Tuesday, February 7, 2012

kwento ni B part 2







dito na ko sa g4 sa may starbucks sa labas 


bilis mo ah. sige papunta na ako. sorry ah baka ma late ako medyo traffic kasi eh.


sige dito muna ko yosi lang saglit


sige, yosi ka muna diyan.

dumating ako sa lugar na aming pag tatagpuan ng maaga. mga bandang 3:15pm nandoon na ako. ayoko kasing ma-late sa unang date namin. kaya from San juan to Makati nag taxi na ako para hindi ma-traffic. isang araw bago ang aming pagkikita ay inamin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. isa lang ang sinabi niya sa akin. "bukas na lang natin pag usapan yan." kinabahan ako. mukhang alam ko na kung anu ang mangyayari. ngunit pinigil ko ang sarili kong mag isip ng kung anu-anu. mas pinili kong maging masaya na lang dahil makakasama ko siya manuod ng sine.

Natapos na akong mag yosi. 3:30pm ay wala pa siya. pumasok muna ako sa loob at tumingin ng mga screening schedules. May 3:00pm magsisimula, may 3:30pm, 4:00pm, 4:45pm, 5:00 at 6pm ata or 7pm. Naisip ko kung bibili na ako ng ticket para sa 4pm eh baka hindi naman siya saktong dumating ng 4pm. baka meron pa din siyang gustong gawin bago kami manuod ng sine. kung 5pm naman, masyado ng gabi matatapos ang palabas. alam kong hindi niya iyon magugustuhan dahil may pasok pa siya kinabukasan. tumingin ako sa orasan sa cellphone ko. 4pm na wala pa din siya. saka ko naramdaman ang sakit ng tiyan ko. naalala ko hindi pala ako nakapag lunch dahil sa kaka-prepare ko. gusto na sanang kumain habang iniintay siya kaya lang naisip ko na baka bigla siyang dumating. kung ganun man ang mangyari sablay na ko dahil hindi ko man lang siya inintay. tiniis ko na lamang ang gutom na aking nararamdaman.

Lumabas na lang ulit ako para mag yosi. sa puntong ito medyo na aasar na ako dahil 30mins na siyang late. ayoko naman siyang itxt ng itxt dahil baka ma pressure siya masyado sa akin kaya nag hintay na lang ako sa kanya. sa totoo lang ako yung tipo ng tao na ayaw na ayaw nag iintay. asar na asar ako sa ganun kaya tuwing may lakad kami ng mga aking kaibigan lagi akong nagpapahuli or kung hindi naman ay sakto lang sa oras na napag usapan. 4:45pm na wala pa din siya. okay fine! hindi na ako nakatiis. nag tweet ako ng nag tweet. doon ko na lamang inilabas ang inis na aking nararamdaman. pero pinilit ko pa din maging kalmado. nag txt ako sa kanya.

hey! san ka na?


lapit na po. sorry talaga late ako layo kasi eh tsaka traffic pa. sorry


okay lang. fault ko din naman dito ako nag aya sa makati. basta dito lang ako sa g4 sa starbucks sa labas ill wait for you.

5:30pm na ng dumating siya. tinanong ko siya kung gusto na niya manuod or baka gusto muna niya kumain.

"hey! sorry late ako. pasensya na talaga"


"anu ka ba okay lang naman"


"anu? tara na."


"sure. pero gusto mo ba muna kumain?"


"uhhh, later na lang maybe after the movie"


"ok."  


pumila kami para bumili ng ticket. habang nakapila ay nagkamustahan kami. kaya pala siya na late dahil galing siya sa party ng best friend niya nung gabing iyon at inumaga na siya ng umuwi. medyo nawala na din ang inis ko dahil andito na siya sa tabi ko. pinapakinggan ko lang siya magkwento habang nakatitig sa mga mata niya. parang gusto ko mahimatay. chos! ang ganda ng kutis niya sa mukha parang baby. ang haba ng kanyang mga pilik mata. mas matangkad siya sa akin kaya medyo nakatingala ako habang tinititigan ang kanyang mga mata. hindi talaga ako makapag salita. actually mahiyain talaga ako lalo na kung unang beses nating magkikita. isang tanong isang sagot. ganyan ako sa kanya. pilit kong pinipiga ang utak ko para magkaroon naman ng magandang flow ang aming usapan pero wala talaga ako maisip. parang mas gusto ko na lang titigan ang muka niya.

Cinema 7, 5:50pm ang napili namin. pumasok na kami dahil magsisimula na ang palabas.



Heto na. nasa loob na kami na sinehan. sa may bandang unahan kami naupo dahil medyo marami ng tao sa may bandang gitna.hindi ako makahinga ng maayos. hindi ako makapag concentrate sa pinapanood ko. naisip ko, anu ba gagawin ko? magbe-behave ba ako at magpapaka gentelmen or magpapaka naughty at pagapangin ang aking mga kamay? Nanaig sa aking ang pagiging gentlemen at itinago na lang ang aking mga kamay. naisip kong baka isipin niya na sex or landian lang ang gusto ko sa kanya. ipinakita ko sa kanya na higit pa doon ang aking nais. pinatunayan ko sa kanya na malinis ang intensyon ko sa kanya.

Mag alas siyete na ng natapos ang palabas. inaya ko siyang kumain ngunit tumanggi siya. wala na kong nagawa at sinunod na lang ang gusto niya. lumabas muna kami sa may starbucks kung saan una kaming nagkita. doon na namin napag usapan ang dapat naming pag usapan. 

"pwede ba kitang ligawan?"

"alam mo naman di ba na 4 years akong single at medyo naninibago pa ako sa ganito."


"naiintindihan ko, basta mag iintay na lang ako sayo hanggang sa maging handa ka na"

Naging mahaba ang aming pag uusap. he doesn't want to term it as a date yung ginawa namin. ang sabi niya "going out" daw. kilalanin muna namin ang isa't-isa. acutally para sa akin iisa lang yon. whether going out or date you still both on the stage of knowing each other. na-aalala ko noon, nag explain pa ako sa kanya na para sa akin dating is a long process. na hindi ito one time lang. kung baga pag sinabi mong "dating" isang proseso nang pagkakakilanlan niyo sa isat isa sa pamamagitan ng paglabas labas. At dahil gusto ko siya, sinunod ko na lang ang gusto niya. nagtxt ang aking kaibigan na si kerbi na nasa greenbelt starbucks. inaya ko si B kung gusto niyang mag kape. pinuntahan namin si kerbi sa greenbelt starbucks kasama pa ang 2 naming kaibigan. sina Chie at Mike. Naupo kami sa labas para pwede din kami mag yosi. bago ako pumasok sa loob tinanong ko muna si B kung anu bang gusto niya. umiling lang siya. lumabas ako na may dala dalang green tea frappe para sa kanya. ngumiti siya at nagpasalamat.

December 2011

Madalas kong mabasa sa mga tweets niya na nahihirapan siyang makahanap ng ticket sa little mermaid musical play. Naisip ko, kinakampihan ako ng tadhana at siya na ang gumagawa ng dahil para kami ay magkita muli. hindi joke lang. gumawa din naman ako ng paraan. naging way lang ang little mermaid na yan para magkita uli kami. nag research ako kung paano ba ako makakabili ng ticket. nalaman ko na kasama siya sa daily deals sa Ensogo for 300. bibilhin ko na sana kaya lang naisip kong hindi magiging maganda ang sorpresa ko sa kanya kung nagtipid ako. hindi na ito espesyal. nakita ko ang website ng Atlantis production. kinontak ko sila at bumili ng 2 ticket. sinorpresa ko siya at ipinakita ang ticket na aking nabili. Dec. 10, 2011 kami manunuod sa Meralco theater.



*ang lahat ng pangyayari ay halaw sa tunay na pangyayari. pag pasensyahan niyo na kung hindi ko masyado ma describe si B or magbigay masyado ng detalye tungkol sa kanya. baka mahulaan niyo kung sino siya mahirap na. isa pang pa alala, pilit kong inilalabas sa kwento ang perspective ni B kaya wag niyo sanang isipin na puro ako lang ang nandito. pasensya na din kayo kung medyo mahaba ito at may part3 pa gusto ko sanang       paikliin pa kaya lang baka hindi niyo maintindihan ang pinaka punto ng istorya. wag sana kayong magsawang bsahin ang kwento namin ni B. malapit na to matapos pramis!

3 comments:

  1. Wow!

    Can't wait for Part 3! Nabitin ako. hahaha.

    At parang kilala ko siya, coz I remember someone looking for Little Mermaid tickets, or is it just my imagination? LOL.

    Bilisan mo magsulat!!! Hahaha. Demanding.

    ReplyDelete
  2. sino kaya siya?hihi anyway..part 3 na!gusto ko ng malaman ang susunod na mangyayari hahaha

    ReplyDelete
  3. ditseng Leo, i am, as always, clueless. ibulong mo saken dali. ibulong mo saken ng malakas kung sino siya.

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression