Friday, February 10, 2012

Ang pinakahuling kwento ni B



Pinabasa ko sa kanya ang card na nakadikit sa aking blue na regalo. 

B***t,

i know that what I've found
is once in a lifetime
and i found you
-Rusell

Napangiti na lamang siya. walang sinabi. ngiti na lamang ang naibalik sa akin. alam kong may mali. nakakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. hindi siya ganito.

"do you like me?"


"yes i like you mabait ka naman eh."


"that's not what i mean. do you like me.... in a romantic way?"

 yumuko siya. wala siyang sinabi. hindi rin siya makatingin sa akin.

"do you see me as your boyfriend? as your partner?"

hindi siya uli nakatingin sa akin. sa puntong ito, hindi ko na maitatanggi ang katotohanan. ayaw niya sa akin. hindi ako mapakali. lumalakas ang kabog sa dibdib ko. gusto kong sumigaw. gusto kong kumawala. wala na akong naririnig. wala na akong nakikita. puro kadiliman. tumayo ako at pumasok sa loob ng starbucks.

"2 glasses of water please."

bumalik ako dala dala ang dalawang basong tubig. umupo ako't iniabot sa kanya ang isa. nilagok ko ang isang baso ng tubig. huminga ng malalim. nagsindi uli ng yosi umaasang mapapawi ang sakit na aking nadarama. unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata. lumingon ako sa kabilang dako. ayokong makita niya akong umiiyak. tumingin ako sa itaas. ayokong bumagsak ang aking luha ngunit wala na akong nagawa. hindi ko sa kanya pinahalata. sa tuwing babagsak ang aking mga luha, ito'y pupunasan ko agad. wala na akong pakialam sa mga nakakakita. inipon ko lahat ang aking lakas ng loob para humarap sa kanya. inihanda ko ang aking sarili at saka lumingon sa kanya. nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. alam kong nasasaktan din siya. pero bakit? siya ang may gusto nito.

"so i guess this is it. this would be the last time."


"hindi naman sa ganun we could still be friends."


"why cant you give me a chance? ha! why?.. thanks for ruining my christmas eve."

wala pa ding salitang lumalabas sa kanyang mga bibig. nanatili siyang tahimik at nakayuko.

"anu bang gusto mo? oh sige, ayaw mo ng binibigyan kita ng gifts or surprises? sige gagawin ko. nagkataon lang naman na holiday at birthday mo. anu pa gusto mo? "

"ayaw ko ng pressure."


"pine-pressure ba kita? di ba sabi ko sayo naiintindihan ko ang sitwasyon mo. kaya nga sinabi ko sayo na hihintayin kita na maging ready di ba?"


"b***t, chance lang naman ang hinihingi ko sayo eh. bakit hindi mo ko bigyan ng pagkakataon?"

naging mabigat ang aming pag u-usap. halos apat na oras namin itong pinag uusapan. ilang beses ko din itinago sa kanya ang aking mga luha. hindi ko na maalala kung anu pa ang mga napagusapan o ayaw ko na lamang alalahanin pa.


"oo na sige. ill give you a chance"


"teka teka. chance... so ibig sabihin...."


"we're officially exclusively dating"

tang ina lang! gusto kong sumayaw sa saya dahil sa narinig ko.gusto kong tumalon at isigaw ng malakas na malakas ang YES! nag aya na siyang umuwi dahil lumalalim na din ang gabi. tinanong ko uli siya habang naglalakad.

"totoo ba yung sinabi mo?"


"oo"

January 1, 2012


nag tweet at nag bbm ako sa kanya. best things that happened to me this 2011 #1: knowing and meeting you is the best and one of the highlights of my 2011. maraming maraming salamat sayo @a********t. kabadong kabado ako. hindi dapat ako pumalpak. dapat saktong saktong 11:59pm ang pagdating sa kanya ng tweet at bbm ko sa kanya. pero dahil sa selebrasyon ng new year hindi niya ito agad na-receive.

January 5, 2012

gusto niya i-lessen ko ang pagyo-yosi ko. nabanggit ko din sa kanya ang plano kong magpa-braces sa ngipin. isa lang ang sinabi niya. "kelangan mo ba nun?"

January 10, 2012

nag send siya ng bbm

morning ingat pag uwi.


good morning. buo na araw ko :)


aw. thanks. what song do you want?


song for what?


kantahin ko


uuhhhmmm, ikw anu ba gs2 mo? yung gs2 mo sbhn sakin. ako kasi kinakanta ko yung gusto ko sbhn 

nakatnggap ako ng voice note galing sa kanya. pinakinggan ko.

Di biro ang sumulat ng awitin para sayo
Para akong isang sirang ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tikladoy pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbong
Tungkol saan naman kayang awiting para sayo
Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo
Kung man tugmay di wasto
Bastat isipin di magbabago
Damdamin ko sayo
Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa



hindi ako nakapagsalita. naluha ako sa sa narinig ko. sa puntong ito, sigurado na ako. mag iintay ako kahit gaano pa katagal. kaya ko nang harapin lahat ng pwedeng mangyari. nagbunga na lahat ng pag-iintay ko. sa wakas unti unti na din niya akong nagugustuhan. nagdaan pa ang mga araw. kinantahan niya uli ako ng "hanggang ngayon" ni Regine at Ogie pati na din ang "later" ni fra lippo lippi. isa ito sa mga pinaka masa-sayang araw. walang katumbas ang ginagawa niya. hindi ito ang unang pagkakataon na kinantahan niya ako. nagsimula ito ng hilingin kong kantahan niya ako dahil hindi ako makatulog. kinanta niya ang "part of your world" sa una'y wala lang sa akin yun. ni hindi nga ako kinilig dahil para sa akin, bading na bading naman tong kanta niya. hanggang sa...

"aawww... kinikilig ako. ang swwet niya" sabi ni kerbi habang pinapakinggan ang kanta.


"anung nakakakilig diyan eh..."


"di mo ba na gets?" 


umiling lang ako.


"girl pakinggan mo... up where they walk, up where they run, up where they stay all day in the sun. wanderin free wish i could be part of your world"


"oh? anu ngayon?"


"wish i could be part of your world."

saka ko naintindihan ang gusto niyang sabihin. napangiti ako ngunit hind ko na masyado inisip.

"girl, wala lang yan sa kanya."


"girl hindi, matalino si b***t, hindi siya gagawa ng something na may double meaning sayo. na ikaw nililigawan siya."

January 13, 2012

Tinapos na niya ang lahat. wala daw talaga siyang maramdaman para sa akin.

"let's stop this na. tigilan na natin to. ayoko na. wala talaga eh."

Hindi ko magawang magalit sa kanya. sinubukan ko na lamang itong tanggapin.

*******

"hindi lahat ng fairy tale nagtatapos sa... and they live happily ever after"

6 comments:

Exercise your freedom of expression