"Hell, no. I did *not* leave the South Side for this! "
-Mean Girls
Heto na naman ako sa problema ko sa pagsusulat. gustong gusto ko magsulat para may ma i-post ako sa blog ko pero pag kaharap ko na ang papel at bolpen wala na akong maisulat. Hindi ko na naman alam kung paano ako magsisimula.
Noon, nung nag aaral pa ako alam na alam ko na agad ang isusulat ko. Lalo na pag sa isang kapirasong papel lang ako nagsusulat pero ngayon hirap na talaga ako mag isip ng isusulat. Hindi ko alam kung bakit pero tingin ko kasi hindi na ako masyado nakakapagbasa kaya ang kinalabasan wala akong masulat. walang laman ang utak ko wala din akong mailalabas. wala na rin akong oras magbasa. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong magtuloy-tuloy ito.
Dati, kahit anong librong makita ko sa bahay binabasa ko. ngayon marami ngang libro pero nakatengga lang sa mesa ko sa kwarto. yung The Lost Symbol ni Dan Brown hindi ko na natapos. yung For one more day ni Mitch Albom hindi ko pa nasisimulan basahin at yung Law of Attraction nawalan na ako ng interes basahin.
Nung college ako sinubukan kong sumali sa mga pa-contest sa school sa larangan ng pagsusulat at pagbabasa ng tula noong buwan ng wika. 2nd year ako nung una akong sumubo este sumubok sumali. Ang tema ay tungkol sa wika. i can still remember "misteryo ng wika" ang title ng tulang ginawa ko. impromptu yun. On the spot. pagpasok mo sa room bibigyan ka nila ng papel tapos sasabihin nila yung tema. Nanalo naman ako 2nd place nga lang. sumali din ako sa pagbabasa ng tula. sa awa ng diyos nanalo na naman ako.. hihi! 3rd place nga lang ganun din nung 3rd year ako. sumali uli ako tapos 3rd place pa din.
pasenysa na sa itsura ng medal ko ha wala kasing budget ang filipino club eh
heto yung medal ko sa pagbabasa ng tula
nababasa niyo ba yung naka enggrave?
ito naman yung mga medal ko nung college
yung nasa right sa dulo yan yung medal ko nung naging "outstanding student" ako nung 4th year
hindi rin naman diyan natatapos ang career ko sa larangan ng pagtatalumpati. nitong nakaraang june 12 ako ay naimbitahan na makipag dayagulo kay PGMA. dito ko naranasan ang buhay celebrity ng tatlong araw. may practice, call time, kung sino-sino nag i-interview sa akin. ang daming tumatawag sa akin, may road manager at manager ako. pinakilala kung sa mga importanteng tao sa gobyerno kasama na diyan si Madame Lupita Aquino Kashihawara ang kapatid ng great hero na si Ninoy Aquino.
She's giving me a quick brief of what should i say
Sila po ang handler at nag interview sa akin. yung naka pink friend ko
Dahil diyan nabigyan ako ng recognition sa office.
Kung iisipin kasama na sa pagdaloy ng aking dugo ang Literatura pero bakit ngayong nasa mundo na ako ng blogosperyo hindi na ako makasulat. Kung kelan malaya na akong magsulat ng gusto ko na walang sinusunod na tema. creative writing kung baga. ngayon hindi na ako makapagsulat.
Iniwan na ba niya ako o sinisiksik ko lang ang sarili ko na maniwalang isa akong writer.






I love this entry, Rusell.
ReplyDeleteDo you remember when Mrs. Barbo, our 4th yr. Filipino Teacher, commended you because of your report?
There's something in you that makes you stand out from the crowd. Sabi nga ni Katy Perry, you just got to ignite the light.
;)
WV: Machida (Surname ng isang UFC fighter haha)
@ronnie: thanks ronnie! na touch ako sobra
ReplyDeleteanu yung cnbi ni mrs.barbo? di ko na maalala
anjan na yung mga bakla?
wow naman. ang daming medals. (ako kasi puro sash at korona lang. hihihi)
ReplyDeleteit only proves na may talent ka pagdating sa writing.
Kailangan mo lang ng vonggang inspiration. =)
naks! wala ka pa maisulat nyan ah! hehe
ReplyDeleteat ang medals! huwaw :D
ay bonggang bongga ang career mo... saludo ako...:))
ReplyDelete@ms chuni: oo nga eh! kelangan ko talaga ng vonggang vonggang inspiration pero sometimes pede na ding hindi.. haha!
ReplyDeletesash and korona? meron din ako hindi ko lang nilagay baka kasi mainggit ka.. haha! chos!
@doc ced: ang panget ng medal ko noh walang budgey ang filipino club nakakahiya! haha
@toffer: salamat salamat!
kulang ka lang 'te! kulang sa inspirasyon! haha
ReplyDeletepero gusto ko mabasa yung "misteryo ng wika." publish mo naman. :D hehe
APS logo...kaloka!
ReplyDelete