Tuesday, July 2, 2013

Phantasm


Masaya kaming dalawa. Ramdam ng puso kong masaya siya sa tuwing magkasama kaming dalawa. Kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko yon dahil ramdam ko. 

Ramdam na ramdam kong mahal niya ako.

Madalas namin gawin ang mga bagay bagay ng magkasama.

Mag mall, mag luto, kumain, manuod ng sine, mag out of town, manuod ng cultural shows at subukan ang mga bagay na pareho naming hindi pa nagagawa. Pinili naming gawin ito ng kasama ang isa't isa dahil gusto naming maging espesyal ang mga unang pagkakataon sa aming buhay.




* * *

"Sabihin mo na saknya!" Pabulong na banggit ni Austin

"Hindi pwede. Mahal ko siya. At bakit ko pa kailangang sabihin?" Mariing sagot NIYA

"Ah! at ako? anu ako sayo? Laruan mo? Pumayag akong kumabit sayo dahil mahal kita!"Austin

"Hindi... Hindi ganun. Sa una pa lang alam mo naman ang dahilan ko di ba?"

"Oo. Noon... pero ngayon, hindi ko na kayang itago. Nakakasakal. Para akong Kriminal. Nakaka paranoid. Pakiramdam ko laging may nakatingin sakin.... Lahat dapat patago. Lahat dapat sikreto. Ayokong mabuhay ng ganito. Ayokong mamuhay sa kasinungalingan. Nakakapagod!"

Umupo si Austin sa kama.

"Sabi mo noon, mahal mo kaming dalawa kaya mo ko niligawan. Nabulag ako kaya kahit alam kong kayo ng kaibigan ko pumayag ako. I took all the risks without thinking of the possible consequences. I even forget that you're my friend's boyfriend. Kinalimutan kong boyfriend ka ni Rusell. Sabi ko sa sarili ko kakayanin ko dahil mahal kita pero ngayon...... Ayoko ng magtago" Patuloy ni Austin habang hawak ang kamay NIYA.

"Wag ka masyadong sumigaw baka marinig niya tayo" Bulong NIYA

Noon pa man alam ko ng may namamagitan sa kanilang dalawa. Alam ko naman eh. Ramdam ko yon.

Hindi ko na lang pinansin dahil wala namang nagbago sa aming dalawa. Ramdam ko pa rin naman kasing mahal niya ako.

Ayoko lang aminin noon sa sarili ko. Takot ako. Takot akong marinig ang katotohanan.

Ngayon nasa harap ko na ang totoo, wala na akong ibang magawa kundi ang tanggapin ito.

Masakit. Sobrang Sakit. Pakiramdam ko pinag tripan ako ng mundo. Pakiramdam ko trinaydor ako ng sangkatauhan.

Nahilo ako.. Lumabo ang mga paningin ko.

Nakita ako ni Austin.





* * *

Wala akong maalala. Nakahandusay ako sa sahig.

Dinilat ko ang aking mga mata.

Tinignan ko ang mga kamay ko.

.....

Puro dugo ang palad ko.

Mahapdi.

May narinig akong ingay

Tumingala ako

Nakita ko SIYA at si Austin. Inintindi ko ang mga kilos nila. Ang galaw ng kanilang katawan.

Hawak ni Austin ang isang basag na bote.

Hinila NIYA ako papalayo kay Austin.

Walang lumalabas na salita sa mga bibig ko

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa KANYA

Natataranta SIYA.. Hindi niya alam ang gagawin NIYA.

Ngumiti ako sa kanya, gusto kong iparamdam sa kanyang okay lang ako. Ngumiti ako para ipahiwatig sa kanya ito.

Sumenyas ako ng 1.... 2... 3...

Tumango siya. Naalala niya ang senyas na iyon. Naalala niya ang first aid na itinuro ko sa kanya.

Tumango ako... Ngumiti.... 1

"Huhugasan ko ng tubig ang mga kamay mo"

Ngumiti ako... 2

"Hahanapin ko kung may bubog sa palad mo.. dahan dahan kong aalisin"

Tumango ako... 3

"Apply pressure"

Tumango uli ako... 4

"Elevate ko kamay mo, kelangan mas mataas sa puso mo di ba?"

Ngumiti ako.

Sa mga oras na iyon... wala akong ibang nakikita kundi siya. Wala akong ibang naririnig kundi siya. Wala akong ibang tinitignan kung hindi ang mga mata niya. Kahit alam kong nagkasala siya sa akin.... ramdam kong mahal pa rin niya ako.






* * *
Nagising akong naghuhumikahos.

Mabilis ang tibok ng puso ko.

Puro kaba ang nararamdaman ko.


* * *
Tweet: Hey! want a cup of coffee? Nagising ako eh di na uli makatulog.

Tweet: Sure :)




Disclaimer:
Hindi totoo sina Austin at NIYA pero may Austin at NIYA. Confused? Don't worry sinadya ko yan.


1 comment:

  1. damang-dama ko ang bigat ng emosyon pero kasing level ng inception ang flow ng story ng post mong ito...

    hmmnnn...

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression