Tuesday, May 10, 2011

bekimon 102



Nakaka 2 buwan na din ako dito sa bago kong work. Nakapag adjust adjust na din ako. Natutunan ko na din ang makisalamuha sa iba. Sa ibat ibang tao. Natutunan ko na din ang makisama sa kanila. Sa ibat ibang uri at antas ng tao. Pati na rin sa mga personalidad nila nakapag adjust na din ako. Sa mga average, mayaman, mahirap, nagpapanggap na mayaman, nagpapanggap na magaling, matatanda, bata, at hindi gaanong bata. Straight, Tivoli, nanay, tatay at sa mga bading. Sa 2 buwan ko dito isa lang ang nalaman kong kinatutuwaan ko. yan ay ang gay lingo na ginagamit ng mga kabaklaan dito sa floor. Noon una hindi ko sila maintindihan, mukha pa nga akong tanga na tanung ng tanung kung anu ibig sabihin nun.

Siya nga pala, beckimon 102 ang title ng blog post na to kasi nakapag post na ako ng blog tungkol sa gay lingo noon. Yung bekimon 101 na pinagbibidahan ni bekimon himself. Para sa mga hindi nakakakilala sa kanya si bekimon po ay isang youtube sensation. Sumikat dahil sa paggamit niya ng salitang pang beki. Nasama siya sa casting ng “Juanita banana” at ngayo’y kung di ako nagkakamali ay nasa “umagang kay ganda” na rin siya.

Heto ang ilan sa mga salitang aking natutunan:

1. damitrax (n.)– damit/clothes
2. keme latik (n./v.)- echos lang/joke
3. palaka (adj.)- echosera/liar
4. gulay (n./adj.)- she male/transvestite/cross dresser
5. bisikleta (n./adj.)- paminta/ pa-men/bisexual
6. Triumph (v.) - try
7. kyubasan (v.) - orgasm
8. Ping lacson sa senado (adverb) - tamuh! (kailangang banggitin with conviction)
9. ansha (adj.)- tek tek
10. chanda romero (n.)- tiyan/tummy
11. pilong (adj.) - walang buhok sa kili-kili
12. baila (v.) - buy
13. payas (v.) - bayad/pay
14. bayas (v.) - masturbation/self pleasure
15. kabanatuan (adj.) - kaba
16. kantusha (v.) - sex/sexual intercourse
17. Ansha (adj.) - baliw/insane
18. freaky feriols (adj.) - freaky
19. tara banks (v.) - tara na!/let’s go
20. metring (n.) – penis/male organ
21. kipay/ kipelya (n.) – female organ/ vagina

Laging tandaan: ang paggamit ng salitang bekimon ay makakadagdag aliw at kulay sa pangungusap. Kaya’t gamitin ng tama.

Isagawa, isa-buhay at ipalaganap!

7 comments:

  1. infairness naaliw ako dito sa list mo! nakakatawa yun bisikleta,kyubasan at kantusha!waging wagi!!!

    ReplyDelete
  2. BET!

    Ang kemelatik sa Becks, naging Cocolatik haha.

    PING LACSON sa senado! :))

    ReplyDelete
  3. @mac callister: ako din.. hehe!

    @ronnie: aliw na aliw ka tlga sa keme latik na yan!

    ReplyDelete
  4. Mas nakakaaliw yung picture, Parang I-6 batch 2001 HAHAAHAH

    ReplyDelete
  5. bakla ka! i miss youuu! ang alam ko lang ditey is 'ANSHA, Kipay, bayas, at metring. marami pa pala. naririnig ko lang din sa iba kong gay friends. HAHAHAHH :p

    ReplyDelete
  6. have you read the books of louie cano? naalala ko lang yung mga books nya with this post. hehe. ^_^

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression