Monday, August 6, 2012

Social experiment




share ko lang tong napanuod ko sa youtube habang hinahanap yung best smoking kills tv commercial na nakita ko sa isang blog pero di ko na maalala kaya ayun di ko rin nahanap. Nakalimutan ko na kasi kung sino nag blog nun. Kung nalalaman niyo maaring ipagbigay alam lang sa akin gusto ko kasi makita yung commercial na yun. Basta about sa smoking and may word na "best". Ang makakapagbigay sa akin ng impormasyon ay may karampatang 500 pesos worth GC sa funeraria Paz. wahahaha! charot lang.





I love this social exepriment na ito. Very true. Mapapaisip ka talaga

but in my case, di muna ako hihinto.. di ba coy? wahahaha! pinag awayan kasi namin yan eh pag siya daw kasama ko bawal daw ang yosi kahit isa lang papaluin daw niya ko.. hmp! sadista.. char! Usapan pa lang namin yun ah badtrip na badtrip talaga ako sa kanya. ayaw talaga pumayag at hindi ako maintindihan. May karapatan din naman kaming mga smokers di ba? hehehe.. basta! nakakainis!

Anyway, kaya ko naman huminto eh ayaw ko lang. acsheli, nakahinto na ko noon nung isang taon bumalik lang ako uli.. taray di ba parang OFW lang.. babalik muli. hahaha! tapos nung college ako naka hinto uli ako ng isang linggo kasi may duty kami noon sa community parang immersion sa Infanta, Quezon. Oo yung mga nasalanta ng bagyo naki pamuhay kami sa kanila ng isang linggo. May mga foster parents kami tas ayun tumira kami sa mga bahay nila. Eh kaya napahinto ako mag yosi kasi baka mahuli ako mahirap na di pa ko maka graduate. hehe!

Oh siya.. magnilaynilay na lang kayo sa ad na yan.


3 comments:

  1. mahirap tlga huminto agad agad , peo habang maaga istop na heheeh

    ReplyDelete
  2. ganda nyan tlga gling ng gumawa nyan aun
    ako sa fb ko sya nkita bago ko naipost sa blog ko

    ReplyDelete
  3. ay like ko yang ad campaign na yan bangis :D

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression