that's right! tama ang nabasa mo.. gusto ko nga adventure pero hindi yung adventure na isa akong prinsipe na magliligtas sa isang prinsesa si ginta na kawalan ng kagubatan o' kaya naman ay may masisirang space ship sa likod bahay namin tapos may mahahawakan akong isang bulalakaw sa loob nuon na magbibigay sa aking ng isang kapangyarihan na magliligtas sa mga taong hindi nakapanuod ng unang episode ng season2 ng glee or mag aahon sa kahirapan ng pilipinas pagkatapos ay patatakbuhin akong presidente then pagnanalo ako may whistle blower na magsasabing isa akong bading then magagalit ang mga maralita dahil nandaya ako tapos papatalsikin niyo ako.may mga mag ra-rally na naman at tatambay sa edsa, gagawa ng ingay... may mga magco-concert, may mga magtitinda ng mga ibong may ibat-ibang kulay , susunugin ang litrato ko tapos sabay sabay na sisigaw ng "patalsikin ang hitad sa baler"
Sa totoo lang, hindi naman talaga "adventure" ang hanap ko dahil kung adventure lang din naman eh di sana hindi na ako pumasok sa opisina araw araw tapos matatanggal ako sa trabaho then wala na akong pera habang sunud-sunod na bills naman ang pinapadala sa akin ng credit card ko. oh di ba' kakaibang adventure yun.
Sarili ko ang gusto kong hanapin. nitong mga nakaraang buwan hindi maganda ang mga nangyayari sa akin. puro maling desisiyon ang mga nagagawa ko, wala akong kumpiyansa sa sarili, napaka INSEKYORA sa ibang tao lalong lalo na dun sa may mga magagandang katawan tas ang ta-tangkad. kahit kelan kasi hindi ko nagustuhan ang sarili ko i mean hindi na ako nakuntento sa sarili ko puro na lang ako inggit wala naman akong ginagawa para gumanda ang katawan ko puro salita lang wala sa gawa at higit sa lahat..........
STRESSED OUT na ko sa trabaho ko. tinatamad na akong pumasok araw-araw lagi akong late hindi na ako productive ang baba na ng stats ko sa work. hindi na rin ako nag e-enjoy sa work (kung hindi lang dahil sa mga gwapo sa floor matagal na kong nag resign) at dahil nga lagi akong late, nito lang ay nabigyan ako ng final written warning ng supervisor ko. sabi niya isang late na lang ako terminated na ko. tegi boom boom na ang lola mo. ibig sabihin isang pagkakamali ko lang kahit isang minuto lang julie vega na akess! tegi na! wit na travaho si ateh!
dahil diyan..... napag isip isip kong mag bakasyon muna. gusto ko sana this november. gusto ko din yung tatawid ako ng isla, hindi lang yun gusto ko yung pupuntahan ko yung hindi pa naririnig ng ibang tao. yung tipong pag nagtanung sila
"saan ka nagbakasyon?"
"sa .............."
"saan yun?"
sabi nga ng officemate ko "eh di magpunta ka sa spratley"
infairness naman sa kanya natanung ko nga siya ng "saan yun?"
ang astig siguro nun, feeling ko tuloy ako pa lang nakakapunta dun. yung mga ganung bagay ba. tapos ako lang mag isa. walang kasama or kung meron man gusto ko yung totally stranger.
not literally naman na "stranger" baka naman ma-salvage ako nun takot akess! yung tipong kilala ko pero hindi naman kami close ganun.kunwari reader or follower ko dito sa blog (nagpaparinig?) tapos dun ko lang siya makikilala then a new relationship will born whatever it may be. tarush! tamang tama wala kaming pasok sa Nov.25 since thanksgiving sa US.
the problem is...... takot ako. ang dami kong agam agam
baka mawala ako
baka maligaw ako
baka hindi na ako makabalik
baka manakawan ako
san ako titira?
san ako gigimik?
anung gagawin ko dun?
baka ma bore lang ako
baka wala namang magandang mangyari sa akin dun
baka
baka
baka
puro na lang ako baka
basta! marami akong kinatatakutan kaya nag da-dalawang isip ako kung itutuloy ko pa
pero kung hindi ko naman itutuloy....... baka ma-baliw na ako niyan teh! gusto ko muna lumayo sa manila nakaka-stress.
So,
may maisu-suggest ka ba?
saan?
may mga murang hotels or inn ba dun?
may gimikan?
maganda ba dun?
malinis?
safe?
walang NPA, hostage taker or abu sayaff?
maraming gwapo?
No comments:
Post a Comment
Exercise your freedom of expression