Wednesday, July 18, 2012

Confessions of a broken heart : Daddy


photo taken from here

Matagal ko ng binabalak na gumawa ng ganitong segment sa blog ko. Segment? TV show? Meganun? Hahaha! 

Anyway, nakausap ko noon si Dabo (Twitter Friend) nag tweet kasi ako na gusto ko sana i-post yung mga traumatic experiences ko noon simula noong bata ako kaya lang natakot ako kasi baka husgahan ako ng mga taong makakabasa nito. Ang sabi niya sa akin hindi ko daw dapat isipin kung anu man ang magiging reaksyon o sasabihin ng ibang tao. Huwag ko din pilitin ang sarili ko kung hindi pa ako handa. Sa tingin ko sa pagkakataon ito handa na ako gaya nga ng sabi ko sa post ko sa ibaba love me or hate me i don't care. 

Confessions of a broken heart ang title ng segment na ito. Confessions kasi ilalabas ko lahat lahat ng mga traumatic experiences ko simula noon hanggang ngayon. mapa-family, friends, personal, spiritual or lovelife man yan lahat lahat iku-kwento ko ng walang takot at Oo! ganun kadami ang mga napagdaanan ko para gumawa ng segment para lamang doon. Hindi ko masasabing proud ako sa mga iyon. ewan ko, yung iba hindi ko pa kasi tanggap ng buong buo yung iba naman dedma lang. 

Ang first and greatest heart break ko ay naganap noong ako ay 6 years old. Iniwan kami ng daddy ko noon. Opo, produkto ako ng isang broken family pero hindi na ata bago ngayon yun. Anyway, 6 years old ako noon nung iniwan niya kami. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit niya kami iniwan. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang sagot sa tanong na yan. Sa tuwing may magtatanong nga sa akin laging "hindi ko alam" ang sinasagot ko. Matic ang next na tanong nila "Nasan ang daddy mo ngayon?" Ganun pa din ang sagot ko "Hindi ko alam" Tapos pinaka huli nilang tanong "May ibang pamilya na ba siya?" ang dami nilang tanong sa akin hindi naman magbabago ang sagot ko "Hindi ko alam". Marahil iniisip niyo na umiiwas lang ako sa mga tanong nila. Hindi po. Yun po kasi ang totoo, Hindi ko talaga alam kung nasaan nakatira si daddy ngayon ang alam ko lang buhay siya. May ibang pamilya? Hindi ko din alam kasi wala naman nagsasabi sa akin na meron nga, kung meron man exciting yon.. choz! kung meron man....... ewan. Hindi ko alam kung anu magiging reaksyon ko pero marahil una kong tatanungin kung meron ba akong mga kapatid sa labas. Yun lang gusto ko lang malaman tapos dedma na. 

Simula noong iwan niya kami ay hindi na nabanggit ni Mommy sa amin kung bakit siya umalis. Marahil ayaw ng mommy ko na madumihan ang pangalan ng daddy ko sa amin. Ayaw niya siguro na sumama ang tingin namin sa kanya. Kahit anu pa sigurong paglinis ng imahe ng daddy ko sa amin ng mommy ko eh hindi na siguro magbabago ang tingin ko sa kanya. At hindi na din mawawala sa isipan ko ang mga nakita ko noon. Masyadong mabigat pang MMK. Ay! hindi pala pang Calvento files pala siya.. haha! choz! Hindi ko na maalala ang buong kwento dahil bata pa ako noon ni hindi ko na din maalala kung ilang taon ako nung nangyari ito.
* * * * *

Nasa garahe kaming tatlong magkakapatid noon. Si Ate, Ako at ang bunso naming kapatid na noo'y nasa stroller pa. Umiiyak kaming tatlo. Malakas ang panaghoy. Maraming tao sa labas ng gate namin wari'y nanunuod ng taping ng isang pelikula. Nakasara ang gate hindi sila makapasok. Si daddy at Si Mommy nasa loob ng bahay. Maingay. Magulo. Sigawan. Iyakan. Malakas. Ayoko marinig. Gusto kong umalis. Gusto kong makakita ng ibang bagay. Gusto ko makarinig ng isang musika. isang malakas na kalabog ang narinig namin sa may bandang dirty kitchen kung saan kita namin sila mula sa garahe. Si Mommy malakas ang iyak. Nagmamakaawa. Si Daddy hawak siya ng mahigpit at may nakatutok na kutsilyo sa mukha. Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang mommy ko nasa hagdan umiiyak. Pinalinis sa akin ng Daddy ko ang mga tulo ng dugo sa sahig at saka umalis. Ako naman ay dali-daling pinunasan ang trails ng dugo ng Mommy ko. Noong malapit na ako sa kanya sa hagdan niyakap niya ako. Niyakap lang niya ako saka umiyak. Pinigil kong tumulo ang luha ko. Sinubukan kong dedmahin ang nangyayari. Nagkunwari akong walang nagaganap. 

* * * * *

Ngunit nanatili sa akin ang puso ng isang batang nangungulila sa kalinga at pagmamahal ng isang Ama. Galit na galit ako sa lolo ko (kapatid ng nanay ng mommy ko) sa mother side dahil.. hindi ko alam kung naisip ko lang siya o sinabi sa akin pero siya daw ang nagpapaalis kay daddy sa bahay. galit na galit ako noon sa kanya pero wala akong magawa. Hindi ko din masabi ang gusto kong sabihin dahil bata lang ako noon at alam kong hindi nila ako pakikinggan pero lagi kong isinisigaw sa loob loob ko na "bakit mo pinapaalis ang daddy ko eh daddy ko yun! ikaw ang umalis kasi hindi naman kita daddy" yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko noon. Tas iiyak na lamang ako sa banyo kasi nahihiya akong ipakita sa kanila na umiiyak ako. Yun ang unang pagkakataon na nabiyak ang puso ko. Ang iwan kami ng daddy ko. Malaki ang naging epekto nito sa akin. dahil sa kanya nagkaroon ako ng issues sa sarili ko. Andiyan ang Inferiority complex. Nawala pero bumabalik balik uli. Isang patunay diyan eh hindi ko kayang humarap o hindi ko kaya mag handle ng crowd. Ang ibig kong sabihin kapag napapalibutan ako ng maraming tao tas magkakakilala sila.. dun umaatake ang inferiority complex ko. Hirap din akong mag let go at ayaw na ayaw kong iniiwan ako (not literally) minsan nawawala pero bumabalik balik pa din. Pilit ko siyang nilalabanan pero hindi talaga siya mawawala at nakatatak na siya sa akin at sa aking pagkatao. Kaya minsan pagpasensiyahan niyo na kung mababa ang tingin ko sa sarili ko at nag se-self pity ako. Alam niyo na ang aking pinanggagalingan.

Marahil kaya hirap akong humakbang paharap dahil sa mga excess baggage na dala dala ko at marahil isa ito sa paraan ko para tuluyan ng limutin o i-let go ang lahat lahat ng mga masasakit na karanasan. Hindi madali para sakin ang balikan pa ang mga panahong kung saan nasugatan ang puso ko ngunit kung ito ang paraan para tuluyan na silang iwan dito sa blog ko gagawin ko. 

*Walang nakakaalam ng mga kwentong ito kahit pa ang pinaka malalapit kong kaibigan at ito ang pinakaunang pagkakataon na ilalabas ko ito sa loob ng aking puso. 18 years ko siyang tinago kaya heto pakakawalan ko na siya.

11 comments:

  1. ang sad naman pla :< lam mo lahat ng bagay nanyayari ng may dahilan hmm di man natin malamn naun sa hinaharap makikita mo ung plano ng diyos para sayo, sainyo ng pamilya mo
    at humahanga ako sayo kasi nagawa mong ishare ito ayun isipin mo na lng siguro mom mo at ung mga taojng nagmamahal sayo wag mo na isipin an nakaraan sana maging ok na kayo, ikaw soon

    ReplyDelete
  2. *hugs* iwan mo na dahan dahan ang mag masasakit na nakaraan. nandito lang kami pra makinig sayo.
    *hugs na mahigpit* kaya mo yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang higpit naman hindi na ako makahinga.. haha

      Delete
  3. una sa lahat thanks, sa tiwala na ishare mo ang kwento mo sa mga readers mo...i know marami ang ang mkkarelate directly or indirectly...

    at maganda din na mashare mo tlga ang mga baagay bgay, mailabas ba...di forever na nsa loob mo.. mahirap, bigat kaya sa dibdib ^^,

    its a start sir/kaibigan.. hala sige step forward na :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat din sa hindi paghuhusga :)

      Delete
    2. Kaw ba author nyan. Salamat..!!mabuti at nadiskubre ko ang site na to. By the way pareho pala taung produktong ng broken family. Kayat nilakasan kuna rin ang loob kuna simulan na rin ang mga saloobin ko. Pero wag mo sanang iisipin na mabuti akong tao. Naisipan ku lan dahil para na rin siguro saken to. May mga katanungan pa kase tungkol sa mga realidad na hanggang ngayun ay hindi ko mabigyan ng kasagutan. Ng reflect lahat ng karanasan ko sa paguugali ko keso daw war frick ako, mad ang ugali. Kayat naglakas loob na rin ako dahil baka makatulong din saken ang mga komentong makabbasa ng story ko. Salamat.

      Delete
  4. sige......ilabas mo lahat ang "excess baggage" mo. pakawalan mo na lahat.........palulungkutin lang ang buhay mo ng mga 'yan....cry if u must.....but after that........celebrate your happy independence day.
    u deserve to have a happy life.......!!!!

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression