inihatid niya ako sa may sakayan ng taxi.
"derecho ka na uwi niyan"
"ah. hindi pa, punta pa ko kila Ronnie eh. gusto mo sumama?"
"ah hindi na sorry ah may pasok pa kasi ako bukas eh."
"sige okay lang. next time lang siguro kita ipapakilala sa kanila."
Siya ang pumpara ng taxi para sa akin. halos 30mins din kaming nakatayo sa may kalsada para pumara ng taxi. walang may gusto. pagod na ako kaya hindi ako makapara ngunit siya ang tiga-para ko. kinilig na naman ako. feeling ko babae ako. haha!
Halos mag ta-tatlong oras na akong paikot ikot sa Megamall kakaisip ng ire-regalo kay B para sa kanyang kaarawan. balak ko sanang pag isahin na lang ang regalo ko sa kanya pang pasko at pang birthday niya. wala pa din akong maisip na regalo sa kanya. naisip ko kasi kung pag iisahin ko ang regalo ko dapat yung maganda. yung paniguradong magugustuha niya. anu nga ba ang magandang i-regalo sa kanya? boxer shorts? wag! baka isipin niyang
Matapos kong magbayad ay nagpunta ako sa National bookstore. gaya nga ng nasabi ko, kailangan ispesyal ang regalong ito. nagpunta ako sa may gift wrapping section. tumunganga at kinilatis ang mga wrappers. anu bang magandang ipang-balot dito sa regalo ko? kumuha ng isang wrapper. tinitigan. ibinalik uli ang wrapper. kumuha pa ng isa tinitigan uli. ibinalik uli. umikot pa ako sa buong store para maghanap pa ng ibang wrappers. wala na akong makita. bumalik uli ako sa gift wrapper section. tumunganga uli sa harap ng napakadaming wrappers. sino ba sa inyo ang nababagay para sa kanya? kumuha uli ng isag wrapper tinitigan at kinilatis ng mabuti. hindi ako nakuntento ibinalik ko uli. naiinis na sa akin ang sales lady dahil sa ginagawa ko pero wala akong pakielam. dapat maganda ang pang-balot nito. hindi ko ito ibibigay sa kaibigan lamang, itoy para sa isang espesyal na tao. kumuha uli. hmm.. maganda. card naman ang kinuha ko at saka nagpunta sa gift wrapping section. "excuse me pa-gift wrap po. ayun po yung design na gusto ko. pakilagay na lang po sa box." ang sabi ko kay ate na magbabalot ng gift. pinagmasdan ko siya habang binabalutan niya ang regalo ko. uminit ang ulo ko dahil masyadong nagmamadali si ate at nagkakaroon na ng kulubot ang wrapper. "excuse me! pwede dahan dahan naman yung pag balot mo kasi special yan eh kaya nga ako nagpa gift wrap para maganda at maayos. pwede?"
pauwi na ko ng biglang nagtxt sa akin si Ronnie tungkol sa femme fatal dvd ni Britney Spears. na alala kong hardcore fan nga pala si B ni Britney. hindi ako nagdalawang isip at bumalik sa mall. nagpunta sa Astrovision at bumili ng femme fatal tour dvd ni Britney. dali dali akong nagpunta uli sa National bookstore.
Sa pagkakataong ito, iba na ang nagbabalot ng mga regalo. mabait si ate at marahan niyang binabalutan ang espesyal na regalo para sa espesyal na tao. "sir, ang swerte naman ng girl friend niyo pati simpleng regalo gusto niyo alagang alaga. siguro alagang alaga din siya sa inyo." gusto kong yakapin si ate at sabihin tama ang sinasabi sablay lang sa "girlfriend". ni-ngitian ko lang siya. kaya naman patuloy pa din niyang binabalutan ang regalo. nilagyan pa niya ng japanese paper sa loob ng box para daw may kaunting suspense kung bu-buksan na niya ito.
December 24, 2011
"what do you want?"
"no im fine. umupo ka na."
"no its okay I insist."
"kapag pinilit mo pa magagalit talaga ako sayo."
wala na akong nagawa kaya umupo na lamang ako. Kinamusta ko siya. ibinigay ko ang mga regalo ko sa kanya. iniabot ko ang regalong nakabalot sa kulay blue. sabi ko "happy birthday! eto muna buksan mo sa christmas na yung isa." ngumiti siya at sinimulan tanggalin ang ribbon. "ang hirap tanggalin ng ribbon ah.. haha!" kinuha ko ang aking cellphone at kinuhaan siya ng video habang binubuksan ang gift. naka limang minuto din siya kakabukas nito. "ang daming balot ah. hehe. talagang may suspense?" napangiti na lamang ako. actually kinikilig ako dahil kitang kita ko ang kasabikan sa kanyang mga mata. natanggal na niya ang paunang balot. binuksan ang kahon, ang ikalawang balot na japanese paper naman ang kanyang binubuksan. nasasabik na akong makita ang magiging reaskyon niya.
"awwww..." ang sabi niya ng masilip na niya ang loob. napangiti ako. tuwang tuwa ako. walang kapalit ang nakikita ko. masaya siya. nagustuhan niya ang regalo ko.
"do you like it?"
"oo naman number one fan kaya ako ni britney." habang akap akap ang dvd.
napabuntong hininga na lamang ako habang nakangiti. nawala lahat ng pagod ko. masarap talaga sa pakiramdam ang makita siyang masaya. kinuha niya ang cellphone niya.
"hehe! txt ko lang yung friend ko inggitin ko lang na may femme fatal na ako. thanks ah."
Ngiti na lamang ang nasukli ko sa kanya. sa lahat ng mga nangyayari, nakuntento na ako sa ngiti niya.
Marami din kaming mga napag usapan. ngunit hindi maalis sa isip ko ang estado namin. halos 2 buwan ko na din kaming lumalabas. sa tingin ko naman may improvement. ngunit ayaw kong mag assume. sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay tinannog ko siya. "Anu na ba ako sayo? may pag asa pa ba ako? do you like me? do you see me as your boyfirend?"
*kahit anung pilit kong paikliin ang kwento. hindi ko magawa.




na struck ako sa ngiti, anung kayang klaseng ngiti meron sya? hhhmmmm, curios ako..
ReplyDeleteAnyway, dun sa comment mo sa aking, ng ka fistula ako, it's a minor thing you know. parang ganito yan, nag ka boils ako, then nawala, but sooner bumalik sya, it means my drainage kumbaga na pweding pag daloyan pero yun nga lang stuck up.. gets na? hehehehe
parang regalo din tong post mo, may pa'suspense hehe.. kala ko last part na talaga.
ReplyDeleteHindi ako papayag na ito na yung ending!!!
ReplyDeleteHahahahaha.
Wait pa rin ako for the ending I'm expecting... EEEEEE.
:)
ok nga yung ganito eh ramdam na ramdam namin yung mga emotions mo tsaka napipicture out pa namin yung mga pangyayari. next post na!
ReplyDeletesana may gumawa din sa akin ng ganito yung effort talaga. haaay
i have a feeling about this guy. pero im postponing my comments until i get to read the last part. ayos ba, shen? ahahaha.
ReplyDeletecongrats on your new found love! :)
ReplyDeletepaikliin? :)
ReplyDeleteHaha, parang love, kahit panu mo pigilan, di mo magagawa..
dnt worry, masarap naman basahin, napapangiti din ako. :)
@tim: ah gets ko na.. drainage ang purpose ng fistula mo and hindi para sa dialysis :)
ReplyDelete@cow: breaking dawn and harry potter kasi ang peg ng kwentong ito
@leo: salamat sa pagbabasa. meron pa yan at hinding hindi mo mahuhulaan kung sino siya
@superjaid: ui salamat ah! buti nakakarelate ka kahit babae ka. i have this thinking kasi na straight people will never understand us..
ReplyDeletedont worry may isang taong gagawa din sayo nito.
@travis: hhhmmmm... base sa usapan natin sa twitter? ewan ko. hahaha!
@charles: :)
@nikka: salamat sa pagbabasa ah.. ang cheesy mo. hehe! :)
Britney fan here hahaha.
ReplyDeleteBTW, we talked na about this ha. We're always here.