kadalasan pag nag iisip ako
*ano kaya ang susunod na iba-blog ko?*
..........................
lagi na lang blanko
lagi na lang walang maisip
lagi na lang cricket cricket ako sa tapat ng monitor
pag nag iisip kasi ako ng iba-blog
gusto ko yung bago
gusto ko yung controversial
gusto ko yung malakas yung impact
gusto ko yung maaagaw ko ang atensyon mo anu man ang ginagawa mo.
ganun din sa pag-iisip ng title ng entry.
minsan naman kung anu ang nararamdaman ko
kung anu ang sinisigaw ng puso ko
kung anu man ang gustong sabihin ng isip ko
kung anu anu man
yon ang isinusulat ko
Ngayon, mayroon akong gustong makuhang atensyon. si crush blogger. hindi na kasi masyado napapansin ang blog ko. hindi na siya nag co-comment. hindi ko nga alam kung binabasa pa niya eh.
pero naiintindihan ko naman kasi baka busy lang siya
*think positive walang aayaw, think positive walang aayaw, think positive walang aayaw*
korny!
o baka naman may problema siya ngayon
*clue na yan oh*
haha! kinakabahan ako baka malaman na niya... hihi! hiya ako eh
anyways, dahil nga sa may problema siya malamang gusto ko siya pangitiin kaya heto mag lalabas ako
naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang...
tsaran!
jokes ko! wahahahaha!
joke 1:
me: "jp, alam mo bang naka pry 1 ka?"
*pry 1 meaning priority 1; jargon sa office namin*
jp: "naka pry 1 ako? nak nang!..."
me: "naka pry 1 ka sa puso ko! wahahahaha"
jp: cricket cricket
joke 2
me:"jp, queueing ka?"
jp:"huh?"
me: "queueing ka sa puso ko! wahahahahaha!"
jp: cricket cricket
joke 3
me: "jp?!..."
jp: "anu na naman! tanung ka ng tanunng ang korny mo naman!"
me: cricket cricket
wahahahaha!
okay crush blogger tama na exposure..hihi
sana kahit papaano napatawa kita ;)
*******
kaninang umaga nagawa ko na din ang dapat kong gawin
pagkatapos ng mahigit na isang taon ko dito sa office
matapos ang sampung libong pagpa-plano
nagawa ko din siya
nagamit ko din siya
nag gym kami ni joyce sa office kanina mejo kabado ako kasi firts time ko mag gym tapos sa office pa so medyo dyahe sa iba.
medyo medyo marami pa namang tao kanina sa gym buti nalang walang hottie kasi kung hindi ibang paraan ng pagpapawis ang ginawa ko.. hhhmmm?! ;)
anyways,
since first time ko nga mag gym ang dami kong ginawang mali at kakahiyan
hindi ako nag stretchings, pagdating dun pi-nlay ko ang ipod at sinuksok ang earphones sa tenga tas pinatugtog ang Only girl (in the world)ni rihanna. bading na bading lang.
sa sobrang pagsasaliw ko sa kanta nagke-kembot kembot ako sa harap ng malaking salamin. nag spagetti pababa at pataas. hindi ko alam nakatingin na silang lahat sa akin.
chos!
sumampa na ako agad sa treadmill after 30mins ayun nahilo ako. wahahaha!
pero hindi ko pinahalata sa kasama ko shempre nakakahiya yun noh kaya nagdrama-drama na lang ako na kunwari hingal na hingal ako.
tapos inom inom tubig. tumingin tingin sa ibang gumagamit ng gym. maya maya sumampa naman ako sa isang guy ay! *vice ganda tone*
sa anu pala... sa... sa anu.. anu bang tawag dun?
yung pasng tricep and biceps? basta yung device na yun. yun naman ang sinubukan ko naka 30 flexes ako pero hanggang sa number 3 lang yun pin.. hihi! babae kasi ako eh.
1 hour and 30 mins kami nag gym. masarap pala sa pakiramdam feeling ko ang gaan gaan ko. nakakapagod nga lang pero okay lang.
na realize ko hindi pala ganun kadali at kabilis makuha ang gusto mo. ako kasi gusto ko kaagad kong nakukuha ang gusto ko eh. ayaw kong naghihirap. ewan ko ba kung bakit ako ganito
nakakahiya nga kasi mali mali ang mga ginawa ko. huhu!
sana tuloy tuloy na toh. gusto ko pumayat. gusto ko mag tone yung mga maskels ko hanggang sa sambahin na ako ng sang-kabaklaan.. hihi!
humanda kayo! luluhuran niyo din ako este luluhod ang mga tala! haha!
walang kwentang post! pampam lang kay crush blogger. ;)
hongarteeeeh!!!! hahaha :P
ReplyDelete@nimmy: bakit maarte? hmmm.. di ko gets?! haha
ReplyDeletecricket cricket! hehehe
ReplyDeletebumalik ka sa gym dali. hehehe
narito ang horoscope mo for the day:
ReplyDeletebawasan ang tyongke.
maghilamos pagkagising.
=)
c nimz,, lahat may "hong"
ReplyDeleteso para skin, ndi ito
"hongarteeeeh"
kundi isang ....
"hongkiriiiii"
LOL
baket? maganda ba katawan ni crushie? tumigil nga kamo sya..haha
ReplyDelete.
.
[peace tau crushie!]
bakit nde mo sya diretsahin ng nararamdaman mo para mawala na yang mga what ifs mo
ReplyDeletemmm. pareho tayo ng initials.
ReplyDeletewoah! this is a nice way para magpapansin sa crush. galing!
ReplyDelete@doc ced: di ko gets.. haha!
ReplyDelete@ms.chuni: bakit tyongke sa umaga? di ko rin gets.. haha!
@ceiboh: anung hongkiri? di ko din gets.. haha!
@DB: feeling ko payat siya.. hehe!
@jinjiruks: wiz! takot ako. hindi ko siya abot. ang taas taas niya feeling ko hindi kami bagay.
@alter: hihi! yung jp ka officemate ko yun
@ester: thank you!
sino sino sino tong crushieng itoh?
ReplyDelete