Okay, sobrang late post na pala ito. Almost one month na pala ang nakalipas simula ng ibigay sa sakin ni Archievner ang award na ito. Pasensya na Archievner busy-busyhan ang lola mo eh kaya eto ngayon lang ako makakapag pasalamat. Pero bago ang lahat, Ako ay buong buong suma-sang ayon kay board nightcrawler sa sinabi niya tungkol dito. Hindi ko din alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa qualifications para mabigyan ng award na ito. Ang sabi ba naman....
"The award recognizes NEW and UPCOMING bloggers with LESS THAN 200 followers who deserve recognition and support for their contribution in blogsphere."
Isa sa responsibilidad ng pagtanggap ng award na ito ay dapat kong sagutin ang mga iniwang tanong ng taong nagbigay ng award na ito sa akin.
Ito ay ang mga sumusunod.
1.What is your most like entry in your blog?
Sagot: Hhhmm.. Teka ha, tignan ko lang mga entries ko.
Im back! Hhhmm.. Maaring ito, ito o kaya naman ito. Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit? Hahaha! Oh siya, for the heck of it. Nagustuhan ko itong "Pagsusulat sa loob ng ibang demensyon" kasi ito yung point in my life na binalikan ko yung pagmamahal ko sa pagsusulat at kung paano ito nakaapekto sa buhay ko at sa iba. kasama na din diyan yung pagkalunod ko sa tinatawag na "fame". yung isa naman "I'm done" eto naman yung panahon na I get tired of looking for somebody to love me to the point na kinuwestyon ko ang sarili kong kakayahang mag-mahal. Eto yung paglugmok at pagbangon ko sa pagkakadapa sa aspeto ng pakikipag relasyon. At ang huli, "Sulat" kasi eto naman yung celebration ng talent at pagmamahal ko sa pagsusulat. Dito naitala ang mga maliliit kong tagumpay ko sa pagsusulat.
2. What is the secret behind your blog name?
Sagot: Ang alin? Yung the blog life? Wala lang. wala ngang kwenta eh. Wala kasi akong maisip noon kaya kung anek anek na lang ang ginawa ko. Well actually, its about a story of a blogger. Yun lang.
3. if you have one question to any bloggers what is it?
Sagot: After what had happened? Would you still accept me? Buo pa ba ang credibility ko sayo? If not, What do I need to do para mabalik yun? I am more than willing to do it. Kung mapapansin niyo eh bumabawi na ako sa ginawa kong pagkakamali noon pero mukhang hindi ata tumatalab na minsan parang gusto ko na sumuko at iwan ang blogging kaya lang first love ko to eh kaya gagawin ko lahat para maibalik ang noon. (Habang sinusulat ko ito isa-isang kong naiisip yung mga pangalan ng mga bloggers na ka-close ko noon na ngayon eh..... ewan :c )
4.What do you wish you had more time for?
Sagot: Uuuhh, I wish I have more time with my mom. Hanggang dun na lang muna I'm not comfortable na nagku-kuwento bout my mom eh pero sabi ko naman sa sarili ko balang araw maiku-kwento ko din yan dito sa blog ko. Ang seryoso ng mga sagot ko ah. haha!
5. How old did you wish you were?
Sagot: Hindi ko gets tong tanong na to.
Aaah! Gets ko na binasa ko kasi yung kay Nightcrawler. Okay okay so gusto mo malaman kung babalik ako sa nakaraan, ilang taon ako ang gusto ko balikan? Hhhhmm.. Siguro noong 5 years old pa lang ako para wala pa akong malay sa mundo. walang Pain, disappointments, responsibilities, rejections, discrimination at kung anek anek pa. Wala lang, gusto ko lang mag time out muna even just for a day tapos bumalik sa pagiging 5 years old ulit. Laro laro lang ng barbie ganyan. Choz!
6.What do you enjoy doing when you're bored?
Sagot: Depende sa mood ko kung anu gusto ko gawin. Pero kung magiging honest and tell all ako sa inyo eh..... sikreto na lang yun. TMI na eh. nag sha-shabu kasi ako. hahaha! Echoz lang.
7.What's the most daring thing you've done?
Sagot: Anu ba yang mga tanong mo Archie. Hahahaha! Hhhmm.. Anu nga ba? siguro yung kumeme ako sa Jeep. Hehehe! wala akong maisip na iba eh.
8.Would you rather be rich and unhappy or poor and happy?
Sagot: Naranasan ko na maging poor yet happy eh kaya yung rich and unhappy naman.
9. Who would you die for?
Sagot: Eto walang halong echos to ah.. My friends.
10. What would be your legacy?
Sagot: Give recognition to those unsung heroes. Bigyan naman natin sila ng pagkakataon para makilala.
11. Describe me (Archieviner) in one word.
Sagot: What for? Charot! Bigyan mo pa ako ng oras at panahon para makilala ka :)
Oh ayan ah.. tell all na yan pero medyo bitin sa mga tanong kasi hindi pa ako nabibigyan ng pagkakataon para ako nama'y pakinggan eh sa pamamagitan ng mga interbyu. hehe!



Hahaha. salamat sa pagsagot sa aking mga tanong. Kahit may bitterness sa into. Magsama kayo ni nightcrawler. lol dyuk! Ang purpose ko talaga kaya ko binigay tong award ay para mas makilala ko pa kayo. lusot! haha. Bitin sa no.6 and 7. galing ng sagot mo :) Salamat :)
ReplyDelete