Wednesday, March 28, 2012

Ang pagdating ni Harry Potter part1

My manager keeps on singing the song "araw gabi" ni Regine Velasques.muling nanumbalik sa akin ang nakaraan.

Isang beses ng kinanta sa akin yan ni B noon. sa paulit na ulit na pagkanta nito ng aking manager, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot. lungkot na aking nadarama noong ako'y lumalabas labas pa kasama si B. ayokong sabihing "noong kami pa ni B" dahil hindi naman naging kami at hindi rin naman kami umabot sa puntong iyon. Naging mabilis ang mga pangyayari. pati ang pagmo-move on ko at pagre-recover ay naging mabilis din. Ive been seeing someone since B left me. tawagin na lang nating siya sa pangalang Harry Potter. ilang linggo pa lang ang nakakaraan mula noong iwan ako ni B. nang nagsimula akong makipag kita kay Harry Potter. Inaamin kong ang nais ko lang noon ay ang magkaroon ng mapaglilibangan. Distraction, gaya nga ng sabi ko sa huling kwento ni B. Naisip kong mas mapapadali ang pagpawi ng sakit kung mayroong isang taong ga-gamot nito. Mas mabilis na mawawala ang sakit kung mayroong isang taong laging andiyan para sa akin, na mas mabilis akong makakalimot sa nakaraan kung may bagong darating. Alam kong mali, alam kong hindi tama.

Kay: "pwede ka naman mag move on ng hindi gumagamit ng tao! hindi purket nasaktan ka may karapatan ka ng manakit at gumamit ng tao. Ayan si ronnie, okay lang sa kanya na magpakilala ka ng lalaki at dalhin sa mga meet ups natin pero kung mali ang intensyon mo hindi ka na namin ku-kunsintihin. ibaling mo sa ibang bagay ang sakit na nararamdaman mo hindi sa tao. mag-aral ka ng mga ibat ibang lenggwahe o kaya naman magbasa ka ng libro, magliwaliw ka sa mall o kaya discover new things ganyan hindi yung ginagamit mo si Pat at si Harry Potter para makalimot."

Yan ang mga salitang binanggit sa akin ni Kay noong nag breakdown ako sa kanila. 4 na buwan lang ang ibinigay sa amin ng tadhana ni B para magsama pero hindi ko akalaing ganito pala ka-sakit ang mararamdaman ko.

Ang sabi ko sa sarili ko "distraction lang naman, wala ng iba" Sa una pa lang, alam na niya ang kwento namin ni B. at sa una pa lang din alam kong may boyfriend siya. Hindi ko naisip na mauuwi sa kumplikadong bagay ang lahat.

2 comments:

  1. I do not know what to say...

    -hug-

    ReplyDelete
  2. if things aren't too entangled yet and you see a possibility of unraveling it, do so before the occasion would require you to cut and start knitting from the scratch... ☺

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression