Sunday, December 19, 2010

elevator

Nung isang araw papasok ako sa office, nakasabay ko sa elevator si alex anselmuccio.

nakikilala niyo pa ba siya?


naalala niyo na ba? dating PBB teen edition plus na housemate. yung tinuli sa loob ng bahay ni kuya.


ka-love team niya si beauty. ka-batch niya sina robi and ejay falcon.

eto na yung kuwento... so nag iintay na nga ako sa tapat ng elevator......


                                                                  
ayos ayos ng buhok.... lipat lipat ng songs sa ipod.. tas biglang pumasok itong si alex sa area tapat ng mga elevators.

(sa office kasi, may glass door kang papasukan.... sa loob nun yung 3 elevator. so para siyang enclosed area na ang makikita mo lang sa loob ay mga elevators. getchikolames?)

aaay! na windang akez... hindi ko ine-expect na may magandang lahi akong makikita sa tabi ko. pero pa-demure lang ang lola mo. pareho kaming artista kaya dapat kebs lang. chos!

straight lang ang tingin ko sa door ng elevator still waiting pero ang aking peripheral views...uhm! bakla! gumagana! winur sa pagtitig gamit ang peripheral view..

*actually lagi ko naman siyang nakikita sa office eh naun lang ako nagkaroon ng close encounter sa kanya*

pero pa-demure pa din ang lola mo, kunwari normal na tao lang siya... pero anteh! ang gwapo niya.
kung nagtagal pa kami doon ng ilang oras siguro lumuhod na ako sa tapat niya... chos! ang laki ng katawan hindi na siya mukhang totoy, ang puti puti walang pores tas ang dibdib pumuputok jusko! ang tangkad pa tas may sideburns siyyeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!

ting!


ayan na... dumating na yung elevator. i mean nasa ground floor na. eh di pumasok na akez, pumasok na din yung iba at si alex. mga 7 kami sa loob ng elevator.

4th floor ang destinasyon ko siya sa 3rd floor.

.......
.......
.......
.......
.......
.......

ting! welcome to 3rd floor!


sabi ng elevator.

ay! sosyal.. umeksena pa tong lift na toh.. tse!

naunang lumabas yung mga normal na tao... naiwan kami ni alex sa loob.
alam kong dun ang baba niya kaya pinindot ko yung button para mag stay open yung door.


hindi ko lama kung anung nangyari pero biglang nag akmang sasara ang door.. aaayyy! si alex maiipit.

hinarang niya yung buong braso niya para ma-sensor then hindi mag close yung door

tas..................

lumingon sa akin ang sama ng tingin.

ako naman kebs lang.. dedma effect!

pero sa loob loob ko..

jusko! ang gwapo mo talaga!

patikim naman... nyahahahaha!

******

di ko alam kung anu nangyari pero sa pagkaka alam ko tama naman yung button na pinindot ko

nu ba yan! nakakahiya sobra!

*******

by the way, magand ang nangyayari sa akin kahit broke na akez.. kinikilig na namn ako! hahaha

mukhang magiging maganda ang xmas ko mga parekoy!

8 comments:

  1. sana natuluyang maipit. ahehehe :P

    ayan kaw kasi ano ano iniisip e. hehe

    ReplyDelete
  2. ahahaha..

    or sana, tinulak mu na lang para ndi na maipit.. hehehe

    ReplyDelete
  3. hahaha. na-starstruck si rus oh! hahahaha. :P

    ReplyDelete
  4. @doc ced: i cant help it eh.. haha!

    @ceiboh: sana hinatak ko palapit sa akin para nayakap ko..

    chos!

    @nimmy: hindi ah! siya ang na starstruck sa akin

    chos!

    ReplyDelete
  5. hindi ko masyado naabsorb yung kwento. di ako naka move on dun sa tinuli sa loob ng pbb house.

    ReplyDelete
  6. @jason: nakasabay ko si alex sa elevator sa office nung palabas na siya.. malapit ng magsara yung door ng elevator kasi akala niya sinasarado ko. hinarang niya yung kamay niya para hindi sumara tas lumingon sa akin na nanlilisik ang mata.. ako naman dedma lang pero kilig na kilig kahit ang sama ng tingin sa akin..

    okay na? hehe!

    bakit di ka maka get over sa tuli?

    why why why why? hehe

    ReplyDelete
  7. natawa naman ako sa special mention na *pagtuli sa loob ng PBB house. lol

    ReplyDelete
  8. nakakatawa naman ito. I forwarded this blog post to Alex. I wonder what hes going to say :P

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression