Wednesday, February 8, 2012

kwento ni B part 3




Inisip ko kung paano ko siya so-sorpresahin sa ticket na binili ko. naisip kong ayain siya lumabas at ibigay na lang bigla ang ticket sa kanya. noong mga panahong ito iisa lang ang gusto ko. ang makita siyang masaya. alam kong gustong gusto niyang panuorin ang little mermaid kaya naman ginawa ko ang lahat para lang ma bilhan siya nito. nai-imagine ko na ang magiging reaksyon niya pag nakita na niya ang ticket. ang sarap sa pakiramdam. ganoon pala iyon noh. kapag gusto mo talaga ang isang tao gagawin mo lahat makita lang siyang masaya. madalas ko nang naririnig iyon pero totoo pala. yung ngiti na makikita mo sa mukha niya - priceless. yung saya na mararamdaman niya, ok na ako.

"December 10, after the play the dinner is on me." he tweeted. nabigla ako sa sinabi niya. literal na napatalon ako sa tuwa. halos hindi ako makapagsalita sa tuwa na aking nararamdaman. simula noong una naming pagkikita ay hindi siya nagpapakita ng kahit anu mang emosyon o pag ca-care sa akin. may mga panahon pa ngang nagda-dalawang isip na ako kung itutuloy ko pa. nawawalan na ako ng pag-asa. ngunit, heto't nag tweet siya at siya na daw ang bahala sa dinner namin. ang saya saya ko. hindi ko talaga mapaliwanag ang kasiyahan na aking nararamdaman. daig ko pa ang nanalo sa lotto.

Dumating ako sa Meralco theater mga bandang 7:45pm alas otso kasi ang simula ng play. nag txt ako sa kanya. malapit na daw siya pero baka mahuli siya ng konti dahil traffic. eto na naman kami,. late na naman siyang dumating. mga 8:10pm na siya dumating. nagsisimula na ang play ng pumasok kami.kitang kita ko nag nage-enjoy siya. may mga oras pa nga na lumilingon ako sa kanya. kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan. hindi ko mapigilang mapangiti na lamang. ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko siyang masaya.

Mula sa Meralco theater naglakad kami papunta sa Metrowalk para kumain. "icebergs" ang sabi niya.



Sa labas kami naupo para makapag yosi kami. kabadong kabado ako. hindi ko alam kung anu ba dapat kong gawin. sa totoo lang, first time kong mag dinner date. ang dami kong iniisip. yosi na lamang ang naging sandata ko para kontrolin ang kaba sa aking dibdib. halos naka kalahating kaha na ata ako. kung wala ang yosi malamang mahahalata niyang nanginginig ako. dyahe.dito ko siya nakilala ng lubusan. Ang mga past relationship niya, pamilya niya, kaibigan, pangarap niya sa buhay, mga gusto niya. by the way, hardcore fan siya ni Britney Spears. ako naman si Lady gaga. nagkaroon pa kami ng kaunting pagtatalo dahil doon. hehe! nilalait ko kasi si Britney. nag order siya ng dessert. tinanong niya ako kung anu ang gusto ko. umiling lang ako. nagulat na lamang ako ng inilapag ito ng waiter na may dalawang kutsarita.



paanong hindi ka makakaramdam ng kilig kung ganyan ang eksena niyo. isang ice cream. dalawang kutsarita. dalawang taong paghahaluan ang matamis na pagkain. ang isang ordinaryong ice cream ay naging espesyal. isang ice cream na naging saksi sa aming pag usap. ang ice cream na hindi ko malilimutan habang buhay. napaka sarap nito. matamis na matamis. mas lalo pang pinasarap dahil kasalo ko ang taong minamahal ko.

Dumaan ang malamig na hangin. sa isang iglap naging seryoso ang lahat. nakaramdam ako ng kakaiba. ang romantic pala nitong ginagawa namin. nagsimulang magpatugtog ng mga love songs ang banda na sa unay pang party party lamang ang kinakanta. grow old with you, ill be there, di na natuto at kung anu anu pa. sa puntong ito gusto ko sanang hawakan ang kamay niya at sabihin kung gaano ko siya kamahal. sa puntong ito, gusto ko sanang mag request ng kanta na tu-tugtugin ng banda at iaalay sa kanya. sa puntong ito gusto kong patunayan sa kanya ang aking nararamdaman. 

sa puntong din ito, nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa. sa mga panahong ito kaya ako nakagawa ng tula para sa kanya. bagamat alam kong hindi pa siya ready, hindi ako sumuko. sinabi kong mag iintay ako. ganun talaga siguro kung mahal mo ang isang tao. handa kang gawin ang lahat para sa kanya. hindi ka magmamadali at lalawakan mo ang pag iisip mo.

Nalalapit na ang kanyang kaarawan at akoy naghahanda para sa isa na namang sorpresa para sa kanya.


8 comments:

  1. Gusto kitang kurutin sa singit. Ang landi landi ng pagka-kilig mo. Haha.

    PS. At ikaw na ang opisyal na spokesperson ni DB. LOL

    ReplyDelete
  2. Kilig!!! Halatang kilig na kilig ka Russ. Eeeeee.

    Na-feel ko 'to sa second paragraph. Ang dami mo sinabi, ililibre ka lang naman niya ng dinner. Hahahaha. Charot lang. Ang sarap ng feeling noh? I'm so happy for you na may kilig moments ka.

    Awesomeness. Gusto ko na ng part 4!!! Gow. :)

    ReplyDelete
  3. ramdam na ramdam ko yung kilig mo. kainis ka pati ako nahahawa. hehe =D

    nagiging mas masarap talaga ang kahit anong pagkain basta kasama mo yung taong mahal mo.

    ReplyDelete
  4. ah basta! take care of your heart, shen.

    ReplyDelete
  5. salamat sa inyo.. dunno what to say

    ReplyDelete
  6. kilig naman!!! magkaka diabetes yata ako. hehehe. Go for the goal!

    ReplyDelete
  7. ano ba yan..ako nang inggit. >.<
    haha..grabe ramdam ko din dito sa kwarto ko ang sarap ng ice cream nyo :)

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression