Thursday, October 11, 2012

Pagsusulat sa loob ng ibang demensyon



Na-enganyo akong magsulat dahil gusto ko talagang mag sulat. High School pa lamang ako noon eh hilig ko na ang magsulat. mag sulat as in magsulat ng mga kwento, ng tula at ng kung anek anek hindi yung magsusulat lang sa papel ng kang anu anu. Na-aalala ko noong bata ako eh nahilig akong magbasa ng libro yung mga series. Baby sitter's club at saka Goosebumps ang parati kong binabasa. Dahil diyan ay na impluwensiyahan akong mag sulat. Sinubukan ko noon magsulat ng maikling horror story sa isang lumang notebook pero hindi ako nagwagi. Kulang pa ang aking imahinasyon--- tumigil.

High School naman ako noong bumalik ang pagkahilig ko sa pagsusulat. Yung Gazette club noon sa school eh taon taon tumatanggap sila ng mga tula, maikling kwento at essay na galing sa mga estudyante na hindi kasali sa org. pagkatapos ay pagsasamahin at gagawing isang libro na ang pamagat ay "plumang paco" sinubukan kong magpasa ng maikling kwento ang title "telepono" ngunit hindi natanggap at hindi nailimbag. kulang pa sa imahinasyon at experience --- tumigil.

Kolehiyo ako ng muling manumbalik ang pagkahilig ko sa pagsusulat. Sa pagkakataong ito, tingin ko mas may tiyansa ako dahil una, mas marami na akong alam tungkol sa istilo na maari kong gamitin sa pag susulat, mas malawak na ang imahinasyon ko at mas marami na akong karanasan sa buhay na maari kong gawing inspirasyon o motibasyon sa pagsusulat. 2nd year college ng sumali ako sa paggawa ng tula noong buwan ng wika--- nanalo 3rd place. title "enigma". nabigyan ng motibasyon at mas inibig ang pag susulat. 3rd year college ay inimbitahan muli ako ng filipino club na sumali sa patimpalak ngunit tumanggi ako wala na kasi akong panahon noon. busy na ako sa ibang bagay tsaka nagdu-duty na din kasi kami noon sa ospital kaya malabo na talagang makapg concentrate ako sa pagsusulat at paglakbayin ang aking kaluluwa para makabuo na naman ng isang kwento --- tumigil.

3rd placer "paggawa ng tula"

Nagta-trabaho na ako ng ipakilala sa akin ng isang kaibigan ang tungkol sa blogging. ang laki ng ngiti ko. naisip kong 'sa wakas makakapg sulat na naman ako ng malaya' yung bang kahit anu lang ang trip kong isulat pwede. walang tema. yung bang malaya akong sabihin at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko ng walang pangamba. yung bang walang mag tataas ng kilay sa mga makakabas ng mga isusulat ko. tuwang tuwa ako noon na sa sobrang galak ko eh ang unang post ko eh walang ka kwenta kwenta. Nakagawa na kasi ako ng blog noon eh wala pang laman kaya ayun-- dala ng pagiging impulsive ko.

Marami na ang nangyari simula ng mag blog ako. di-diretsuhin ko na. hindi alintana sa mga matagal ng nagbabasa sa blog ko ang nangyaring kontrobersyal na interview ko sa isang blogger. Aaminin ko, nalunod ako sa kasikatan. Simula kasi noong simulan ko ang interview series na iyon tumaas ang pag views pati na din ang usapan sa twitter.Naisip kong pagkakataon ko na ito para makasali sa "circle" ng mga bloggers. I want to be recognized. I want to be part of something inside blogsphere. I want them to accept me. dalawang taon din ang binuno ko para mapansin, makilala at matanggap sa loob ng blogosperyo ngunit ito din pala ang magpapa bagsak sa akin. Nabulag ako sa liwanag na hatid ng kasikatan. Kahit walang pera, iba pa rin pala ang pakiramdam kapag may nakakakilala sayo kahit sa internet lang. Buong buhay ko kasi wallflower ako. wallflower na binu-bully pa kaya hindi niyo rin ako masisisi kung malunod ako dito kahit alam kong mali na ang ginagawa ko. Parang shabu. Alam mong makakasama ito sa iyo at sa mga taong nagmamahal sayo ngunit hindi mo pa ring mapigilang iwasan dahil sa sarap at ligaya na nararamdaman mo. kakaiba yung feeling eh. nakaka high. nakaka adik---- nakakamatay din.

