Monday, June 25, 2012

Wala na si Sebastian

Inside Obar Ortigas:

"nasa mini stop daw sila tara puntahan natin sila dun"

kung hindi ka pa nakakpunta sa Obar (gay club) ortigas lemme give you a short description nung itsura ng lugar na iyon. normal na bar lang naman ang itsura niya bukod sa may ledge sa taas kung saan ka makakakita ng mga topless na lalaking sumasayaw. may stage sa harap at likod ng bar kung saan mo makikita mag perform ang drag queens kung hindi naman eh mga naka topless uli na lalaking sumasayaw. pahaba ang itsura ng Obar sa ortigas... eto na nga lang ang drawing ko tignan niyo



Kung pagmamasdan hindi dapat ito pinayagan magbukas ng munisipyo ng pasig eh dahil iisa lang ang labasan nito ewan ko ha pero wala ata silang fire exit. So kung magkaroon man ng sunog sa loob hindi imposibleng hindi maulit ang nangyari sa Ozone disco. Anyway, tatlong beses pa lang akong nakakapunta dito sa Obar ortigas at laging puno ang club na ito. siksikan to death yung tipong body to body talaga ang dikitan hindi ka makakakita ng free space dito at since pahaba nga ang Obar at nasa dulo ang entrance/exit nito... ang epekto lahat ng sulok sa loob ng bar daanan. Oh kahit saan ka tumayo o pumwesto diyan sa loob lahat yan dinadaanan ng mga beki. So anung pwedeng mangyari kung daanan siya? isa lang... pwede ka madukutan ng hindi mo nalalaman kung sino. 

Anyway, eto na nga.. palabas kami ng mga kaibigan ko. nauna silang naglakad papunta sa exit ako ang nasa dulo ng linya namin.

lakad..... lakad.... siksik.... siksik... excuse me.... excuse me... excuse me.... 

and then..... I was stucked in the middle. hindi ako makaalis.. 

(Kami yung mga blue dots. ako yung naiwan sa gitna)

Hindi ako makaalis sa gitna dahil ayaw ako padaanin ng mga beki. Eh ayaw ko naman sila bungguin baka mapaaway pa ko ng sabunutan sa loob ng bar at ma ban pa ko dun. Malaking iskandalo yun at ayaw ko ng ganoong eksena. So habang paulit ulit akong nag "excuse me" sa mga beki eh may kung anung bagay na tumutusok sa likod.. ay! alam na! si koya kunwaring nakikisabay sa indak ng tugtog eh yun naman pala ang crotch hinihimas himas sa likod ko.... eeeee ako'y natuwa, nagalak, natukso at nabighani sa laki ayun nakisabay din ako ng indak. mga 5 minutes din kami sa ganoong eksena. 


Tapos umikot siya, umikot din ako so imbes na sa bar area kami nakaharap nasa stage sa likod na kami nakaharap siya na yung nasa harap ko then bigla ko naisip mga kabigan ko kasi baka hinahanap na nila ako so umalis na ako palabas. 

Ang laki pa ng ngiti ng beki sa mukha dahil naka i-score siya..

ang di niya alam.....

siya pala ang na iskoran.

pagkapa sa bulsa..

poof!

ayun! wala na ang blackberry phone ng beki.

Makikita mo kong paikot ikot sa home depot na parang si sisa hinahanap hanap ang kanyang mga anak. 

Lost and wasted ang itusra. namumutla, nanginginig at malakas ang tibok ng puso.

Una kong naisip... 

twitter account ko. hindi na kasi ako nag sa-sign out doon sa baka guluhin niya ang account ko.
Pictures. yung mga memorable na shots wala na
Videos and porns. wala naman akong scandal doon pero yung mga videos ng mga kalokohan namin.
Contacts. Wala akong back up files ng lahat ng contacts ko.
Mark joe. Part two ng last part ng interview ko sa kanya doon naka save
Voice Notes. lahat ng voice notes ni B sa akin. yung mga recorded songs na kinanta niya sa akin.
at higit sa lahat
Screen Shot. Screen shot ng pictures ni bao bao at lahat ng DM at txt niya sa akin.

haaay! ang dami kong regrets! sana ganito sana ganyan. sana di ko na lang dinala phone ko, sana di na lang ako nagpadala sa crotch ni kuya, sana inabangan ko siya sa pinto. at maraming pang sana.... Actually, mga 10-15mins after kong malaman yun bumalik pa ko sa loob inikot ikot ang bar pero hindi ko na siya makita. Ini-report ko pa ito sa mga bouncer pero halatang unwilling sila akong tulungan may description naman ako ng damit ni kuya red long sleeves plads pero hindi nila ako pinakinggan. Nung mga panahon na yon feeling ko nadugas ako ng universe. pinaghirapan ko kasi yun bago ko nabili. hindi siya postpaid phone eh at hindi ko din siya binili sa tiangge or greenhills. Sa Megamall ko siya binili eh alam niyo naman ang price difference nun di ba?

Oh well, nangyari na... ang pino-problema ko na lang eh etong pasulpot sulpot na Post traumatic stress syndorme na nararamdam ko. paulit ulit na nag fa-flashback yung nangyari sa akin, tas bigla akong magpa-palpitate at ma a-anxious ng sobra. konting tremors sa kamay ganyan tas biglang mawawala tas maya maya babalik uli though nilalabanan ko naman kaya lang  wala akong makausap eh. Ang alam ko kasi psychotherapy lang ang katapat nito. psychotherapy yung may makikinig lang sayo ganyan.

Kung sa tingin niyo OA ang response ko sa nangyari eh malamang sanay kayong nananakawan o naduduga ng tao ako kasi hindi eh.



14 comments:

  1. sorry to hear that, nareport mo na sa pulis? in my case i hate crowds kasi sure madudukutan ka. ingat next time

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks dad. di na ko nag report sa pulis I dont think na may magagawa pa sila

      Delete
  2. Charge to experience. Kailangan talagang valuable sayo ang mawala para sa sunod eh maging alerto at maingat ka na sa mga tao sa paligid mo kahit nasan ka man. Sabi nga diba, “Ang mundo ay isang malaking Quiapo! Maraming snatcher! Maaagawan ka!" hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. im always vigilant sa cellphone ko at that time nawala ang attention ko sa phone ko kaya ayun.. poof!

      Delete
  3. Hindi ka OA. Ganyan din naramdaman kong sa 4 na beses kong manakawan. di ka talaga masasanay. mapaparanoid ka lang. pahinga ka lang. :D

    ReplyDelete
  4. OMG! Parang yung nangyari rin sa friend ni Little Nikki as per his latest blog entry. Nadukutan naman ng wallet sa O Bar. And ganun din, walang paki-alam daw yung security/bouncers sa nangyari. They should protect their patrons. Kaya lumalakas ang loob ng mga kawatan. Haaayyy.... masakit nga yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. O bar ortigas din? I think yung mga bouncers dun should do something about it

      Delete
  5. one of my friends lost his wallet when we went there last friday. i think they need to screen the people coming in. tsk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa ortigas din? oo nga dapat they should do something about it hindi yung pera pera na lang ang labanan

      Delete
  6. just make pa pose na medyo supladito.... para then dont bring fones na lang... o kung merun ung mga old na lang para di gaanong kasakit pagnawalan...
    t c always...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay girl! alam mo naman hindi ako ganyan.. haha! asan na ang number mo at papaturo nga ako mag gitara

      Delete
  7. shock nku sayang nku nku sad to hear that peo atleast sa ganyn parran nawala indi ung marahas pa diba nku nku ingat lng palage

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh.. pero sana binigay man lang niya yung sim card at mem card. hahaaha!

      Delete

Exercise your freedom of expression