi nga nila, mahirap ng baguhin ang nakasanayan na.

Maraming akong rason kung bakit ayaw ko sa main office namin sa pavilion.

Una, noong nasa Octagon pa ako. malaya naming nagagawa ang gusto namin. nakakagamit ako ng cellphone sa loob kahit oras ng trabaho. nakakapag browse ako sa youtbe at nag sa-sound tripping habang nagta-trabaho. nakakapag blog hop at nakakapag blog kung wala naman akong masyadong ginagawa. may privacy doon dahil matataas ang dividers sa aming opisina. hindi mo makikita at malalaman ang ginagawa ng katabi mo. pwede kang pumuslit ng tulog dahil hindi ka naman nila makikita pero ngayon, mukhang malabo ko na itong magagawa. ang cubicle ko dito sa Pavilion ay walang dividers kaya kitang kita kung anu ang ginagawa ko. hindi na ko makakapag youtube at blog. hindi na ako pwedeng pumuslit ng tulog.

Pangalawa, kakaunti lang kaming mga nasa Octagon. tahimik ang lugar na doon dahil nga sa kakaunti lang kami. Manager at supervisor lang ang kasama naming may mataas na posisyon doon. mababait pa sila kaya free talaga kaming gawin ang gusto naming gawin. ngunit ngayon, kasama na namin ang aming general manager na afam. oo afam siya at maingay siya. jolly at loud type of person si Rory (President) siya yung tipo na hindi mababa ang tingin sa mga empleyado. nakikipag tawanan at biruan siya sa mga empleyado niya. mabait si rory at pro-employee pa. hindi siya katulad ng ibang Presidente ng kumpanya na hindi nakikipag usap sa mga normal na empleyado. ok naman siya di ba? kaya lang naman nasama siya dito dahil baka kausapin ako nun bigla habang nagta-trabaho at mag tanung tanung ng kung anu anu sa akin. hindi ako ready sa mga ganyan. hindi dapat ako binibigla sa pagsasalita ng english dahil baka kung anu pang masabi ko. hay kalowka! dapat laging naka open sa browser ko ang merriam dictionary. haha!

Ngunit kung may disadvantages meron din namang advantages.

Una, hindi na ako male-late dahil hindi ko na kailangan pang maglakad ng malayo papunta sa opisina. wala kasing rutang dumadaan doon sa Octagon na galing sa amin kaya nilalakad ko pa simula sa kanto ng San miguel avenue hanggang sa building namin.

Pangalawa, mas maraming makakainan dito. may mcdo, starbucks, yellow cab, north park, mang inasal, tapa king at kfc. doon kasi sa octagon puro mini stop, 7-11, rufos, mcdo, jollibee, kfc (pero sa likod pa so kailangan mo pang maglakad ng malayo) at puro carinderia.

Pangatlo at pinaka gusto ko. lahat ng gwapo mapa beki man o straight ay nandito sa Main office namin. Ang balita ko pa marami daw gwapo dito. kaya more aura more fun ako ang peg ko ngayon. pero mag be-behave muna ako. siguro mga a couple of months mahirap ng ma-tsismis sabihin nila kakalipat ko pa lang, landi na ako ng landi.

Naninibago talaga ako ngayon pero mas nae-excite ako sa mangyayari sa akin dito.

Pavilion be ready dahil parating na ako. be ready boys dahil uubusin ko kayo kahit saang department ka pa. choz!

8 comments:

  1. i worked in pavilion for a while. marami ngang cute. mamumulaklak ka dun.

    ReplyDelete
  2. bawi naman pala lahat ng disadvantages sa huling advantage. pwede na yun masasanay ka rin afterwards

    ReplyDelete
  3. Behave!!!!!

    :P

    ReplyDelete
  4. hmmm.. never pa naman ako nakapgwork sa pavillion pero sa octagon, oo.. mahirap nga ang walking keme papunta octagon compared sa edsa central,, pero mas madaming kainan sa may edsa central.. hehe..

    i wonder, meron p rin bang mga inuman dun sa may palengke??
    naaalala ko si ate na nagttinda dun ng fruit juice, literal na mula sa mga prutas na pabulok na.. ahahaha.. at ung mga kakanin sa umaga..

    share lang..

    ReplyDelete
  5. hahaha! mukhang mas may advantage naman sa pavilion ah! (hindi ito biased ng dahil sa pagmention mo ng boys ah ahihihi) go lang ng go!
    as for your boss, isipin mo nalang na challenge ito at go lang ng go sa pagi-ingles when he's talking to you. magbaon lang ng madaming tissue sa station ah. hahaha chos :D
    and as for the dividers... well... hmmm. di ko alam. hahaha!
    have fun sa pagtransfer!!

    ReplyDelete
  6. @travis: haha! kilala na kita.. choz!

    @superjaid: uu nga eh

    @TR: behave naman ako ah unless may mag initiate ng first move

    @ceiboh: wala na. giniba na yung palengke

    @sin: haha! oo nga kelangan ng tissue at dictionary or better yet si siri na lang papakausap ko sa kanya.. choz!

    ReplyDelete
  7. magandang idea 'yan ha! sige kay siri nalang! hahaha :D

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression