Monday, July 16, 2012

Metamorphosis



Hindi ko naman talaga binabalak itong mga nangyayari sa akin. Noong una gusto ko lang sila gawin. Parang bucket-list ba pero hindi ko inaasahan na mauuwi pala ito sa isang malaking pagbabago sa akin at sa aking buhay.

Hindi naging madali ang first quarter ng 2012 sa akin. Marami akong pagsubok na pinagdaanan. Umpisa pa lang ng taon mabigat na ang hinandang pagsubok sa akin ng tadhana. Kung masugid kang nagbabasa ng blog ko (Meron ba? Hahaha!) Unang pagsubok diyan si B, Tapos si Bao Bao, tapos konting family problems at credit card horror stories, meron pang pakiki-apid ko sa ibang relasyon (si Harry Potter) Nadiyan din yung issue sa dalawa kong kaibigan at recently lang eh yung naging issue sa last forbidden question ko. Hindi ko masasabing lubos akong Nagsisisi dahil parte ng mga karanasan kong iyon ay ang pag hubog sa aking pagkatao. Dahil sa mga karanasan at delubyo na aking pinagdaanan ay unti unti akong nahuhubog sa isang katauhan. Sa isang malaking pagbabago. Hindi man ito 360 degress change dahil hindi naman lahat ng tungkol sa akin ay dapat ko ng kalimutan at magsimula uli mayroon pa din akong mga bagay bagay na dapat i-keep at i-treasure isa na diyan ang mga kaibigan ko.

January

Ang pinaka gusto kong gawin simula noong bata pa ako. Ang magpa braces. Oo! matagal ko ng gusto yon. Noong bata ako naglalagay pa nga ako ng aluminum foil sa ngipin ko tas haharap sa salamin at ngi-ngiti para kunwari may braces ako. hahaha! nakakatawa! Well, Isa lang naman ang dahilan diyan.. panget kasi ang ngipin ko marami akong sungki parang ngipin ng piranha ang ngipin ko noon.. choz! pero dahil gusto ko tumaas ang self confidence ko kaya ayan... finally!

April



April nang nagpasya akong magpa-tattoo. Greek word yan for "rebirth" or "renaissance". Iyan ang hudyat o ang pagsisimula ng pagbabago sa aking buhay. Sa totoo lang, malaki ang naging tulong nito para ako'y mabigyan ng lakas at laging paalalahanan sa pagbabago na aking ninanais. Ewan ko ba, Psyche lang ata iyon pero simula noong magkaroon ako ng tatoo tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili. Feeling ko nadagdagan ako ng personality. Lumakas ang loob ko. Hindi ko alam kung anung meron sa mga tattoo at malaki talaga ang naiambag nito sa aking pagkatao. 

May

May ng ako'y nag enroll sa Gym. Matagal ko ng plano ito pero ngayon lang natupad. Hindi lang pagpapa borta para makakuha ng jowa at maka-akit ng mga lalake ang dahilan ko, Aaminin ko.. hindi naging maganda ang rason ko sa pagpapalaki ng katawan. Ang sabi ko sa sarili ko noon, babalikan ko lahat ng mga taong niloko, nag reject at sinaktan ang puso ko kaya ko ito gagawin. Revenge kung baga. babalikan ko sila lahat tapos sila naman ang papa-asahin ko.. pero dumaan ang mga araw at naisip kong nakakatakot ang paghihiganti na aking binabalak at baka kainin pa ako nito ng buo. Sa ngayon, para sa sarili ko na lamang ang rason sa pag wo-workout ko. Tumaas ang market value. 

June

Cajon talaga ang gusto kong bilhin at pag-aralan. pero dahil sa isang ispesyal na tao.. heto ako at nag tiya-tiyagang pag aralan ang pagtugtog ng gitara. Kahit masakit at puro kalyo na ang aking mga daliri... Kahit masakit na ang mga buto ko sa daliri kaka-praktis mag gitara eh hindi alintana iyon dahil lahat ng paghihirap ko eh worth it naman para sa kanya. Ewan ko, Sa totoo lang hindi ko din naman alam kung anu mangyayari sa amin at kung magiging kami ba pero anu't-anuman ang mangyari panalo pa din ako sa huli dahil nag gain ako ng skills di ba? Pero sa ngayon siya ang motivation ko sa pag aaral ng gitara. Sa ngayon eh kaya ko ng tugtugin ang first part ng More than words.. yey! Yun kasi ang gusto niya kaya yun ang una kong ina-aral kahit mahirap. :)

July


Ang pagbabalik ng Mohawk kong buhok. Simple lang siya. kung sa iba hairstyle lang siya pero para sa akin nakadagdag ito ng kaunting personality sa akin. Kung mapapansin ninyo puro na lang personality ang dahilan ko. Ganito kasi yan, Sabi nila ako kasi ang may pinaka weak na personality sa amin. Mahilig kasi ako magpakita ng emosyon sa kanila. Ako ang madalas umiyak sa amin dahil sa love. Iba din ang naging dating sa akin ng hairstyle na toh. feeling ko lumakas ang dating ko at impact ko sa ibang tao. Parang feeling ko ang cool cool at ang astig astig ko. choz! haha! Balak ko pang kulayan yan ng dark red para mas lalong lumakas ang personality ko. wala lungs.

Sabi nila "Everything happens for a reason". Noon hindi ko siya maintindihan. Iniisip ko anung dahilan? Nasan ang dahilan? Ngayon ko lang nalaman na hindi agad agad ihaharap sayo ng buhay ang rason kung bakit mo siya kailangang pagdaanan pa. Minsan matagal minsan hindi pero ang point dito eh naranasan mo, nadapa ka, nasaktan ka, nagasgasan, umiyak, nagmukmok, nagwala.... pero bumangon uli. at kasabay ng pagbangon ay ang pagbabago at paghubog sa bagong ikaw. Hindi na ako si Weak personality, Hindi na ako si Iyakin, Hindi na ako si Mr. Nice guy at lalong lalo ng hindi na ako magpapadala sa sinasabi ng ibang tao sa akin. Heto ako! Ako ito! Tanggapin mo ko or lumayas ka sa harap ko!

And yes! I am changing... This is the new me. Take it or leave it. Love me or hate me, I don't give a shit!

* * * * * 

"I'll change my life, I'll make a vow and nothing's gonna stop me now"




14 comments:

  1. Alam mo ang pagbabago wala sa pagta-tattoo, hairstyle, pagpapaborta, pag-aaral mag-gitara etc. They don't make you a better person. They don't make you better looking. And it will never bring greater chances for anything, yes even love. Such things are trivial and as painful as it may sound, you are trivializing yourself by submitting to such.
    .
    .
    Lest you learn to live the "cursed" life you are bestowed upon, you will continue repeating the same mistakes over and over again. Personality stands even when you're stripped naked, even without hair, even without anything that is material. That I think is the part you're missing. Ask yourself: if everything is snatched away from you, hair, clothes, tattoo, friends, skin, that guitar you're clutching, what do you have?
    .
    .
    These are unsolicited, of course. But the world is no fool. It can pierce right through you past everything that are illusions. Understand that this is not really an advice, or some words to castigate you. Just an observation from someone afar and since the comment box is open, I took the chance. Nevertheless, strike it away if you must. You said, after all "Tanggapin mo ko or lumayas ka sa harap ko!" But a curious question, "what if everybody leaves at one point?"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napa isip ako diyan sa tanong mo DB, Hhhmmm..... if everybody leaves? Sa totoo lang hindi ko pa masasagot ang tanong mo. What if everybody leaves? For what reason? de-depende kasi ang magiging tugon ko sa sitwasyon base sa magiging rason. maraming pwedeng maging dahilan kung bakit sila maaring umalis ang pinu-punto ko lamang dito eh yung acceptance that will lead to a promising friendship. yun lang naman.

      lahat tayo may kanya kanyang flaws at kung matatanggap natin ang flaws ng bawat isa wala ng kailangan pang umalis tanggapin mo yung mga kaya mong tanggapin yung hindi wag mo i-tolerate. Ibig kong sabihin tanggapin mo muna ang tao bago mo baguhin kesa sa baguhin muna siya bago mo tanggapin. Naiintindihan ko na hindi "talaga" kailangan yung mga nabanggit ko sa taas para ako'y maging isang mas mabuting tao gaya nga ng nabanggit ko maaring psyche lamang ito... nadikit ko lamang ang mga pagbabagong ito sa buhay ko dahil sa mga problemang hinarap ko. Ang lahat ng ito ay maaring maihalintulad sa Defense mechanism kung hindi ako nagkakamali Sublimation ang tawag dito para makapag cope ako sa situation. don't get me wrong ah :)

      Delete
    2. i like!!!!=) couldn't agree more. =)

      Delete
  2. kalahati pa lang ng taon, marami pang mangyayari at magbabago heheh ^^, go lang sa daloy ng buhay...

    ReplyDelete
  3. am having the same changes in my life, my attitude and my body dahil sa mga karanasang lubos na kumikwestyon sa aking pagkatao at sa akin halaga.

    i also started going to the gym and started to explore different styles na nuod pa man ay gusting gusto ko na gawin.

    tuloy tuloy lang sa pagbabago kaibigan.

    pero tandaan na dapat ito'y para sa ikabubuti...

    aja! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. anu yung different styles na yun? kaw ah! hahaha

      Delete
    2. lahat ng styles.. patayo, padapa! chos! hahaha.

      Delete
  4. you've change for th better sana soon mgawa ko na din mga gusto ko
    and nga pla gusto ko yng kantang yan grabe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huwag mo pilitin ang sarili mo magbago at sana'y hindi mo rin ito gagawin para sa ibang tao. hayaan mong ang panahon ang magdikta kung paano at kelan ka magbabago parang caterpillar lang yan :)

      Delete
  5. "Sabi nila "Everything happens for a reason". Noon hindi ko siya maintindihan. Iniisip ko anung dahilan? Nasan ang dahilan? Ngayon ko lang nalaman na hindi agad agad ihaharap sayo ng buhay ang rason kung bakit mo siya kailangang pagdaanan pa. Minsan matagal minsan hindi pero ang point dito eh naranasan mo, nadapa ka, nasaktan ka, nagasgasan, umiyak, nagmukmok, nagwala.... pero bumangon uli." --super agree.

    nakakatuwa naman yung mga changes sa buhay mo. nakakainspire kasi pinagbubuti mo talaga yung sarili mo. 6 months palang yung lumipas pero much much better ka na. im happy for you =D

    ReplyDelete
  6. cheers to a new you! clap clap clap! galing ni jennifer h!!!

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression