Tuesday, November 23, 2010

pinagsisihan ko na

bumagsak na naman ang mundo sa balikat ko. pasan pasan ko na naman ang isang mabigat na bagage. pinagsisihan ko na naman ang lahat ng mga ginawa ko. pigil na pigil ako. gustong gusto ko pero wala akong magawa.

pinasabik lang niya ako.
pinagsamantalahan ang kasabikan ko.
na bitin ako....

"rusell.."

"yes supe?"

*supe meaning supervisor*

"may opening ngayon sa training department. apply ka sa trainer na position."

"awww! hindi ako pwede supe eh, may final written warning na ako."




ayun! inofferan ako ng isang supervisor na mag apply pero hindi naman pwede. nakakainis!

pinagsisisihan ko na ang yung mga ginawa ko dat. kung hindi dahil sa mga lates ko noon eh di sana trainer na ako ngayon.

sana naging proffesional na lang ako.

huhu!

badtrip!

5 comments:

  1. baka naman pwedeng i-apela. lalo na if youre qualified naman.

    ReplyDelete
  2. sayang naman! pero oo nga, hinde ba pwede i-apela? kung hinde man, lesson learned. :D wag na paka late at kung anek-anek. :D

    ReplyDelete
  3. ay sayang naman ang opportunity na yun. may mga darating pa naman na mga chances. doble pakabait ka na. :)

    ReplyDelete
  4. @jinjiruks: sobrang sayang talaga
    sobrang nanghihinayang ako

    @ms chuni and emma: hindi pwede umapela eh may politika dito

    @nimmy: sana nga meron pa

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression