Tadhana nga ba na tayo'y pinagtagpo
O sadyang buhay mapagbiro
Hilaga't kanluran pinagdugtong
Langit at lupa nag pang abot
Tadhana nga ba na tayo'y pinagtagpo
Lamig ng aking puso ay init ng iyong pulso
Kakambal ng iyong pangalan
Ang mga titik na naging ilawan
Matamis na susuyuin ang mga bituin
Sigaw ng puso'y ngalan mo
Mga salitang ibubulong sa hangin
Na sana'y sa iyo iparating
Saan nga ba patungo itong pagsuyo sa iyo
Kung tadhana man ang tayo'y pinagtagpo
Tadhana rin bang ako'y humantong sa kandungan mo
Ramdam ang init ng mga bisig mo
Oh! diyos ng mga pag ibig
Pagbigyan ang aking hiling
Ngalan nami'y bigkasin
Sigaw ng aming mga puso'y pag-isahin
* Pangalawa na tong tula na ito para sayo. In fairness, ikaw lang ang nagawan ko ng tula at sayo lang ako nakakagawa ng tula. Salamat. Ang tulang ito ay nabuo dahil sayo at sa kantang Tadhana ng Up Dharma Down

astig!
ReplyDeleteSana hindi nagbibiro ang tadhana...
ReplyDeletethumbs up agree ako dayn
ReplyDelete