"I wanna lose three pounds"
- Mean Girls
So its not all about carbs pala if you want to lose weight. Ever since nag start ako mag gym low carb diet na ang iniisip ko. Carbs ba to? naka ilang carbs na ko this day? How much carbs are in it? Di pwede sakin yan carbs yan eh. Yan ang thinking ko noon until one day Cristiane told me na its not about carbs. its about calorie intake.
Meron siyang pinakitang apps sa akin sa phone niya (dunno the name of the app eh) she asked me
"ilang taon ka na ba?"
"24"
"Anung weight and height mo?"
"5'5 tsaka *toot* (wahaha! bleh!)
"Physical activity mo everyday? moderate ba?"
"I guess"
tootootootut tootootootut.
Maya maya
"Ito dapat ang calorie intake mo sa isang araw 1,900 cal pero since gusto mo pumayat at magka muscles 1,500 cal ka na lang per day. "
"Aaahh..."
"So dapat kino-compute mo kung ilang calories meron sa food na kinakain mo.. for example, ang 1 cup of rice is 240 calories so meron ka pang 1260 calories na iko-consume."
"Ay! nakakaloka! may math sa pagkain? Hhhmm..."
"Eh gusto mo pumayat eh. haha!"
Kaya simula noon eh naging conscious na ako sa pag tingin tingin kung ilang calories ang naco-consume ko everyday.Pati sa mga iniinom natim ay may calories tubig lang ang wala. For example ang Minute maid na juice eh 140 calories so katumbas na nito ang half cup of rice. teka nga pala, anu nga ba ang calories? Ayon sa pagkakaalala ko noong nasa college pa ako sa biochem class ko ang calories is the amount of energy we need to take (not sure though paki correct kung mali ako :) ) Pag ang calories eh hindi na-convert into energy magiging fats ito. So ibig sabihin more calorie intake more physical activity dapat. Sa lagay ko pang nag te-threadmill ako ng 30mins nakaka gamit o burn ako ng 300 plus calories tapos sa weight lifting daw eh mga 250 ata calories ang nabu-burn tas may lakad lakad pa ko everyday, pag nguya, pag iisip, pagta-type, pati ang pag *toot* ay may kaakibat na burning of calories yun nga lang hindi ko alam kung ilan. So pagkakain ka lets say isang meal
For example:
1 cup of rice and tinola. ang isang meal na yan ay may katumbas na
kung drumstick ang thighs at walang kasamang balat:
53-57 cal/ounce or 28g
200 cal in 3½ or 100g
181 cal in 1 average size leg, includes drumstick & thighs
109 cal in 1 average size thighs
76 calories in 1 average size drumstick
267 calories in 1 cup of chopped/diced leg meat.
Kung may kasamang balat naman:
265 calories in a 4 oz or 114g, leg (thigh & drumstick)
112 calories in one average size drumstick
153 calories in one average size thigh
So ang regular size drumstick is 181 cal plus 1 cup of rice na may 240 calories all in all ang meal na yan ay may 421 calories agad plus calories pa ng sayote.
Ref: click this
Oh di ba! kung anu ang masarap yun ang mas maraming calories. Sabi nga nila "masarap ang bawal".
Merong sinend sa akin yung friend ko since college sa email ko. list of calories sa bawat food. Minsan kung wala sa listahan na yan ang pagkain eh nagtatanong na lang ako kay mareng google pero kung pagkaing pinoy gaya ng tinola eh mag estimate ka na lang.
So anung point nitong post na ito? kung gusto mo mag maintain ng weight or mag lose ng weight wag mo sisihin lahat sa carbs lalo na kung nag wo-work out ka dahil kailangan mo pa din ng sugar para magkaroon ng fuel for metabolism. and importante ang metabolism sa pag lo-lose ng weight. Dapat lang talaga na alamin mo kung ilang ang required calorie intake mo para hindi sumobra sa nararapat base sa physical activity mo everyday to prevent na mag form ito into fats. Mayroon nasabi yung supervisor ko noon di ko lang matandaan eh yung about sa 1lb ang madadagdag daw sayo kung so-sobra ang calorie intake mo.
Bat ko nasabing sugar ang carbs? kasi ang carbohydrates is made up of CHO. Carbon, hydrogen and oxygen. Alala ko sa biochem class Ang carbs ay isang uri ng monosaccharide na nabibilang sa Saccharides group which means sugar. from its simplest to complex form. simplest form is mono- complex form of sugar is di-, oligo-, and polysaccharide. (Tama ba pinagsasabi ko? haha.) So ayun. However, ang sabi sa amin noon carbohydrates daw ay common source ng energy pero hindi essential nutrient sa atin kasi pwede pa naman kumuha ng energy ang katawan natin sa proteins and fats. Yung energy na sinasabi ko is not all about physical activity remember sa biochem class uli cells need energy di ba. like sa RNA need nila ng 5-carbon monosaccharide (ribose). kailangan din sila ng immune system natin at blood clotting pero hindi dapat so-sobra kasi yung excess sugars yun na yung magre-result sa imbalance at can lead to diabetes. Whew! medical terms na itey... ayoko na! hahaha! In my case hirap ako mag diet. lagi ko nga sinasabi kay coy gusto ng ganito gusto ko kumain ng ganyan eh di naman pwede kasi almost three months na ko nag gy-gym and kaunti pa lang ang changes na nangyayari. Pero pag meron na magpapa semikal ako na matagal ko ng gusto.
Tingin ko mas effective itong diet plan na ito para sa mga taong hirap tumanggi sa pagkain. pwede ka pa naman kasi kumain ng gusto mong kainin pero again dapat alam mo kung ilan ang required calorie intake mo per day.


haha ayoko nmn kwentahin lht ng kinakain ko
ReplyDeletepeo di ako masaya sa katawan ko haha
bakit di ka masaya sa katawan mo?
Deletehahaha.. you lost me at calories... lolz.. joke.
ReplyDeletedagdag lang powz ateh...
acchalee nagpapatanggal din ako ng babay fats (hahaha baby kuno) lalo na sa mid section. And the advice ng trainor sa gym eh dagdagan daw ang cardio exercises.
When it comes to eating naman. Kung dumudugo ilong mo sa kakacompute ng calories, ito daw ung tandaan. The less processed yung food mo, the more na mag help cia mag burn ng fats. Just eating the right kind of food everyday will help you burn unwanted fats in you body. At kung di mo mapigilan ngumuya, kumain eh palitan mo daw ng fruits and veggies ang diet mo. Kahit ilang kilo pa daw kainin mo eh mas lalo kang papayat at mag buburn and mga baby fats.
Basta iwasan lahat ng junk foods lalong lalo na ang coke and other sodas. Ang kalaban natin eh ang sugar!
At isa pang ginagawa ko eh ang di pag kain ng rice. Mahirap sa simula pero effective naman. I try to substitute rice with banana or other fruits and veggies like potato.
Inferness teh, one month lang malaki na ang pinag bago ng body beautiful ko. Nababawasan na ang baby fats sa tummy. lolz. Yung mga nasa taas lang ang gawa ko.
Good luck sa atin teh! Dapat by summer sali na tayo sa bikini open ha? Hahahaha :D
ako din na lost sa calories. hahaha!
Deleteay naku teh! dapat ata kita maging mentor eh ang hirap kasi talaga mag diet lalo na pag paborito ko ang ulam sa bahay.. eh lagi paborito ko ang ulam.. naku patay na! hahaha!
nakakapanginig laman ang di pagkain ng rice. hahahaha!
sa simula lang yun. pero pag nasanay ka na. kaya na ng body mo na walang rice. substitute mo nalang ang banana, potato or other sources of carbs. pero ciempre ang key is moderation. kaya mo yan! Aja!
Deletelecheng meal plan na yan! I spent more time studying kung bakit dapat may CORRECT eating habits ako at may APPROPRIATE meal plan everyday kaysa sa pag set-up ng workouts at exercises at training sessions. Ah! The things we do to appease our vanity!
ReplyDelete