russ?" sabi ng supervisor ko
"po?"
"punta ka clinic maya kunin mo andyan na yung result"
"ok po, after shift po ba?"
"yes!"
dahil nga nag pa-APE ako *Annual Physical Exam* nung birthday ko ayan andyan na daw yung result. nagpasama ako sa officemate kong si joyce pero ang sabi niya wag ko na daw kunin yun hindi naman daw kailangan.
"eeeeee! gusto ko pa din makita yung result" ang sabi ko sa kanya.
gusto ko talaga kunin yung result kasi gusto ko makita yung x-ray ko baka kung anu nang meron dun alam niyo naman na pugon ako di ba?! hithit dito hithit diyan.. haha!
nasa clinic na kami
"wait lang po sir ah, pang 4th patient po kayo. dun po muna tayo sa labas mag hintay tatawagin ko na lang po kayo pag turn niyo na."
"okay"
15mins na ang nakakaraan wala pa din
30mins na ang nakakaraan wala pa din
1 hour na wala pa din
"ang tagal inaantok na ko! wait lang ah" ang sabi ko kay joyce
sumilip ako sa glass door ng clinic na may nakadikit na mga posters ng kung anu-anong mga health teachings kiyeme.
binuksan ko ang door. nagtinginan silang lahat sa akin. tumingin ako sa nurse na kasalukuyang naka yuko at nagsusulat.
"excuse me po, matagal pa po ba?"
"ay sir! pasensya na po ah nagkaroon po kasi kami ng tatlong emergency cases kaya hindi pa po kayo natatawag."
"okay...." hindi pa man ako natatapos magsalita sumagot na siya
"pero sir kung gusto niyo...."
kinuha niya ang maraming papel sa table at tumayo...lumakad.
"heto po, kung gusto niyo discuss ko na po sa inyo yung result"
"okay" tumingin ako sa kanya na para bang naghihintay sa discussion niya
"sir dito po."
pinapunta niya ako sa dulo ng clinic hinawi niya ang curtain. pumasok siya.
"sir, dito po tayo!"
pumasok ako
"sir, heto po yung result.. blah blah blah blah.... mataas po yng HCT niyo. heto po yung normal range blah blah blah blah... mataas din po yung platelet niyo blah blah blah blah tsaka yung RBC mataas din po."
wala akong masyadong naintindihan sa sinasabi niya ang focus ko lang yung result ng blood chem. ko
nakatulala lang ako sa hematology result
"kailangan niyo din po ulitin yung sa optha niyo.. hypertensive din po kayo kaya may BP monitoring na po kayo. for 1 week lang naman po."
"question po, nagpa APE kasi ako after shift hindi ba nila kino-consider yun kasi kaya mataas BP ko
kasi walang tulog tsaka pagod?"
"kino-consider naman po kaya nga 1 week lang po yung BP monitoring, balik na lang po kayo dito
for consultation."
"okay."
simula noon wala na akong bukambibig kay joyce kundi ang mga dispute ko sa result.
denial nga eh. na realize ko din na kailangan ko na talaga mag gym at alagaan ang sarili ko may
history pa naman ako ng hypertension, cancer tsaka DM sa both sides ng parents ko kaya super
malaki ang possibility na magkasakit ako.
ayoko ng ganun, ayoko maranasan yung mga naranasan ng mga tita at tito ko yung marami silang
maintenance na gamot. ayoko din magkasakit. hindi naman ako takot mamatay pero ayoko mahirapan.
yung inaasahan kong xray result hindi pa lumalabas pero kinakabahan na ako.
mataas ang HCT ko meaning pwedeng dehydrated ako
mataas ang RBC ko meaning may problem ako sa bone marrow or pwede ding may problem sa lung function. ayon sa nabasa ko kaya mataas ang RBC kasi madaming pino-produce na blood ang bone marrow ko para ma-compensate yung lung problem. mas maraming RBC mas maraming ma-carry na oxygen again, to compensate
haaaay!
health is wealth talaga
"Why are you eating a Kalteen bar?" - Mean Girls
nagyoyosi ka ba russ?
ReplyDeleteif oo ilang sticks sa isang araw?
good at alagaan mo yang health mo. :D
alagaan mo health mo neh! party more more party years! :)
ReplyDeleteay akala ko pregnancy test!
ReplyDeleteching! :P
health is wealth.
ReplyDeleteyun lang.
OMG, sounds alarming.
ReplyDeleteKaya ikaw, ingatan na ang sarili ah (nagsalit ang health-conscoius haha)
Mga beki nao-ospital na ah. Sino kaya ang susunod? Sana wala no.
@doc ced: opo nagyoyosi ako mga 4-6 sticks everyday
ReplyDelete@nimmy: tamuh!
@soltero: matagal na akong buntis chos! haha
@ms chuni: atsi!
@ronnie: alarming talaga kaya nga next year mag gym na ko sa inyo
@doc ced: opo nagyoyosi ako mga 4-6 sticks everyday
ReplyDelete@nimmy: tamuh!
@soltero: matagal na akong buntis chos! haha
@ms chuni: atsi!
@ronnie: alarming talaga kaya nga next year mag gym na ko sa inyo
matagal ka na ba nagyoyosi russ?
ReplyDeletepwede kaing increase din mga yun sa cbc gawa ng smoking. :)
bantayan mo din BP mo ah.
wag ka magalaga ng sakit.
Magnify your will to live healthy. That will sustain your efforts :)
ReplyDelete@doc ced: opo! mga 7 years na ata..
ReplyDeletekinuhaan nila ako ng BP after shift eh siyempre pagod tsaka wlang tulog di ba hindi accurate yun?
@ryan: am trying.. mag gym na nga ako next year eh tas every sat night jog naman