Matapos ang interbyu, nawala ang kinang na sumilaw sa akin. Kita ko na ang dumi na ginawa ko. Sinampal ako sa muka ng mga parinig sa akin sa twitter. ngunit hindi ako nagpadala. natauhan lang ako ng bugbugin ako ng mga komento ng isang blogger na hinahangaan ko. payak, simple at derecho ang mga salitang nabanggit niya ngunit tumagos ito sa puso at kaluluwa ko. Naiyak ako. Huminto ang mundo ng blogging para sakin. Marami ang nawala, sunod sunod ang mga taong nagalit sa akin. pakiramdam ko noon, hindi na dapat ako mabuhay. yung eksenang may mag te-txt sayo na hindi mo alam number tapos kung anu anu sasabihin. yung eksenang sa tuwing magbubukas ka ng blog mo ang daming comment para iparating sayong kinamumuhian ka nila. yung eksenang pag online ka sa twitter pakiramdam mo lahat ng panget na tweet para sayo. ganyan ang naranasan ko noon. pati mga kabigan ko yung ma pinaka close kong kabigan simula pa noong high school eh kinahiya ako --- madilim, masukal, malungkot.

Humingi ako ng tawad ngunit parang walang nakinig at ngayon ay pilit akong nagpapaka bait para maging isang mabuting tao. pinilit kong kuhain ulit ang loob nila ngunit huli na ang lahat at kahit anung sigaw ko walang gustong makinig. walang gustong tumingin. walang gustong magbasa. ang mga titik kong nailapat at nakabuo ng mga salita, ang mga emosyon na nailimbag sa letra at ang mga karanasan na naukit sa mga titik na nagsusumigaw--- walang may gusto sa kanila. mukhang wala na akong natitirang pangalawang pagkakataon. dahil diyan unti unti na din akong sinusuka ng una kong minahal---- ang pagsusulat. 

Ito na ata ang kamatayan ko sa mundo ng pagsusulat. Eto na ata ang nabanggit ni gillboard sa blogpost niya. Ang aking katapusan.

"Right actions in the future are the best apologies for bad actions in the past"
- Tyron Edwards

11 comments:

  1. hmm sa tingin ko as long as andun ung passion at love you'll always finds a way back sa agsusulat

    love that last quote by the way

    ReplyDelete
  2. Malaking tulong eto para sa mga bloggers na nagsisimula palang. Sulat lang ng sulat sabi ng mga bloggers. Marami parin kaming naniniwala sayo. Di pa man kita nakikilala ng husto nakikita ko naman sa mga post mo isa kang mabuti at nagpapakumbaba :) Happy blogging ser :)

    ReplyDelete
  3. that's rise and fall...

    just rise again... some people may not forget it but it will all pass... :)

    ReplyDelete
  4. write for you - the friends we make online are only consequences and the comments we give and receive are learning experiences... write! write for you russell... :)

    ReplyDelete
  5. Emotero ka na naman. Di bagay hehe. I like the silhouette. I reminds me of Kung Fu Panda with a mix of Nobita. =D

    ReplyDelete
  6. nakakalungkot naman ser. siguro nga hindi mo na mababalik yung oras para itama kung anu man yung pagkakamali mo dati, pero sabi nga nila, hindi pa tapos ang lahat para subukan mong magsimula ulit. ang mahalaga, nagsisi at nagbago ka na.

    ibang tao ka na ngayon sir! pagpatuloy mo ang pagsusulat! :D

    ReplyDelete
  7. I agree dun sa nasa itaas. This too, shall pass. Ang importante ay you've learned your lesson, stood up and slowly coming back. Good luck and God Bless! ;)

    ReplyDelete
  8. ok lang yan just continue writing sabi mo nga mahal mo ang pagsusulat so bakit mo iiwan ulit? kalimutan mo na yung nakaraan natuto ka naman na eh so alam mo sa sarili mo na kahit ano pang sabihin nila your a changed man na. so just keep doing what you love. we are here to support you.

    ReplyDelete
  9. Panahon na siguro para magsulat ka namang ngayon para sa sarili mo yung bang wala kang iniisip kundi pagbigyan ang kagustuhan mong makapagsulat.

    Pahinga ka lang kung sa tingin mong nawawalan ka ng gana, pero huwag mong tigilan kasi sa oras na ginawa mo 'yun parang inalisan mo na rin ng karapatan ang sarili mo na gawin ang mga gusto mo. Tama lang ang tanggapin kung ano man ang pinupukol ng ibang tao sayo pero huwag mong dibdibin at hayaang manatili sayo. Sabi nga: 2 things: If it makes you happy, do it. If it doesn't, then don't

    ReplyDelete
  10. naka relate ako... medyo may common tayo sa ibang bagay.. sulat lang nang sulat....

    At wag susuko... ipagpatuloy mo yan ^^ magpahinga ka muna kung talagang nahihirapan ka... pero huwag mong isipin na aalis ka talaga... babalik ka pag ready na ulit...^_^

    ReplyDelete
  11. tama silang lahat sulat lang ng sulat... pero dapat kapag nagsulat ka yung boo ang loob mo hindi yung nagsulat ka lang para may maisulat lang. dapat galing sa puso. Kung kailangan magpahinga at tumigil panandalian, maaring gawin to.. nang sa gayun makaipon ka ng ideya at mas lalawak pa ang iyong imahenasyon.. Goodluck

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression