Madami akong naisip at naging reaksyon dahil sa katanungan niya tungkol sa kanyan blog post. Hindi ko mapigilan ang mag react kaya agad agad naman akong nag reply ngunit naisip kong mas makakabuti ata kung dito ako sasagot para na din ma i-share ko sa iba ang aking pananaw.
Tungkol ito sa blog niya. Si ser Jep Buendia. Isa ding guro (Sa pagkakaalam ko). Ang blog niya ay tungkol sa hagupit ni bagyong Gener at ang epekto nito sa pamumuhay ng tao. Pansin ko ang reklamo ng ibat ibang tao sa tuwing may dumadating na bagyo kaya't heto ang aking tugon.
Ito ang kanyang mga katanungan:
1. Kamusta ka na? Ayos ka lang ba?
2. May hinaing ka rin ba kay Gener? Ilahad ang mga ito.
3. Gusto mo bang maka face to face si Gener? Kung ayaw mo, personalan kaya? Bakit?
Ito ang aking mga kasagutan:
1. Ayos lang ako. Gusto ko kasi ang mga patak ng pawis ni Gener. Maliliit at magagaan pero masarap sa pakiramdam.
2. Wala akong hinaing sa kanya. Ang totoo nakakatulong pa siya sa atin sa maraming paraan mapa kalikasan man o sa tao. Marami siyang naituturo sa atin at wala siyang kasalanan. Una, pinapamuka lang sa atin ni Gener ang side effects ng pagpuputol ng maraming punong kahoy, ang pagtatapon ng basura sa kalsada at higit sa lahat ang pag langgoy sa baha. Wala pa mang tao ay mayroon ng mga bagyo. Kasama ito sa ecosystem... sa cycle. Kailangan ito ng mundong ibabaw sa maraming kadahilanan kaya kung sasabihing masama ang bagyo, ayaw niyo ng bagyo o ulan tulad ni Gener at nakakasama ito sa tao.... Kung mawawala ang bagyo at ulan masisira ang cycle... ang ecosystem. Pinagtanggol talaga si Gener e no.
3. Di ko kayang maka face to face o personalan si Gener mayabang lakas ng hangin.... pero gusto ko yung ganun kesa sa mainit nahihilo kais ako pag mainit.
Tandaan:
1. Huwag natin sisihin si Gener sa pagbaha baha dahil hindi siya ang may gawa noon... Tao!
2. Huwag natin sisihin si Gener sa lakas niya dahil hindi niya kasalanan yun... Tao ang may gawa nun dahil sa lumalalang global warming. Dahil diyan ay matinding climate change ang nararanasan natin ngayon kaya naman palaks din ng palakas ang ang mga nabubuong bagyo. Noon nung bata pa ako masu-suspend lang ang klase para sa high school kung nasa signal number 3 na ang bagyo pero ngayon signal number 2 pa lang wala ng pasok sa high school ibig sabihin tumitindi nga ang lakas ng mga nabubuong bagyo. Nga pala nag tweet si Gener sabi niya trabaho lang walang personalan.
*Sana may nakuha kayo sa akin. Hindi ko naman sinasabing gustong gusto ko ang malalakas na bagyo at ang may nahihirapan dahil sa bagyo ngunit lagi nating tatandaan kung kanino paano at saan ba ito nagsimula? Tayo ring mga tao ang may gawa di ba? Nasampal na tayo ni Ondoy noon, hindi pa ba tayo matututo?

haha nakakabisita nga din ako kay jep
ReplyDeletehmmm ako basta ayoko nmn ng bagyong malakas maxyado
ako gusto ko basta mahangin :)
Deletesalamat sa pag-TUGON :) natuwa ako sa title mo ah, naalala ko yung sinasabi sa simbahan...
ReplyDeletenahiya tuloy ako sa iyong tugon... your tugon is on a serious note... but true...
on the lighter side: sabi ko na nga ba, bestfriend ka ni Gener... yaan mo raw next time, ang mata ni Gener ay sa iyo lamang :)
salamat ulit
Oo nga ser eh masyadong naging seryoso ako sa aking tugon.. eh kasi naman ang tao di na natuto pinagsabihan na nga tayo ni Ondoy at Pedring eh wala pa din tayong ginawa.
DeleteAy! kinilig naman ako sa akin lang ang mata ni Gener.. ako na ang kanyang apple of the eye... hahahaha! choz!
tama ka. kasalanan din to ng tao eh. nakita ko kagabi sa news yung tungkol sa ta,bak ng basura sa bay walk. sobrang kadiri lang. tsk tsk tsk
ReplyDeleteAt kung napanuod mo pa ang failon ngayon noong sabado eh mas lalo kang mamumulat sa katotohanan.
DeleteAng bagyo ay bahagi ng buhay, bumagyo man salamat, umaraw salamat din... Basta sabay na lang tayo sa agos ng buhay, tama, tao rin ang may gawa ng lahat. Kaya ingatan natin ang ating kalikasan.
ReplyDeletegusto ko itong post mo na ito ^_^
SALAMAT.
Salamat Jessica Sanchez :)
Deletehaha fanatic din ako ni sir jep kaya alam ko to at sumagot din ako sa mga tanong na yan..wala na nga sigurong lunas tong lumalalang global warming ang nakakalungkot pa ang mga susunod na generation ang talagang magsu-suffer :(
ReplyDelete