Ronnie texted me 2 weeks after what had happened between us. Noong una'y wala ako talagang balak dahil baka magmukha lang akong tanga doon. Ang awkward kasi ng feeling na may kasama kang uminom na mayroon kayong misunderstanding tapos hindi kayo nag-uusap. hindi lang sa inyong dalawa ang awkward feeling ngunit pati na din sa buong grupo. Nagdadalawang isip talaga ako pumunta kahit takam na takam ang aking dila sa alak. Nakakaramdam ako ng confrontation. Naisip kong may binabalak itong si Ronnie kaya siya nag ayang uminom.
Tinawagan ko si bao bao para humingi ng tulong, para hingin ang opinyon niya kung dapat ba akong magpunta at harapin ang nagbabadyang confrontation na magaganap sa amin ni Royce.
"Pumunta ka na. this is the chance para makapag usap kayo at maayos kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa."
"Kinakabahan ako eh. hindi ko alam ang gagawin ko. Sana nandito ka para samahan ako."
"Kung nandiyan ako, ako pa mismo magsasabi sa kanila na papunta ka na. mga kaibigan mo sila kaya dapat mong ayusin ang alitan niyo ni Royce. sige na maligo ka na. text mo ko kung paalis ka na."
"Salamat bao bao ah"
"ligo ka na dali."
"love you. hehe!"
bumulong si bao bao "I love you. nandito kasi si papa"
*bao bao never uses i love you too. dunno why*
dropped the call then hurried to the restroom para maligo. nagbihis at nag prepare.
I, then texted Ronnie. "I'm on my way"
Hindi talaga ako mapakali habang sa Jeep. hindi ko alam kung anu ba ang dapat kong sabihin. its been weeks na din kaming hindi nag uusap at nagpapansinan after what happened. malakas ang kabog sa dibdib ko, para bang may mangyayring kung anu sa akin.
"bao bao dito na ako kila Ronnnie sa labas. kinakabahan talaga ako. yosi muna ko pampa kalma. wish me luck!"
"bilis mo ah. kaya mo yan. good luck"
Then I opened the gate. everything seems to be normal. they started to prepare and everyone is settled na sa table. normal naman ang lahat. kwentuhan. tawanan. kung anu-ano nang topic ang napag usapan nang biglang magtanong si Ronnie sa amin.
"So Royce, kamusta kayo ni Rusell?"
"We're good!"
"aaawww.. see? good daw oh!"
Then I looked at him and said "na miss kita" then tears started to fall on his face. "na miss din kita" at that moment we both understood each other. no need for saying sorry or blaming each other. hindi na kailangan pa ng mahabang pag uusap. Nagkaintindihan kami sa isang tinginan lang. Nawala ang sakit sa mga nabitawang salita noon at napalitan ng galak at tuwa.
After that night, I've been more careful with him. mas pinangalagaan ko ang aming pagkakaibigan. mas lumalim ang aming relasyon. Mas nabigyan ng value ang aming pagkakaibigan. Blessing in disguise nga ang naging away namin eh kung hindi dahil dun, hindi namin malalaman ang halaga at importansya ng bawat isa sa amin.

Hi Shen! Great friends are hard to find. You have a good heart ;)
ReplyDeleteyes shen...
ReplyDeletewag mo pakawalan
sa halip paka-ingatan mo
heheh
btw sino si bao-bao..???
good for you! cherish them and treasure them!
ReplyDelete