Wednesday Oct. 27, 2010
12:00 am
"ruseeeeeeeeeeeeeeeeeeell"
"bakit?"
habang palapit na tumatakbong with arms wide open si ate anne
"happy birthday!"
"salamat!"
nagpakyut kyut ako tas nag beautiful eyes..
dumating si ate cha *officemate ko din*
"happy birthday rusell"
"thenk yow!" ang sagot habang nagpapa kyut uli.
tapos tumingin ako kay ate anne; nagpapa kyut uli.
"libre mo ko?"
"sige!" madaling kausap toh si ate anne
walang pag dadalawang isip sumagot agad ng oo.
"yehey! thenk yow!"
"pero sa sweldo pa kita ililibre ha? starbucks."
"oh sige...yehey! yung pinaka mahal yung pipiliin ko.. chos! kahit green tea frappe venti lang okay na ko dun."
"ay!..haha! oh sige"
"yehey!"
saktong alas dose ng madaling araw niya ako pinuntahan. after nun, isa isa na silang lumalapit sa akin at binabati ako ng happy birthday. nagtataka nga ako kasi hindi ko naman sinasabi sa kanila ang araw ng birthday ko pero heto at nalaman nila. hindi ko ugali ang magsabi ng date ng birthday. wala lang ayoko lang. siguro umiiwas ako sa "painom ka naman" na mga litanya or "i just dont like attention".
nag check ako ng facebook ko.
natuwa na naman ako kasi ang daming bumati sa akin kahit yung mga school mate ko nung high school na hindi ko pa nakakausap ever nag greet sa akin. ayoko ng mag isip ng kung anu pang dahilan basta chi-nerish ko na lang yung moment na yun.
check check pa din ako ng mga notifications.. sa sobrang dami sa wall na lang ako tumingin.
nakakita ako ng ganito
Bookie Buquir: happy birthday
josko! tumalon ang puso ko! lol. ang naging inspiration ko sa pagsusulat, ang pinakahahangaan ko sa mundo ng blogsphere at ang natatanging author na kilala ko nag greet sa akin. hindi ko ine-expect toh. Nung mga panahong iyon feeling ko ang ganda ganda ko. feeling ko artista ako na nagge-guest sa the buzz tapos may vtr ng mga greetings sa akin. kulang na lang bigyan ako ng isang malaking bouquet of flowers. bukod pa dun binati din ako ng mga crushes ko. haha! lol! oo crushES marami kasi akong crush, anung magagawa ko mapagmahal ako.
Saturday Oct. 30, 2010
after shift 8:00am
Dahil birthday ko nung wednesday kinailangan ko tuloy magpa APE *Annual Physical Exam* required po kasi ito kung hindi ko ito gagawin magbibigyan ako ng behavioral warning. at kung matatandaan sa previous entry ko meron akong collection of warnings at ayoko ng dagdagan pa. nagbago na ako matured kuno. lol!
Nagpunta kami dun ng becky kong officemate since nagbirthday din niya nung Oct. 20 yata para magpa APE. sa lahat ng mga medical stuffs ito ang pinaka ayoko. una, takot ako sa injection. oo! ayaw na ayaw ko ng injection except na lang kung iba ang i-inject mo sa akin.. haha! lol! pangalawa, ayoko yung mga pahubad hubad kembot. nakaka haggard. haha! bahala ka na kung anu ibig kong sabihin dun.
So ayun na nga, nagpunta na kami dun. ginawa na namin ang dapat gawin. nagpa urinalysis nagpunta sa CR para umihi paglabas ko nakita ko yung crush ko sa office nakaupo nagiintay sa turn niya so ang ginawa ko nag pahmin ako naglakad tapos na realize ko na parang ang lamig, ang presko ng feeling yun pala nakabukas pa ang zipper ko. my gosh nakakahiya! napa yuko tuloy ako at hindi na makatingin sa kanya uli.
turn ko na para sa blood chem.
"ate wait lang po ah."
sbaay hingang malalim. binuhol na niya ang goma sa braso ko. pinitik pitik. pinahiran ng alcohol sa may parteng brachial artery. umiwas ako ng tingin at huminga uli ng malalim
"ate, wait lang po."
........
"ahuh! shit!"
si ate bastos sabi ko wait lang biglang tinurok agad yung syringe sa akin. nainis tuloy ako hindi lang man ako binigyan ng panahon makapg relax. ang chaka tuloy ang sakit parang may pasa hindi ko mai-galaw. kaya ayoko sa mga med tech eh walang therapeutic communication.
then sa physical assessment na ako
"punta ka dun tapos ibaba mo yang shorts mo."
ako naman si punta, tinanggal ko na yung belt ko then.........
"tapos po?!"
wahahaha! na gets niyo? assuming di ba? hahaha.. hindi ko alam kung bakit ko naitanung yun ewan ko lutang at ako. nakakahiya sobra!
after namin magpa APE nagpunta kami sa sukina *isang bar malapit sa office bukas kahit maagang maaga dahil puro mga agents ang nag iinom doon.*
ayun pagdating dun nag inom kami wiht other officemates. nakarating kami dun mga 10:00am or 11:00am ata nag inuman till 2:00pm tapos dumating na si tin sa office may usapan kasi kami sasamahan niya ako magpa gupit sa tony and jackey. ayun, nagpapagupit ako ng naka inom. tipsy para sa mga conio. ang resluta.............. mukha daw akong tibo sabi ng mga officemate ko yung iba naman sabi mukha daw akong straight.
"nice hair. straight ka na?"
after magpagupit may iba pang plano toh si tin wala atang balak na patulugin ako. since nakainom na ako go lang ng go kahit saan. ayun, nagpunta kami sa g4 para manuod ng movie kasama yung kapatid niya na para ko na din kapatid. gusto nila panuodin yung THE SOCIAL NETWORK eh ayoko panuodin yun wala ako sa mood manuod ng mga ganung genre kaya ang sabi ko..
"it's HALLOWWEN kaya dapat scary ang panunuodin natin. i wanna watch BURIED"
"panget yan! napanuod ko na yung trailer." sabi ni tin habang nakatingin sa poster ng buried.
"eeeeehhhh! buried na lang sige na"
after several times of arguing and convincing them wala akong nagawa.. haha! bumili kami ng ticket ng social network. i texted one of my friend na sumunod sa amin gumora naman siya pagdating niya i tried to convince him na manuod ng buried ayun na convince ko siya pati na din yung jowa ni tin kaya ang nangyari pinapalit namin yung ticket. hindi kami nagsisi. sobrang ganda!
then after watching movie nag gm ako sa mga becky na may post birthday celebration and semi-halloween party sa house nila tin punta sila. most of them hindi daw pupunta dahil mas uunahin nila ang paglalandi sa black party sa malate kesa sa akin.
nawalan na ako ng gana kaya hindi na ako nag grocery pagdating kila tin natulog na lang ako pagka gising.....
isa isa na silang nagsisi-datingan. haha! na surprise ako ng slight kasi medyo may feeling na ako na gagawin nila yun. i feel so special grabe. bumili ako ng ingredients sa macaroni tsaka mojitos then nagpainom pa si royce ng isang the bar. after that pinilit nila ako sumama sa black party so nag go naman ako sayang ang mga notang makikita ko dun.. haha! lol!
Sobrang daming bakla sa malate halos lahat na ata ng badet sa metro andun. so sobrang daming tao wala ka pang isang oras sa loob ng che'lu pagpapawisan ka na ng bongga. sobrang sikip pero masaya! ang astig ng crowd kasi ang taas ng energy nila. nakaka hype sila lalo na pag nakakakita ako ng mga naghahalikan... yeeeeee! nakaka kilig.
that's how i celebrated my 23rd birthday. walang tulugan. gising ako from 6:00pm ng Oct. 29 to 7:45am ng Oct.31
nakakapagod pero masya, nakakagago pero memorable.
salamat pala sa lahat ng nag greet sa akin sobrang na appreciate ko and i feel so special. mwahugs! i'll post the pictures later.
"Every year I always wish for the same thing - a boyfriend. Someone to love who'll love me. This year I think I'm gonna wish for something else. The wisdom and maturity to realize that I won't find what I want by looking for it. Not expect someone else to give me what I never gave myself. That I'm not a half waiting to be made a whole. And even if that special person never comes along... I'll be just fine" -Ted Schmidt (Queer as Folks)
Happy birthday hija!
ReplyDeleteMmmmwwwwaaaaahhh!
HAPPY BIRTHDAY RUSELL!!!
ReplyDelete*with arms wide open din* haha
naku! kemplar na lang ang wiwish ng boypren! kung my darating my darating, wititit problemahin muna. :D ang importante e mas mahalin mo at bigyan ng respeto ang sarili mo kesa sa ibang tao. :D
Your busy birthday sounds a lot of fun. :)
ReplyDeleteHappy Birthday BFF!!!
ReplyDeleteyou didn't mention the super sarap na macaronni... which i made just for you! haha kidding!
mwah! happy birthday BFF.. I LOVE YOU!
P.S.
natawa ako sa blog mo! infairlalooo...
@ms.chuniverse: salamat salamat..
ReplyDelete@ms. emmaleigh: namoooon!
@victor: sobrang FUN.. hehe
@echos: sori nakalimutan ko ilagay pero thanks sa pagluluto