Nanligaw ka na ba ng siya lang ang nililigawan mo? Ang ibig kong sabihin, yung hindi ka nag play safe na marami silang dini-date mo para if ever man isa sa kanila hindi ka sagutin mayroon ka pang reserba. Nag mahal ka na ba ng buong buo? yung tipong dahil sa kanya nagpaka bait ka? Nanligaw ka na ba sa isang tao na lahat ginawa mo makita mo lang siyang masaya? yung tipo na sa tuwing lalabas kayo, gusto mo lahat perfect. simula sa oras ng pagkikita niyo, sa pupuntahan niyo, sa gagawin mo, sa mga ibibigay mo sa kanya na talagang nag research ka kung anu ang mga gusto niya. na nagtanung-tanong ka pa sa mga kaibigan mo kung anu sa tingin nila ang mga bagay na magugustuha niya. yung sa tuwing magbibigay ka ng regalo sa kanya ipapa-gift wrap mo pa dahil alam mong ibibgay mo ito sa isang taong espesyal hindi sa isang normal na tao lamang. at sa kadahilanang you want everything to be perfect and special ultimo pagpili ng gift wrapper at greeting card na ilalagay mo sa regalo mo pinag iisipan mo pa ng mabuti. yung tipong tutunganga ka ng 30 mins. sa harap ng sandamakmak na mga gift wrappers kakaisip kung anong gift wrapper ang gagamitin mo sa ibibigay mong regalo na babagay sa personality niya at saktong magugustuhan niya. yung tipo na pipili ka pa ng pinaka magandang istilo ng gift wrap para sa kanya?
in the end.... mauuwi din ang lahat sa wala.
********
nagkakilala kami dito sa blogspot. unang basa ko pa lang sa pinaka una niyang entry naramdaman ko na ang koneksyon ko sa kanya. parehong-pareho kasi kami halos sa lahat ng bagay. naramdaman kong hindi lang pala ako nag iisa sa mundo. naramdaman at nakita ko ang sarili ko sa kanya. sa totoo lang gusto ko siyang yakapin habang binabasa ang blog niyang iyon at sabihin sa kanyang "huwag kang malungkot, hindi ka nag iisa". alam mo yung pakiramdam na sa wakas nakahanap ka rin ng taong makakaintindi sayo. sinubaybayan ko pa ang mga entries niya sa blog niya. hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o sadyang pareho lang talaga kami ng mga pinagdaanan. may kwento siya tungkol sa mga past relationship niya at sa mga naka date niya. halos parehong pareho kami ng mga napagdaanan.
Then I followed my instincts, I sent him an email. bahala na kung sumagot siya sa email ko sa kanya. bahala na kung anu ang mangyayari. basta bahala na. hindi naglaon nag reply siya, nag reply uli ako. nag reply uli siya hanggang sa regular na kaming nag uusap sa email. I took the next step, i asked for his number. luckily, binigay naman niya. nag text ako nag reply siya tinawagan ko siya sinagot naman niya. tandang tanda ko pa noon nasa pampanga siya dahil birthday ng ate niya na doon nakatira. hindi rin kami masyado nakapag usap ng matagal gawa nga ng busy siya.
October 2011
Nabanggit ko sa kanya na pupunta kami ng mga kaibigan ko sa black party sa Malate. nasabi din niyang pupunta sila doon kasama ng mga kaibigan niya though nasabi niya na hindi sure na pupunta sila. inaya ko siyang makipagkita sa akin if ever man na matuloy sila.
san ka na?
andtio sa labas nakapila pa. ikaw?
nasa loob na ng bed. text mo ko pag nasa loob ka na ah.
dito na ko sa loob saan ka
nandito sa may harap ng bar malapit sa dj sa right side
asan ka wala ka naman dito
"hi!"
"ui! andiyan ka na pala. hi"
"hi. musta?"
"ha?"
lumapit ako sa tenga niya para marinig niya ako. malakas kasi ang tunog na naggagaling sa speaker kaya hindi kami nagkakaintindihan. ganyon pa man, naipakilala ko siya sa mga kaibigan ko at ganun din naman siya. hindi rin naman kami masyado nakapag usap ng maayos dahil nasa loob kami ng bar. medyo palibot libot din kami sa loob ng bed kaya wala din kaming oras makapag usap ng maayos. wala naman espeyal na nangyari sa araw na ito bukod sa nag sayaw lang kami saglit. hindi sa na love at first sight ako sa kanya pero naramdaman kong gusto ko siya. "ah pwede! gusto ko maging boyfriend to" ang sambit ko sa aking sarili.
November 2011
Hindi ako nakuntento sa naging pagkikita namin sa black party. hindi kami nakapg usap ng maayos. ni hindi nga kami nakapag kwentuhan tungkol sa mga buhay buhay namin, kaya gumawa ako ng paraan. nag text ako sa kanya at inaya ko siyang manuod ng sine. "Twilight saga: breaking dawn ok lng ba sayo?" paborito ko kasi ang twilight. buti naman at pumayag siya dahil alam kong wala naman siyang hilig doon. nag handa ako, sa totoo lang kabadong kabado ako. hindi ako makatulog ng maayos. kung anu anu ang mga naiisip ko. Nov. 20, 2011 nanuod kami ng breaking dawn.
"4pm sa g4 ok lang ba?"
"uhm, ok cge."
Naghanda ako para sa aming pagkikita. inayos ang damit na gagamitin. kumuha ng pera sa taguan at inilagay sa wallet ko. pero hindi pa rin ako mapakali. kabadong kabado ako. ang lakas ng tibok ng puso ko. nasa bahay pa lang ako pero nanginginig na ako. pilit kong nilalabanan ang kaba na aking nararamdaman. nag yosi ako bago maligo ngunit hindi pa rin naibsan ang kaba na nararamdaman ko. nag yosi uli ako nagbabakasakaling makakatulong ang nicotine na taglay ng yosi para ako'y kumalma. medyo naging mahinahon naman ako. naligo, nag tooth brush, nag mouth wash, nagsuklay, inayos ang buhok at nag wax. naligo ng pabango at nagbihis. tumingin sa salamin. huminga ng malalim at sabay sinabi sa sariling "kaya ko to!"
*pardon me kung disorganized first time ko magkwento ng ganito kahaba*

shen,
ReplyDeletemay part 2 naman ito siguro no? neseen ne? dali. dali. lolz.
next na kagad super bitin eh. =D
ReplyDeletepart 2 part 2 part 2 =p
ReplyDeleteaahhh ayun pala :) sabi nga ni kaibigang wagas aka ^travis nesen na eng pert 2?
ReplyDeletePart 2, Part 2!!! Daliiiiiii!!!!! Hahaha. Excited lang me.
ReplyDeleteIkaw na ang may Valentines! :p
ReplyDeleteayan na po..
ReplyDelete