Monday, April 2, 2012

Is this friendship over?





We all lose friends.. we lose them in death, to distance and over time. But even though they may be lost, hope is not. The key is to keep them in your heart, and when the time is right, you can pick up the friendship right where you left off. Even the lost find their way home when you leave the light on. ~ Amy Marie Walz

* * * * *


"I didn't find the 'realness' in our friendship."

Yun ang mga salitang nagpa bagal sa pagtibok ng puso ko. mga salitang nagpa-blanko sa isipan ko. mga salitang tumagos sa kaluluwa ko. mga salitang hinding hindi ko makakalimutan.

Halos 11 years na kaming magkaibigan. 4th year high school noong una ko siyang nakasama. Mas lalo pa naming nakilala ang isa't isa noong napasama kami sa teatro sa school. halos araw araw kaming magkasama kahit sabado dahil sa mga rehersals namin. hindi ko man siya kaklase noon pero hindi ito naging hadlang para sa paglalapit ng aming mga kalooban. kasa-kasama ko siya halos sa lahat ng bagay. Naisip ko nang malapit na kaming maghi-hiwalay noon dahil nalalapit na ang graduation. inaya ko siyang mag entrance exam  sa school na balak kong pasukan. Naisip ko kasing, sa paraang iyon hindi kami maghi-hiwalay. Nauna akong mag entrance exam sa kanya noon sa Trinity University of Asia na noon ay Trinity college pa lamang. Hindi sumang ayon sa amin ang tadhana kaya hindi rin kami nagkasama sa college. Ako, hindi pumasa sa first choice kong course at siya naman ay hindi pinayagang mag-aral doon.

Nawalan kami ng komunikasyon ng buong college life ko. though may mga pagkakataong inaaya niya akong gumimik sa Government (Gay club) sa Makati. Ave. Dumating ang panahong halos hindi na kami nag-uusap at nagkikita. Marahil ay naging abala ang bawat isa sa mga kursong aming kinuha. After college na uli kaming nagkita ng madalas at nakakapag usap. Malaki na ang kanyang pinagbago. Mas nagkaroon ng tiwala sa sarili at mas naging bukas ang isipan sa pagbabago. Masaya ako sa mga naging achievement niya sa buhay. Pinag-aaral niya ang sarili niya bilang isang working student. Call Center Agent by night, student by day. Pursigidong siyang makatapos ng pag-aaral kaya hindi na niya inintay o humingi pa ng tulong sa kanyang mga magulang. Proud akong sabihin na kaibigan ko siya. Ngunit nagbago ang lahat kagabi.

"I didn't find the 'realness' in our friendship." Ang sabi niya sa akin noong nagkaroon ng pagkakataon ang grupo na mag-usap. Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan. I blocked him sa twitter then he unfollowed me. More than 2 weeks din kaming hindi nag-uusap. Planado ata ng grupo na magkaroon ng Open forum para ma mapag-usapan ang naging hidwaan namin sa isa't-isa. Noong una'y hindi pa ganoon ka seryoso ang usapan. may biruan pang kasama. Ngunit tumahik ang lahat ng kami na ang nag usap.

"I didn't find the 'realness' in our friendship. Most of them says your passionate when it comes to your friends but i didn't feel that. before Iba yung closeness natin sa isa't-isa but suddenly nawala na" Nabigla ako sa sinabi niyang iyon. of all people, sa akin pa niya naisip yun. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Napa isip ako kung anu ba ang nagawa ko sa kanya para masabi niya iyon. hinalukay ko ang mga memories namin together simula noon hanggang ngayon. wala. wala akong maisip. wala akong matandaan. hindi ko alam kung dahil ba sa antok na antok na ako nung mga oras na yon o dahil wala talaga akong maisip na dahilan para mabitiwan niya ang mga salitang iyon. Ibig sabihin ba noon from the start pina-plastik lang niya ako?

"Seems like realities never defined you. you live in a world under your blog and twitter that reality never defined you" he tweeted. Sa grupo kami ang madalas na mag clash. Mabilis akong mapikon sa mga panglalait niya sa akin. I tired na hindi gawing big deal iyon, as in I tried pero naisip kong mayroon talagang mga bagay na hindi natin kayang i-tolerate. Lahat ng tao nauubusan din ng pasenysa. for him it was a joke, for me its not. he keeps on bitchin' me everytime na magkikita-kita kami. as in EVERY SINGLE TIME na magkikita-kita ang grupo (Every weekends kasi kaming lumalabas together) kahit na may isasama akong guest, he still keeps on doing it even IN FRONT OF MY GUEST! ilang beses ko nang na-open sa kanya iyon. not once, not even twice but he just cant stop. I dont know why but he just couldn't stop. "I love bitchin around. it was fun" he said. Is that your idea of FUN? paglaruan at pagtawanan ang kaibigan mo? 


"I didn't find the 'realness' in our friendship." he said. Kung hindi ako naging totoo sayo, hindi ako ma-aapektuhan at masasaktan ng ganito. Sabihin mo yan kapag wala na kong reaksyon. Dun ka matakot. Someone told me I value my friends too much kaya ganito rin kasakit sa akin ang aking mga narinig.

Naging mahaba ang pag uusap namin last night. May mga luhang pumatak. May mga pusong natunaw. Bumukas ang isipan ng bawat isa. Halos lahat sila gusto kaming magkaayos ngunit hindi kami nagtagpo. Hindi kami nagkasundo. hindi naging maayos. Walang pinatunguhan ang naging pag-uusap. kaya ko naman kalimutan ang lahat para sa kaibigan. kaya kong ibaon sa limot lahat ng sakit. kaya kong gawin ang lahat, magkaayos lang kami. Ngunit nagbago ang kulay ng puso ko nang sabihin niyang "I didn't find the 'realness' in our friendship."

Nawalan na ako ng gana. Nawalan na ako ng interes na ayusin ang lahat.

wala na.

* * * * *

"I think I've already lost you, I think you've already lost. I think I'm finally scared now, you think I'm weak... I think you're wrong!" - Anonymous

3 comments:

  1. aw,,, parang sapol din to sakin ah,,,
    hindi ko alam kung panu ulit ako magsisimula...pakiaramdam ko kasi ang layu-layu nyo na nI KG...its been months???, ni face nyo di ko man lang nakikta only on FB, then boom,,, i saw preggy woman,,baby shower..my time suddenly stop, yes im shock for 9 seconds..I want to cry, pero pinigilan ko,, kasi alam ko di ako karpatdapat. ang daming oras na nasayang, wala na to,,,wala na to,,

    Id stay w you through this blog,,
    and sorry
    Have a nice day
    God Bless

    ReplyDelete
  2. Hmmm, medyo similar na dyan yung akin...., alam mo..., if your friend cannot give you a damn second jsut to chekc on you, then wave that friend goodbye, he doesn't deserve to be a part of your life kung ganun siya,

    ReplyDelete
  3. ay, anong nangyari? sad. :(

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression