“Sa guada-loyola ang burol, kita kits na lang tayo sa bahay namin mga 8pm.”
Yan ang txt sa akin ni ronnie kagabi nung madaling araw dec. 12 , 2010.
Last week pa lang, pinag uusapan na ng Grupo namin kung paano namin matutulungan ang high school ka-batch namin.
Nagtxt siya sa amin at nanghihingi ng tulong. Sabi niya ubos na daw ang savings nila dahil sa matagal na pagka-confine ng mommy niya sa hospital. May naso-pharengeal cancer stage 4 kasi ang nanay niya.
Nung una, christmas party ng becks ang pinaguusapan ng grupo sa txt ngunit nung nalaman namin ang tungkol sa kanya napag desisyonan namin na instead na mag exchange gift kami eh, mag aambag ambagan na lang kami para ibigay sa kanya. Ngayong linggo (dec.12 ,2010) dapat kami magkikita kita at pag usapan ang mga bagay bagay ngunit hindi pala iyon ang mapag uusapan namin.
Sunday ng madaling araw dec.12 nagtxt si ronnie at sinabing patay na daw ang mommy ng ka-batch/friend namin. Hindi ko siya ine-expect. Nagulat talaga ako sa ibinalita sa akin. Ang inaasahan kong pagtulong sa kanya ay nauwi sa pakikiramay. Ang inaasahan kong pag uusapang xmas party at ambagan ay nauwi sa pagpunta sa burol.
Now, im getting ready para magpunta doon sa burol. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko pagdating doon. Hindi ko alam kung anung reaksyon ang dapat. Awkward naman kung iiyak ako eh hindi ko naman na meet in person ang mommy niya. Ayokong maka offend at the same time gusto kong maramdaman niyang nakikiramay ako.
Naisip ko din…
Paano kung ako naman ang nasa sitwasyon niya?
Paano kung si mommy naman?
You see.. pareho kami ng pinagdadaanan ng ka-batch/friend namin. Parehong may sakit ang mommy namin nagkataon lang na mas nauna ang mommy niya.
Paano pag ako na?
Paano pag si mommy na?
Kakayanin ko ba?
“bakla, labas tayo…yosi tayo”
Tumango lang si Kelvin
Lumabas kami at naupo sa mahabang wooden chair sa tabi ng pinto papasok sa chapel. Dinukot ko ang Kalahating kaha ng Marlboro black sa bulsa kasama ang lighter. Sinindihan ko ang yosi at ibinuga ang usok….
lumutang ang putting usok sa harap namin,
“ang bigat ng pakiramdam ko sa loob eh.. hindi ko kaya”
“okay ka lang ba?” humithit ng yosi si Kelvin
“kamusta na pala mommy mo.” Sabay buga sa usok ng yosi.
“okay lang… okay lang naman siya pero alam mo yun… pareho kami ng sitwasyon eh. Parehong may sakit ang mommy namin.”
Huminga ako ng malalim
“nung Friday nagpunta sa amin si tin… nakita niya si mommy… pagdating namin sa kwarto ko tinanung niya ako.”
Nakatingin lang sa akin si Kelvin. Kitang kita ko sa mata niyang handa siyang makinig sa kung anu man ang sasabihin ko.
Humithit ako ng yosi….. inihanda ko ang sarili ko
“tinanung niya ako kung handa na daw ba ako… sabi ko mentally oo ready na ako, alam ko ang sitwasyon ni mommy nursing graduate ako kaya more or less alam ko na ang mangyayari sa kanya…”
Humithit uli ako ng yosi at ibinuga sa kawalan. Nakatingin pa din siya sa akin
“….pero emotionally?........ hindi siguro. Hindi ko alam kung anung gagawin ko.”
Tinaktak ko ang yosi para mahulog ang upos.. humithit uli at ibinuga
“ang payat payat na ni mommy, lahat na ng complications ng DM lumalabas na.. paghinawakan mo yung dibdib niya mararamdaman mo ang ribs niya…”
Humithit uli ako ng yosi at ibinuga
“na-aawa ako sa kanya at wala akong magawa.”
aw. i'll pray for your friend's mom. she's a better place now.
ReplyDeletei'll pray for your mom too russ. alagaan mo sya and show her how much you love her.
@doc ced: tnx..
ReplyDeletemagiging ok din ang lahat. cheer up. be positive palagi. pakita mo sa inyo na despite na nangyayari sa inyo, nakangiti kpa rin at handang hamunin ang mundo.
ReplyDelete