Friday, July 6, 2012

Gitara at Cajon




Tila isang sakit kung ito'y kumalat
Pag ibig ang sa kanya'y tawag
Pinagsaklob ng gitara at cajon
Simula noo'y di na naging wasto

Pag ibig nga ba itong nararamdaman
O sa kalungkutan ika'y laging nariyan
Paano nga ba masasabing
Ang Nararamdaman sayo'y walang hanggan

Ilang linggo ang nag daan
Patuloy ang pakikipag ugnayan
Sa paraiso ika'y aking natagpuan
Damdamin ko'y nakulong sa iyong katauhan

Dumating ang panahon aking tinanggap
Puso ko'y sa iyo umaalab
Hindi na maipagkakaila
Ang damdaming nag aalinlangan

Pusong paulit ulit ng nasugatan
Takot sa aki'y nangingibabaw
Ika'y gustong makasama sa picnic na binabalak
Kasama ng mga langgam ika'y tanging makatambalan

Kung ang pag ibig'y duwag payapa't walang agos
Tila isang buhay na walang pulos
Isang paru paro sa kandila nais pumalibot
Pakpak ma'y masunog mamatay ng walang pag iimbot

Sarili ay inihahanda 
Sa pag ibig ma'y muling masaktan
Panghihinayang aking nadarama
Kapag puso'y matinik at masugatan

Sa gitara at cajon tayo'y nagsimula 
Sa musika tayo'y pilit pinagsama
Sa pagkalabit sa tingting ng gitara
Hibla ng pag asa'y namimitaga

Sa iyong buha'y nais maging pahinante 
Sa dulo'y buhay walang higante
Paglibot sa Pilipinas ika'y nais makasama
Sa pagtanda ika'y ibig makaramay

O! Gitara ikaw sana'y maging mabuti
Sa aking pag aaral ng natatanging hibla
Ako'y iyong higupin
Ng matutunan iyong pag kilos

Maestro ang itawag mo sa akin Ko'y
Sa gitara tayo'y magsisimulang magsuklob


*Subok lang gumawa ng tula. Sana magustuhan mo.

11 comments:

  1. knino naman... hahaha akin na lang to... tonohan ko... wahahajoke lang...kitakits

    ReplyDelete
    Replies
    1. ballad or kundiman ang labasa niyan pag nilagyan mo ng tono

      Delete
  2. para kanino naman ito?nice. sweet na sweet. =D

    ReplyDelete
  3. sweet, at the same time, may tono ng bitterness. nice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! natawa naman ako. bat bitterness? bitter ba? di naman e :)

      Delete

Exercise your freedom of expression