Karamihan sa mga nababasa kong blog, napapansin kong hindi mawawala ang pag e-enumerate ng Mga makatotohanang bagay tungkol sa kanila. Sabi naman ni Mo twister sa radio program niyang “good times with Mo”Never ever blog something about yourself daw. Ewan ko, pero siguro para sa mga artista lang applicable yun. Eh hindi naman ako artista. Celebrity lang ako sa mundong aking ginagalawan gaya sa office, bahay or with friends. LATIK! Keme latik ko lang yun.. haha!
10. I don’t eat pepperoni
- kasing tunog niya ang kipay kaya hindi ako kumakain niyan. totoo po yan. Hindi talaga ako kumakain ng pepperoni kaya kung lalabas tayo at balak niyong kumain ng pizza wag po mag order ng pepperoni ah. Pwede mo ako bigyan pero tatanggalin ko yung toppings.. hehe!
9. Beach
-takot ako lumangoy sa beach. Marunong ako lumangoy pero feeling ko kasi may kung anu-anong lamang dagat ang humihipo sa legs ko. Nakakadiri. Napaparanoid ako. Feeling ko din bigla na lang may ka-kagat o hihila sa mala porselana kong legs. Ay wit! Wiz kong ma ke-keri ma damage ang biyas ko!
8. beckimon
-gaya ni Jason *nishiboy* hindi rin ako marunong mag gay lingo. Alam ko yung basics pero hindi ako near native speaker. Hindi ako fluent. Wala akong accent, panget ang intonation, wrong choice of words at laging wrong grammar. Sabi nga ng mga officemates ko hindi daw ako bakla nagpapanggap lang daw ako para makakakuha ng kipay. Hay naku! Aanhin ko naman ang kipay noh! Itatahi ko sakin? Madalas din pinag tatawanan ako ng mga becky officemates ko kasi tanung ako ng tanung kung anu ba meaning nun. Muka tuloy akong tanga sa kanila. Frustrated akong matuto ng salitang pang beki kaya lang ayaw talaga eh at hindi bagay sa akin. halatang trying hard mag gay lingo. Kahit anung pilit ko hindi ko talaga kaya maging fluent.
Note:
Yung gay lingo na ginamit ko sa number 9, isang oras kong pinag isipan yan. Nagtanung tanung pa ako sa mga officemate ko para sa nararapat na term.
7. DRUM
-biggest frustration ko ang matutunan patugtugin ang drums. Sobrang naiinggit ako sa mga taong marunong at kasundo ang mga musical instruments. Sinubukan ko dati mag aral ng gitara pero ayaw sakin. Hindi niya gusto ang pagtapik ko sa kanya.
Pero someday, mapag aaralan ko din gamitin ang drums.. kahit beatbox lang Masaya na ko. Beatbox na instrument hindi yung pang rap ha. Kaloka!
6. LAKAD
-ayaw na ayaw kong naglalakad. I swear! Kaya hindi mo ko masyadong makikita at madadala sa MOA at SM megamall. Megamall ang pinaka malapit na mall sa amin as in 15 mins walang traffic andun na ako pero ayoko magpunta dun. Hindi ko feel. Hindi ko feel mag walkathon. Pero sumali ako sa 10.10.10 haha! Hindi… para naman kasi yun kay mother nature kaya kebs lang.
5. ALTERNATIVE ROCK
- Mahilig po ako sa mga alternative rock music at banda. Kagaya nila The script, The calling, Incubus, Urbandub, Maroon 5 (pero di maxado). Madalas ko din silang kantahin si videoke. Kaya lang pag kinakanta ko sila kasama ang mge beki friends ko naloloka sila! Di naman daw ako lalake. Eh anung magagawa ko sa ganoong genre bumabagay ang boses ko. Sinubukan ko magpaka rnb at soul kaya lang ang chaka! Di ko bet! Wiz!
4. BORING
-Boring ako kasama kung kaka-kilala pa lang naitn. Mahiyain kasi akong tao. Isang tanong isang sagot. Minsan kasi hindi ko din alam kung panu magre-react sa sinasabi sa akin. Minsan naman hindi ko alam kung panu magsisimula ng conversation. Minsan naman nakapag open na ako ng topic ang problema naman hindi ko na alam kung anung susunod na sasabihin ko. But im working on it…. Ayaw ko ng mawalan ng ka date dahil diyan. Haha! LOL!
3. COFFEE
-Tatlong klase lang ng beverage ang iniinom ko sa starbucks. Mocha frappe, Chocolate cream chip tsaka green tea frappe. Yun lang. takot akong i-try yung iba kasi baka hindi ko magustuhan saying lang. katulad nung sinubukan kong inumin yung caramel macchiato. Na saying lang.
2. IMPULSIVE
-Impulsive ako sa lahat ng aspeto sa buhay. mapa love, career or kahit sa simpleng pagbili ng mga bagay bagay. According to my friends, grabehan daw ako magmahal. Ewan ko…. Siguro… o.. ganun lang talaga ako magmahal. sa career naman, grabehan din mag desisyon. bigla-biglaan. nung nag resign nga ako sa APS (Aegis People Support) nag lunch (pero midnight na yun, since we're following yung oras sa US) so ayun na nga nag lunch lang ako at nag yosi pagbalik ko sinabihan ko na agad yung supervisor ko na magre-resign na ako. immediate resignation ang drama ng lola niyo at nagulantang ang madlang people sa desisyon ko. ang ending, hindi ako pinayagan ng manager (magaling daw kasi ako) gusto niya mag render muna ako ng 30 days. kaya ayun.
1. KNOWING
-Hindi ko pa masyadong kilala ang sarili ko. As a matter of fact, almost 4 days kong inisip kung anu ang ilalagay ko dito. Pero… magandang exercise na rin toh para sa akin para mas makilala ko ang sarili ko. Nakakatulong din sa akin ang pagba-blog para mas makilala ko ang sarili ko.

naku naman,, i so love the caramel macchiato naman!!! ahahahah
ReplyDelete12. di ka mahiyain- kasi halos lahat ng nakilala natin eh kinausap mo at kinulit mo. hahahhaa
ReplyDelete11. ayaw mo sa boobs ko. - choosy ka pa. ikaw na nilalapitan, ikaw pang may ayaw. HAHAHAH! pero pag alis ko at nakahiga na ko pinapatungan mo naman ako! nakakaloka ka bakla!
ReplyDelete