Thursday, September 30, 2010

lies and controversies


sorry ah pero mag e-emo na naman ako. but i promise last post ko na toh about kay ivan gusto ko lang talaga i-share dahil hindi ko talaga maintindihan.

anne: "na open ko sa kanya yung problem mo"

nakatingin lang ako sa kanya. walang reaksyon, walang emosyon

me: "oh anu?"

anne: "hindi naman daw sa umiiwas siya sayo....."

me: "eh anung ginagawa niya? lumalapit sa akin? eh hindi na nga ako nag e-exist sa kanya."

anne: "hindi"

me: "eh anu? kailangan niya ng space?!"

anne: "bakla ka patapusin mo muna ako."

me: "sorry naman, na carried away lang ako. oh anu na?"

anne: "teka lang iisipin ko muna, gusto ko kasi yung exact words yung sasabihin ko sayo."

tapos dakdak ako dakdak sa kanya. sa sobrang dami kong sinasabi hindi ko na maalala pa yung mga sinabi ko kaya hindi ko ma kwento.

me: "oh? anu na ang tagal naman oh. may pa suspense effect ka pa diyan"

anne: "teka lang iniisip ko pa, ang ingay mo kasi tumahimik ka kaya."

me: "ay sorry! eh kasi naman eh kinakabahan na ko ang tagal mo mag isip."

lumingon ako at tinignan ko siya. pagkakita ko sa kanya si ateh seryosong seryoso sa pag-iisip. naka kunot ang noo habang nakalagay ang kanyang dalawang daliri sa gilid ng ulo na para bang inuutusan ang utak na halukayin ang kinakailangang impormasyon at deadline na.

me: "oh anu na? hayaan mo na yun kahit wag ng exact words basta yung synonymous ang tagal eh naiinip na ko kinakabahan pa ko."

anne: "eh kasi sensitibong bagay toh kaya gusto ko exact pero sige. sabi niya hindi naman daw sa umiiwas siya sayo kaya lang....."

me: "kaya lang anu"

anne: "nakalimutan ko eh"

me: "anu ba yan! isipin mo! its a matter of life and death anu baaaaa!"

anne: "sabi niya hindi naman sa ganun na umiiwas siya kaya lang... kasi tinanung ko siya kung dahil ba sa mga sinasabi ng iba kaya siya umiiwas"

me: "tapos?"

anne: "sabi niya hindi naman daw kaya lang..... kung sa kanya lang okay lang yung mga tsismis wala siyang problema dun"

me: "oh tapos?"

anne: "ang iniisip niya kasi ikaw"

me: "ako? bakit?"

anne: "kasi daw...para daw wala na silang sinasabi sayo, wala daw wala ka ng marinig sa kanila siya na lang daw ang lalayo."

me: "ha?"

anne: "ayaw ka daw niya masaktan sa sinasabi ng iba kaya siya umiiwas."

me: "?"

anne: "ikaw lang daw ang iniisip niya kaya niya ginawa yun."

........

tumahimik kaming dalawa. napa isip ako sa sinabi niya.. natulala, nag isip ng malalim. tumahik ako

anne: "russ okay ka lang?"

me: "ok lang ako anu ka ba hindi ko lang talaga maintindihan yung dahilan niya. anu yun! sinacrifice niya ung samahan namin because of tsismis?! it doesnt make any sense! parang ang babaw lang."

tumahimik siya at nakatingin lang sa akin na para bang pilit na inuunawa ang aking mga sinasabi.

me: "tas nung una sinasabi niya hindi daw siya umiiwas tapos nung huli... ganun din sinabi din niyang umiiwas siya. napaka contradicting nung statement niya at hindi ko maintindihan talaga."

kayo ba?! na gets niyo ba siya? kasi ako talaga hindi ko maunawaan kung bakit kailangan ipagpalit ang samahan kapalit ng dahil lang sa tsismis.

pagkatapos ng lahat bigla na lang siyang sumuko?

5 comments:

  1. ay naku ang tsismis talaga
    .
    .
    pasensya na hindi ko masasagot. wala pa kasi akong karanasan sa ganyan.
    .
    .
    am just here to listen and sympathize

    ReplyDelete
  2. magulo nga lang tlga siya,.
    but i think, it'll be better to talk things ng bonggang - bonggang one time lang..
    to set things up, to clear things out..

    ReplyDelete
  3. hala....mahal ka siguro nun...:))


    la lang, pinapakilig lng kita despite your confusion..haha

    ReplyDelete
  4. Over!!! Pa-apekto ang lolo mo sa chismis? Jusme.

    Hug na lang, friend. ;)

    ReplyDelete
  5. @desole: thanks ah

    @ceiboh: hindi ko alam kung panu siya kakausapin eh

    @toffer: salamat! kilig naman ako.. hihi

    @ronnie: thanks! i miss you gurl

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression