Wednesday, February 22, 2012

Meet the gang

In preparation sa 11th year celebration ng friendship namin, i want everyone to know and meet the gang.

My plan was to describe each. Actually, those descriptions was made by Ronnie (except lang sa description sa kanya coz' i made it), ang plano ko lang talaga eh humingi ng mga adjectives to describe each and everyone of us sa kanya however, nung nakita kong ganito ka ganda ang ginawa niya i decided na eto na lang ang i-post ko. Nagdagdag lang ako kung kelan ko sila nakilala. so, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa.

Ladies and Gentlemen,  i want you to meet....

THE GANG.

Bebz (Class Clown)


Madami siyang pakulo sa buhay. Magaling gumawa ng running jokes at talagang magagamit siya hanggang ilang linggo. Surprisingly, hindi siya sabaw na tao. kung may seryosohang usapan, mapapansin mong tahimik lang siya pakiwari'y nagmamasid at nakikiramdan pero once na tinanong mo na siya sa kanyang opinyon, ikaw na ang mapapa-tahimik sa kanya. Sa grupo, siya ang pinaka-obvious na member ng PLU pero wala siyang pakielam. Nakilala ko siya 1st year high school kami noon and i never thought na magiging close kami.
Super hero ko siya kasi siya yung laging nagtatanggol sa akin noon sa mga baklang moraytang nangbu-bully sa akin. sa kanya ko din natutunan ang kasabihang "birds of the same feather, flocktimoni! ". siya ang nagpakilala sa akin ng kabilang mundo ng mga beki. yung mga beki na no pretentions at all. what you see is what you get ang motto. Working sa isang travel agency kaya madaming booking (pun intended).

Dionee (Keen Observer) 


He can be identified by his 'small' femme-ish voice at may make-up ang pez. Psychology and tinapos kaya dahil doon, lalong tumalas ang observation niya sa maga bagay-bagay. Kahit personality, gestures, reactions namin kinakalikot gamit ang mata at utak. Medyo namimiss na din daw niya magka-BF. Nakilala ko din siya noong 1st year high school kami. my first reaction was "such a sweet and nice na bading naman nito."

Emm (Crackerjack)


Considered as the most mature sa group-- his liberal and critical thinking may sometimes misunderstand by others. He's a perfectionist and strives to get the best he deserves. Kung karamihan sa amin alak at club ang hilig, si becks satisfied na sa libro at kape. And oh, he's the best listener among the bunch. Nakilala ko siya noong 4th year High school na kami (late bloomer kasi si ate) intimidated ako sa kanya noon kasi nga matalino. kakaiba mag isip. my thinking was "lalaitiin lang ata ako nito pag nagkamali ako" but i was wrong.. so wrong.

France (Pretty Boy)



He's like the total package-- smart, handsome, funny and sweet. Siya at siya lamang ngayon sa group na may partner for almost 3 years. Currently residing in Singapore with his hubby at doon na din nagwowork. Sa group, siya siguro ang pinaka-fragile at sensitive. Kaya careful kami sa mga words whenever we talk to him. Nakilala ko siya noong 2nd year high school kami. partner in crime ko toh sa mga kalokohan namin. i remember mahilig kami mag "scan" ng mga "notches" ng mga classmates namin. magkatabi kami ng seat noon pero may konting space sa gitna namin para may daanan ang teacher namin. kapag dadaan ang mga kaklase naming lalaki sisikipan namin yung space na yon para tumagilid ang hombre tapos mag lean kami sa side para pag dumaan na si hombre lalapat siya sa aming mga braso. kaya parang "nai-iscan" namin ang kanilang mga sandata.

Kay (Rad) 


Kay owns the Mister Personality Award. High school pa lang, talagang kilala na si Kay dahil sa makulay niyang ugali. He's also the funniest guy along with Bebz. Very vocal and understanding din itong si Kay. Pasensyoso dati, ngayon hindi na dahil he learned a lesson on being 'too patient.' Siya na din siguro ang may pinakamataas ang libido. Kilala ko na siya noong elementary pa lang kami. Grade 5 ata or 6 pero hindi pa kami ganoon ka-close. Mas nakilala ko lang siya ng todo noong naging kaklase ko siya noong 1st year high school at nakasama sa teatro. siya tipo ng kaibigan na ibibigay ang lahat. siya yung tipo na hindi vocal na mahal ka niya bilang kaibigan pero ramdam na ramdam mo. siya yung tipo na pagsasabihan ka kung alam niyang mali na ang ginagawa mo. siya yung tipo na sasabihin sayo ng harap harapan ang mali sayo. siya yung tipo na susuportahan ka sa lahat ng gusto mo hanggang dulo (depende yun sa gusto mong gawin, kung alam niyang mali pagsasabihan ka niya. kung di ka niya mapigilan su-suportahan ka pa din niya hanggang sa ma-realize mong mali ka na. andiyan pa din siya.)

Kerbi ( Cream of the Crop)


Kung usapang booking at lovelife, hindi nawawalan ng ganitong eksena si Kerbi. Despite his almost-perfect features, humble pa din si becks. Wag mo lang gaguhin dahil masahol pa sa puta 'to kung lumaban. He's also a good observer and adviser too. Sa dami niyang napagdaanan, alam na niya ang pasikot-sikot sa relationship department. Kilala ko na siya noong nasa 1st year high school pa lang kami. gaya sa iba, hindi rin kami ganoon ka-close. nakilala ko lang siya ng lubos noong naka-graduate na kami sa college. si kerbi? wala akong masabi sa kanya. down to earth. never niyang pinagmalaki ang katayuan niya sa buhay. handa siyang tumulong sayo at magbigay ng advices. kakaiba din siya mag-analyze sa isang sitwasyon at sa tao. hindi man siya graduate ng psychology ngunit alam na alam niya ang nasa saloobin mo kahit hindi mo ito sabihin. madali niyang nalalaman kung may problema ka o wala. Sa ngayon, siya ang lagi kong kasa-kasama. medyo na mi-miss ko na nga siya kasi hindi na kami masyado nakakapag bonding ng kaming dalawa lang dahil commited siya ngayon. Engaged na daw siya ngayon. choz! (binigyan kasi siya ng ring ni Paul)

JP (Sweetheart)


Unique na unique si JP dahil sa kanyang toasted caramel skin tone joke haha. Personality wise, he's a great companion at any times and cost. Medyo masaklap ang naging karanasan sa lovelife lately kaya iwas muna sa aura si becks. Late na din siyang napasama sa group pero he was able to adjust faster than the speed of light. Masarap kasama kahit tahimik. 1st year high school ko siya nakilala. gaya ng iba hindi ko pa din siya ka-close. actually hanggang ngayon hindi pa kami nagbibigyan ng pagkakataon na mag bonding ng kaming dalawa lang. gayon pa man, hindi pa rin naman nawawala ang concern niya sa akin. lagi siyang andiyan handang makinig sa mga problema mo. (huwag ka na kasi absent ng absent pag may lakad!)

Malcolm (Feisty)


He seems intimidating pero what people don't know is that he's the most lovable and warm we know. Kahit smart si becks, hindi rin nagpapahuli sa kalokohan. Hindi siya nakakasama sa aming get-together pero he's always there, nagpaparamdam. Sa Las Vegas nakatira si becks ngayon at ine-enjoy ang saganang ani ng santol. 

Marc (Fantard)


Kahit madalang naming makita si Marc, magaan ang pakiramdam namin sa kanya compared sa iba naming friends na ayaw talaga magpakita. Big fan ito ni Sarah Geronimo at mahilig magtweet at post ng kung ano-ano. Isa siya sa kinaiinggitan sa group dahil maluwag na maluwag ang oras niya-- di muna kasi nag-aaral si becks.

Rowee (Underdog)


Si Rowee ay bigla na lamang naging active sa group dahil na din kay Kay. Isa siya sa may brains sa group, pero that doesn't mean yung iba boba haha. Call center agent by night, barangay kagawad by day. Hindi siya smoker before until na nagwork siya sa Call Center. Personality wise, maharot din at medyo makati din ang utak.

Royce (Tough One)


Kung usapang debate and english-an, hindi nagpapahuli si puta. We consider him as a mature and strong person dahil na din sa mga napagdaanan niya. He is working for many years na din as Call Center agent and right now he's also studying a college degree. He has mastered juggling school and work. Siya na masipag.
4th year high school kami noong naging close kami (3rd year high school kasi siya nung nag out siya). kasama namin siya nila Kay at Ronnie sa teatro noon. na-aalala ko pa ang unang lakwatsa namin bilang magkaibigan. sinamanhan ko siya sa Quiapo para ipagawa ang project namin (Running light) unluckily walang tumanggap kaya kumain na lang kami sa chowking. Noong college kami, siya din ang palaging nag a-aya sa akin na magpunta sa Gov. (gay club sa may Makati Ave. na ngayon ay sarado na) Dati, lagi niya akong binu-bully. Sa grupo kami yung palaging nagca-clash but then nag mature na daw siya kaya ayun di na niya ko binu-bully. and because of that i love him more na.

Rusell (Most Affectionate)


Isa siya sa masarap kasama sa group. Kung tutuusin kapag wala siya sa meet-up, hindi kumpleto ang kalokohan ng circle. We describe him as uber-passionate when it comes to being in love. Kung usapang aura, mahaba ang time ni becks sa mga ganyan. He's always doing his best to get what he wants and deserves. . Naging close kami ni Rusell nung 2nd year high school and I never thought na magiging GANITO katagal na yung pinagsamahan namin. Tulad ni Bebz, madami ding iniiwang antics and jokes si becks on every meet-up. (was made by Ronnie)

Ronnie (Our Spine)


Our Spine kasi siya yung nag ho-hold sa amin para mabuo kami. kapag may issue, hindi ka makakarinig ng kahit anong comment mula sa kanya. pero once na nagsalita na siya lahat kami tatahimik. takot kasi kami sa kanya. Kung wala si Ronnie, wala din ang grupo namin. naaalala ko siya ang laging gumagawa ng "event" namin para lagi pa din kaming magkakasama-sama at para hindi mawala ang communication namin sa isat-isa. Siya ang dahilan kung bakit tumagal kami ng 11 years. Generous itong si beki. hindi niya ipagdadamot kung anung meron siya sa amin. kahit nga kwarto eh shinare na rin niya sa amin kaya ayun ginawa na naming hotel ang bahay nila at every weekend nandoon kami para mag sleep over. One of the most interesting person I've ever met. kakaiba ang mga hilig niya. dati nagbabsa siya ng book para matutunan ang language na Portuguese. Magaling din siya sa Geography at history ng Miss Universe. haha! Inclined si beki sa Fashion kaya naman isa  sa design niya ay nanalo sa UP. pre-school pa lang kami ng una kaming magkakilala (ata) di ko masyado maalala or di namin masyado ma re-call at ma confirm pero siya daw yung kaklase ko na nagbigay sa akin ng robot (by the way hindi ko naman na-enjoy. charot!) 

* * * * *

Sila ang bumubo ng weekends ko. Sila ang aking shock absorber at stress reliever. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nabubuhay pa ako. Higit pa sa magkakaibigan ang turingan namin. para na rin kaming magkakapatid. Maaring ang ilan sa inyo ay sabihing masyado ko naman silang binu-bulgar sa inyo. well, ganoon ako ka-proud sa kanila. kahit saan ako mapunta o kahit sino man ang makausap ko sila ang palagi kong bukambibig. proud ako sa kanila at sa aming samahan. aba! hindi biro ang mag-alaga ng friendship na tumagal ng ganito. at hindi lahat ng pagka-kaibigan tumatagal ng 11 years na may constant communication na every weekend nagkikita kita. Nakikinita ko na, na isa sa kanila ang makakasama ko sa bahay. isa sa kanila ang magiging room mate or house mate ko habang buhay. Sila ang nilo-look forward ko everyweekends. Sila ang aking buhay. ang aking mga kaibigan. ang aking pamilya. 

12 comments:

  1. noong una akala ko barkadahan nyo to na nabuo nung high school pero mukhang di ganun ang setup

    after reading this namiss ko tuloy ang mga super friends =D

    ReplyDelete
  2. unang hoongsabeee!!

    such a great and good support system from your friends..
    nice!

    ReplyDelete
  3. nice. parang yearbook lang ah. namiss ko tuloy close friends ko from highschool.

    ReplyDelete
  4. nakapag-post ka na ganito before? or si ronnie yun? hehe!

    at talagang hindi mo pinalitan pic mo? Eeeee! I like this post! Super! Kayo na ang may anniversary.

    Cheers to you guys :)

    ReplyDelete
  5. @superjaid: it is.. galing lang kami sa ibat ibang groups tas nagsama sama from then on kami na magkakasama lagi

    @ronnie: haha!

    @ceiboh: true! swerte ko sa kanila

    @justin: actually! yan din naisip ko habang binabasa ko siya.

    @nimmy: ako ata. uu kelangan may element of surprise.

    more mystery less history :)

    ReplyDelete
  6. super like. panalo talaga ang beks. =]

    ReplyDelete
  7. Parang naalala ko ang upper east side ni kanesulfur sa mga barkada mo, hehe...


    Happy Anniversary! :)

    ReplyDelete
  8. Nice! Kainggit naman ng friendship nyo! Pero bakit ikaw ang bukod tanging may takip ang mukha?

    ReplyDelete
  9. great friends... mine's mostly female. hehe

    ReplyDelete
  10. Russ, sobrang natuwa ako sa feature mo na ito. Nasabi ko na ata before that you are lucky to have good friends. Kasi you blogged about something when you guys met. They're really the support system epitome!

    I find Dionee cute. Hahaha! Parang pareho sila ng smile ni Nimmy. Hehe.

    Great to meet you all!

    Cheers.

    ReplyDelete
  11. 11 years of friendship... *applause*

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression