Ok fine! kanina ko pa gustong gusto mag post ng bagong entry dito sa blog ko. Actually, may naisip na ako. Una, gusto ko sana i-kwento yung nangyari last Saturday night noong nagpunta ako sa despedida party ng kaibigan kong si Chie. kaya lang naisip kong pointless ang magiging post na iyon dahil wala naman talagang point kung iku-kwento ko yon or hindi lang siguro kayo makaka-relate. Naisip ko din na ibi-bida ko lang ang sarili ko sa kwento dahil sa pag iyak iyak ko noong gabing iyon. so naisip kong huwag na lang. Pangalawa, gusto ko sana i-share sa inyo ang obsession ko sa Illuminati at ang mga symbols na pumapalibot dito. kasama na diyan ang pinaniniwalaan nilang Luciferian Philosophy. Interesting kasi, actually nagulat ako noong una ko itong nabasa dahil ngayon ko lang nalaman na may ganoong klaseng philosophy pala. isa lang kasi ang alam ko at kilalang kilala sa buong mundo. ang Confucianism. biruin mo, Si Lucifer ay mayroon pa lang philosophy? so ayun na nga, gusto ko sana ito ibahagi sa inyo kaya lang. tingin ko hindi kakayanin ng brains ko i-explain lahat. haha! ganito kasi yan, kung iba-blog ko ito sa inyo kailangan may i-present ako sa inyong facts at dapat ang facts na iyon ay consistent. so ibig sabihin kailangan kong mag research ng bonggang bongga para maipaliwanag sa inyo ng maayos. kaya lang, tamad ako. choz! hindi naman sa tamad ako wala lang talaga akong time or at least mag spend ng kakaunting time para magbabasa pa at mag research about sa philosophy na iyan.
So anung tema ng post ko ngayon? Wala naman, may na realize lang ako habang nag ba-blog hop at nagbabasa ng mga entries niyo. nitong mga nakaraang buwan. naging aktibo ako sa twitter. kung sino sinong mga bloggers ang nakakausap, nakaka harutan at nakaka kwentuhan ko. ibat ibang klase ng mga bloggers ngunit karamihan sa kanila ay yung mga malulupit na bloggers. "Elite bloggers" ang tawag ko sa kanila. sila yung tipo na kailangan mong mag handa ng dictionary bago mo basahin ang blog nila at kung hindi naman sila yung mga tipong hindi ka dapat mag comment ng basta basta at ng kung anu anu na lang sa blog nila dahil una nakakahiya kung sabaw lang ang sasabihin mo at pangalawa, baka magmukha kang nagdudunung-dunungan lamang kaya paminsan-minsan kung wala talaga akong malaman na masasabi ay hindi na lang ako nag co-comment.
Simple lang ang naging realization ko, hindi matutumbasan ang kasiyahan ko dahil nakakausap ko na itong mga taong hinahangaan ko sa pagba-blog ni minsan hindi ko naisip na posibleng mangyari ito. Ngunit iba pala ang epekto sa akin nito. Natakot ako. Oo! tama yang nabasa mo. takot ako. takot kasi ayokong mag mukhang tanga sa kanila. I admit hindi naman ako kasing talino o kasing lalim nila mag isip pero hindi talaga mawawala sa akin yung isipin kung anu ang magiging reaction nila sa akin at sa mga pino-post at kino-comment ko sa mga blogs nila. Pero saglit lang naman ang naramdaman kong iyon dahil nanaig pa rin sa akin ang excitement though may konting takot pa din naman pero bahala na. Hindi, isa lang naman talaga ang gusto kong sabihin at i-share sa inyong lahat. Ganito. Una, ni follow ako ni Mugen sa twitter after ko siyang i-follow. pinagkalat ko yon sa mga kaibigan ko at tuwang tuwa talaga ako sooooooooooooooobra. pero nag subside din naman. Pangalawa, halos mamatay ako sa tuwa nung unang beses akong ni tweet ni Mugen though napasama lang ako sa mentions niya pero tuwang tuwa talaga ako. biruin mo si mugen si soul jacker na may 400 plus followers sa blog niya ni tweet ako????? NAKAKALOKA! at ang pinaka huli, Nagbabalak kasi ako mag enroll sa Gym. dati pa ako naghahanap ng "Indie" gym lang para hindi naman masyadong magastos na malapit lang sa amin. May nakapag sabi sa akin na ang Eclipse sa Shaw na araw araw kong nadadaanan papunta at pauwi galing sa office ay isa pa lang Gym. kala ko kasi Gay bar, mukha kasi siyang Gay bar from the outside. Eh etong si Mugen ay doon pala nag gy-gym so nagsend ako ng DM sa kanya at nagtanung-tanong about doon. hindi ko ine-expect na nag reply siya sa akin. huwaaaaaaaaaaaaaaat! homaygad talaga! at pinagkalat ko uli yun sa mga friends ko. proud na proud ako. haha! fan na fan lang ang peg ko. pasensya na ah fan na fan talaga ako ni Mugen eh kaya eto ang babaw lang ng kaligayahan ko. haha!
eeeeeeeeeeeeeeeeeee! kinikilig *not in a romantic way ah baka shombagin akesang ni JC* pa din talaga ako, kakaiba yung feeling. cloud 9, cloud 9. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
na-conscious na tuloy ako magcomment. :p
ReplyDeleteMaganda sa Eclipse. nag-gym ako jan dati when I had the time. Ang pinaka-nagustuhan ko dun ay yung 24hrs sila, so kahit madaling araw or gabi ka na mag-gym pede.
i don't know anything about that gym, but nice ah i'm happy for you! ka-twitter mo na pala s'ya! shaaalll!
ReplyDelete@justin: haha! kebs lang nu ka ba.
ReplyDelete@sin: yep yep! kaw may twitter ka?
Naks! Ikaw na :)
ReplyDeleteI'm also one of Mugen's fans! Happy ako for you :)
@shenanigans: hi.. padaan.. :)
ReplyDelete