sabi nila "love can move mountains" at sila ang nagpatunay nito sa akin. Tila isang misteryo nga kung iisipin. Kung paano ito nangyayari. Yung kaya kang baguhin at maging isang mabuting tao dahil sa isang totally stranger. Dalawang taong pinagtagpo at nagmahal. Lagi kong tanong sa sarili ko. Paano ba ang magmahal at anu ba ang dapat mong gawin para mahalin ka ng taong mahal mo? Halos lahat na ata ng paraan ginawa ko para mahalin ako ng isang tao pero hindi ko pa din nasasagot ang tanong na yan. Simula sa sarili ko, sa mga romantic movies na napapanuod ko hanggang sa iba't-ibang kwento ng aking mga kaibigan. mapa straight man yan o hindi. bata man o matanda ngunit hindi ko talaga mawari kung anu ba ang mayroon sa dalawang taong nagmamahal at kinakaya nila ang lahat. hindi ko makita, hindi ko marinig at hindi ko maramdaman. hindi pa ata sapat ang mga kwentong aking nakalap para masagot ang tanong ko o sadyang wala talagang sagot sa tanong ko?
I saw them while I was smoking outside the office. it was past 4 in the morning. na notice ko kasi si Lola eating while sleeping. oh yes! you read that right. nakakatulog siya habang ngumunguya that's why naka slant siya. matagal ko silang pinagmasdan habang iniisip kung anu ang kwento ng buhay nila. At first I thought nandoon lang sila para magpalipas ng gabi. naisip ko kasing baka isa sila sa mga libo-libong mamayan ng pilipinas na walang tirahan at pagala-gala lamang sa kalye at kinakain lang nila ang tira tira sa loob ng resto subalit napansin kong buo pa ang chicken bbq na kinakain ni Lola. napatingin naman ako kay Lolo saka ko siya napansing hindi siya kumakain. nakasandal lamang sa may glass wall habang natutulog. pinagmasdan ko ang kanyang hapagkainan ngunit wala siyang kinakain. Ibig sabihin ay si Lola lamang ang kumakain habang sinasamahan siya ni Lolo. Marahil ay hindi na kumain si Lolo dahil sa may kamahalan ang pagkain dito.Isang daan (Php 100.00) para sa isang meal. Hindi ko maiwasang isipin na marahil ay dinala lamang siya ni Lolo doon para samahang kumain si Lola. Spekulasyon ko ay hinayaan na lamang ni Lolo na si Lola ang kumain dahil gutom na gutom na ito. Halata naman kay Lola dahil kahit antok na antok na siya ay pinipilit pa din niyang kumain. Gaya nga ng sinabi ko kanina, nakakatulog si Lola habang ngumunguya ng pagkain. May mga pagkakataon pa nga na halos nakasudsud na ang mukha ni Lola sa may mesa.
Hind ko mapigilan ang maawa. Halos maluha ako sa aking nakikita subalit wala naman akong magawa. Dahil kahit bigyan ko sila ng pera alam kong hindi pa rin nito maibabago ang buhay na kanilang tinatamasa. Hindi sapat ang pagbibigay sa kanila ng pera lamang. Kahit itong pagku-kwento ko sa aking nakita ay hindi rin sapat para magbigay ng kamalayan sa tao. Ngunit sa kabila nito, hindi ko din maiwasan ang mapangiti sa aking nakikita. Ang sarap isiping kahit ganoon kahirap ang buhay nila, mas pinili nila ang manatili sa tabi ng isa't-isa. May mga pagkakataon pa ngang nakikita ko sila sa labas naglalakad na akbay akbay ni Lolo si Lola.
This is a living proof kung gaano ka-powerful ang world's most discussed phenomenon - LOVE. Sa kabila ng kanilang nararanasan. Sa kabila ng kanilang kahirapan hindi ko maiwasang kiligin at matuwa.You see how they can surpass everything basta't magkasama sila. Sabi nila pag inlove ka, lahat daw kaya mong lampasan. Lahat ng bagay kaya mong harapin. Nung una, parang eksaherada naman yun. napaka idealistic masyado ng ideology na iyon.... but not until I saw them. Marami akong na-realize sa nakita ko. kung gaano ka powerful ang love.
Nasagot ba ang aking tanong? Sa ngayon hindi. walang sagot, walang formula, walang requirements or pre-requisites... walang pattern, walang cycle, walang blueprint, walang template, walang training... wala! ang alam ko lang, masarap magmahal at mas masarp ang mahalin. nakakataba ng puso, nakakawala ng problema. lumalakas ang loob mo kung secured ka na alam mong may isang taong hindi mo kaanu-ano, na isang taong nakilala mo lang somewhere ang nagmamahal sayo. nagiging matapang ka para sa taong yun. nagiging malakas at malawak ang iyong pag iisip dahil sa taong yun. marami kang matutunan dahil sa taong yun.. yung mga bagay na hindi mo inakalang hinid mo kayang gawin magagawa mo. Ang love ay hindi napag aarlan. Ang love parang sakit.. may signs and symptoms, yung iba asymptomatic. hindi nila alam na nagmamahal na pala sila meron ding incubation period. Ang love ay highly contagious. Ang r-nought ng love ay R0 > 1 magpapatuloy ito hindi lamang sa inyong dalawa kundi sa lahat ng taong pumapalibot sa inyo. at once natamaan ka wala na itong lunas kundi ang magmahal din.

ganyan nga...stay positive
ReplyDeleteyan ang matagal ko ng hinihintay na makita sayo...
kaya mu yan...
btw,,, gusto ko yung vid dito..
my fav Yeng Constantino the ever singer and song writer...
one of my mentors and idols..
heheh
nice blog..
keep posting
Ang ganda ng post mo na to! Bravo :)
ReplyDeleteNakakainggit naman sina lolo at lola... Ang sweet :)