Friday, February 15, 2013

Kung inaakala mo




Hirap kasi gumawa ng surprise sa taong gusto mo pag milya ang layo niya sayo eh. Halos wala akong magawa o maisip para i-surpresa ka ngayong Valentines day.

Isa pa, alam kong may tampo ka sakin. Nag uusap nga tayo pero ramdam na ramdam ko yung lamig eh. Alam ko minsan talaga sumo-sobra yung pagiging seloso ko eh anung magagawa ko ang gwapo mo (Yihee!) at ang daming umaaligid sayo. Eh alam mo naman bao bao na seloso talaga ako eh kaya pag pasensyahan mo na ako kung paminsan minsan eh hindi ko makontrol ang pagseselos ko. Eh alam mo naman yung rason diyan kung bakit ako nag seselos pero  huwag kang mag alala. Dahil alam kong pinaka ayaw mo yung pagseselos at turn off sayo eh ginagawa ko ang lahat para baguhin yon. Sa katunayan nga paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na di dapat ako mag selos. Sabi mo nga noon trust and loyalty. Sa tuwing makakaramdam ako ng selos paulit ulit kong iniisip yan. Tsaka di naman lahat pinag seselosan ko dalawang tao lang naman sila. Kilala mo na yun kasi natanong ko na siya sayo dati eh *winks*

Sorry bao bao ah wag ka na magtampo sakin ah... Ngiti ka na please? :)

Anyway, hindi ko talaga alam kung anung gagawin ko para i-celebrate ang valentines kasama ka. Kaya dito na lang sana bilang dito tayo sa dimensyong ito nagkakilala.

Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang una kong naisip nung una kong narinig tong kantang to pramis. Tapos pinakinggan ko yung lyrics at inunawa ang mensahe ng kanta. Kaya heto hinimay himay ko ang lyrics ng kanta.




Verse:
Naalala ko paNung nililigawan pa lamang kita

Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti


Naalala mo ba yung pagnanakaw ko ng mga pic mo sa fb mo? Hehe! Tapos, di ba nagtxt pa ako sayo nun sabi ko grabe ka wala ka ng mata pag ngumingiti ka :)

At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo

Di ba noon nung wala ka pang work lagi tayong magkausap sa phone at magkausap sa YM. Yun ang nagmimistulang tagpuan natin. Yung portal sa telepono between you and me. Yun yung mga glorious days ko kasama ka (Metaphorically)

Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko

Ikaw kasi yung tipong hindi pala txt kung nasan ka at kung anung ginagawa mo tapos milya pa ang layo natin sa isat isa. Kung mapapansin mo noon hindi ko siya masakyan. Txt ako ng txt sayo halos lahat na lang ng ginagawa mo tinatanong ko pero ngayon, natutunan ko na siyang tanggapin na hindi ka ganon. Sinubukan ko siyang tanggapin dahil yun ka e. :)


Chorus: 
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Yung mga panahong naghiwalay tayo. Matagal tagal din yun. Ilang buwan din yun. Sabi ko babalik ako pag okay na ako.... kaya heto ako ngayon. Pilit ko pa din ipinapadama at pinapakita sayo ang nararamdaman ko. Alam mo na rin naman siguro na kaya kong maghintay. Basta para sayo

Verse: 
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin

Napagusapa natin to noon di ba. Yung nagpa-plano tayo pag lumipat ka na dito. Tapos sabi ko pa pupuntahan kita lagi sa inyo at dadalan ng pagkain since independent ka tapos ikaw sabi mo ihahatid mo ko sa office. 

Bridge: 
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi

Wala atang araw na hindi ko sayo naipadama ito. Ikaw lang naman tong may doubts pero naiintindihan ko :) sinubukan koing makipag date sa iba't ibang tao sabi mo kasi lumabas ako and see the world. however.... wala e. gravity always pulls me back to you. naks! Halos mag iisang taon na nga pala akong nanliligaw sayo :p

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig 
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko. 

Yan siguro ang mga dahilan kung bakit ikaw ang una kong naisip nung narinig ko ang kantang yan. Ikaw ang dinikta ng Dopamine and Norepinephrine ko. Ikaw ang binabanggit ng Commitment Neuromodulator ko. 

Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang unang pumasok sa isip ko. This is our story...

HAPPY VALENTINES DAY :)

*But wait.... There's more


6 comments:

Exercise your freedom of expression