"mama always said, life was like a box of chocolates. you never know what you're gonna get."
Down ang system sa office kaya lahat kami naka tunganga sa mga monitor naming.
Naghahanap ng kung anu mang pwedeng kaaliwan. Yung iba nag ku-kwentuhan, yung may access sa fb nag fb na lang yung iba naman natulog na lang or nag youtube.
Ako?
Gusto ko sanang gamiting yung opportunity para makapag post ako ng bagong entry. Ang problema, wala naman akong ma isip na i-blog. Wala talaga akong mapiga sa isip ko na i-blog kaya nag back read na lang ako sa sarili kong blog. Inumpisahan ko ang pagbabasa para sa unang buwan ng taong ito—January.
naisip ko..
nagawa ko ba yung mga balak kong gawin this 2011?
Let’s see…
Una sa forecast ko
1. Mag resign
Nag resign ako sa dati kong work noong February nakahanap ako agad ng malilipatan ng march. So far, hindi ko naman pinagsisisihan ang paglipat ko ng company. Alam kong hindi ako nagkamali sa desisyon ko yun nga lang, kung meron man akong dapat pagsisihan yun yong iwan ko ang mga kaibigan ko sa dati kong work. Na mi-miss ko na sila sobra! Iba pa rin talaga sila compared sa mga bago kong friends dito.
2. Manuod ng sine mag-isa
Hindi ko pa rin nasusubukang manuod ng sine mag-isa. Hindi ko alam simula ng lumipat ako ng
Work parang lagi na lang akong kulang sa oras. Lagi na lang akong maraming ginagawa. Lagi na
Lang akong busy tsaka parang natatakot pa din ako manuod mag isa baka sabihin ng mga tao
Ang weird ko.
3. Mangibang isla.
Hindi ko pa din nagagawang mag punta sa ibang isla. Pag sinabi kong mangibang isla yun yung lalabas ako ng Luzon maaring magpunta ako sa visayas or Mindanao. Hindi ko pa siya nagagawa dahil nag exceed na ang credit limit ko sa credit card at ayokong makipagsapalaran. Control freak ako eh.
4. Gym
Wahahaha! No comment. Maybe kayak o di pa siya nagagawa dahil I wanna do it for the wrong reasons. Kung babasahin niyo ang sabi ko gusto ko mag gym para magkaroon ng pak na boyfriend ayan tuloy na pak tuloy ang plano ko.
5. Passbook at magtipid.
Ito na ata ang never kong magagawa at pinaka malaking challenge para sa akin.
Paano ka makakapag ipon kung ikaw ay isang impulsive buyer?
6. No more drama
Nagawa ko naman siya mga ilang months din. Naging Masaya ako kahit single ako. Naging Masaya ako kahit alam kong wala akong special someone. Pero kahit anung gawin ko hindi talaga mawawala ang drama sa buhay. Kaya ko naman maging Masaya kahit single ako kaya lang at the end of the day after going to a wild party you still wish na sana may nag iintay sayo sa oag uwi mo. I guess hindi talaga mawawala ang drama sa buhay ng tao kasi nga tao tayo.
“yeah you bleed just to know you’re alive”
Isa lang ang na realize ko, mas challenging kung spontaneous ka sa buhay. Yung walang plano, yung go with the flow lang, yung care free lang, yung ine-enjoy mo lang yung life’s surprises kasi life is full of mysteries.

Masaya naman na may konting drama sa buhay! Haha. Alam na alam ko yan. :) Isabay mo na sa drama ang panunuod ng movie mag-isa. Okay lang naman. Gawain ko yan eh. Kebs kung sabihan na weirdo no. May pambayad ako, at yun ang importante. Bili ka ng maraming food tapos enjoy mo lang 'yung movie. Pero huwag kang manunuofd ng rom-com ro romantic movie mag-isa. 'Yun ang malungkot tapos makikita mo pa, puro lovers sa paligid. Bawal ang suicide. :D
ReplyDeleteyeah better go with the flow. :D
ReplyDelete@drama king: thanks sa advices.. feeling ko magkakasundo tayo sa mga drama drama na yan.. kaya lang sinasabihan na din ako ng mga friends ko na wag masyado maging ma drama. ayaw nila yun eh
ReplyDelete@green: kaya nga nag go with the flow ako sayo eh.. Hahaha!
agree ako dyan! life is so much fun if we just bend with where the air goes ^_^ sometimes, things planned makes one frustrated when not done!
ReplyDelete*hush, hush*
Sana mas matutunan mo na maging mas masaya kahit single. It's just one aspect of our life. Hindi nga mawawala ang drama sa buhay pero ang dami pang pwedeng pagka-abalahan bukod sa lablyf.
ReplyDelete.
.
I suggest you do spontaneous travelling as it worked a lot for me. Pamper yourself. Surround yourself with beautiful and intelligent people. Read books. Nurture your spirituality and exercise a lot!
.
.
Pansin ko lang masyado na kasing emo ang mga latest entries mo. 'Di man ako nagko-comment pero binabasa ko naman sila. Lagi mong isipin na you deserve to be happy and you will be. ;D
sa call center pagdown ang internet or offline, parang may fiesta puro palakpakan, sigawan at may mga nagsasayaw pang agents hihihi.
ReplyDeletetama ako, weird nga ako kasi in my case masgusto ko manood ng sine na magisa lang hihhihi
i strongly feel for #5. everyone should learn how to save. :)
ReplyDelete@hush hush: kaya ako ng nagpa-plano eh feeling ko di ako maka kilos. kaya di rin ako nagpapa appointment kapag nagpapa gupit feeling ko nasasakal ako.
ReplyDelete@DB: aaaawww! salamat ah! kala ko nakalimutan mo na ako! uu nga puro na lang emo ang mga entries ko kaya nga nahihiya na ako sa inyo eh... thanks ah. anjan ka pa pala
@lonewolf: pananaw ko lang naman yun.. and yung name mo? halatang nanunuod ka nga mag isa.. haha!
@leo: mahirap mag ipon kapag impulsive ka kagaya ko!