Tuesday, September 4, 2012

Couch Potato


Wala kasi akong planong lakad noong saturday kaya friday pa lang ng umaga after shift eh bumili na ako ng mga dvds na pwede kong panuorin. Movie marathon ba, kaya nag semi couch potato ako nung saturday. Semi lang kasi wala kaming couch kaya hindi ako nakapg potato sa couch... char!

So ito ang aking medyo medyo movie review sa mga pinanood ko.

1. Avengers


Yiz! ngayon ko lang siya napanood. Ang loser ko noh? hahaha! keri lang kasi medyo dissappointed din ako sa movie na to eh. Dami nagsasabi maganda daw eh nung napanood ko di naman ako nagandahan. Ewan ko.. Parang may kulang kasi eh. Puno naman siya ng aksyon eh tsaka yung special effects niya... of course gawang hollywood kaya 5 star na agad ang special effects... pero yung story line? medyo kulang.. parang wala kasing twist eh o ganun lang talaga ang Avengers walang twist. Oh yung mga hard core fans diyan wag ma-imbey sa akin ha opinyon ko lang. Sorry Daddy Milch.. hehe! Ewan ko basta parang may kulang sa movie na toh. By the way, kamukha ni black widow si Clara. LOL!

Ratings:
Actors/Actresses Method of acting: 4 star
Visual Effects: 4 star
Editing: 4 star
Sound effects: 4 star
Plot: 3 star

2. Wrath of the Titans



Speaking of disappointments, Heto at medyo na disappoint din ako sa Wrath of the titans. Compared kasi sa part one yung Clash of the Titans mas maaksyon at mas mabigat ang story nung part one kesa dito. Parang may kulang din dito sa sequel niya eh. Parang minadali yung story. Ewan. May twist nga siya pero di naman ka-abog abog (May ganun bang term? haha!) I mean ang twist ng story bumait lang si Hades yun lang.. kulang. Kulang din sa excitement eh tsaka parang tumaba si Sam Worthington dito.. (As if it would affect the story.. hihi!) tsaka ang weak din ng method of acting ni Queen Andromeda. Matapang siya pero hindi nabigyan ng justice yung tapang niya.. kumbaga parang puro salita lang pero me as a viewer was not convinced na she was really a matapang queen. Mabilis ang story mabilis din ang movie kaya bitin. Kung ikukumpara mo din kasi sa Immortals, Ay dai! walang wala itey.

Ratings:
Actors/Actresses Method of acting: 3 star
Visual Effects: 4 star
Editing: 4 star
Sound effects: 4 star
Plot: 4 star


3. Rec 3 (Genesis)



Kung pamliyar ka sa trilogy na ito, malamang alam mo na din kung anung klaseng genre ng movie ito. Unang una ata nilabas yung "Rec" nito. Its a spanish movie pala by the way. So yung first film is entitled "Rec" na may Hollywood adaptation entitled "Quarantine". So this is the third part. Nga pala, This movie/trilogy used the hand-held-camera-actual-footage kind of style. Parang style na ginamit sa Cloverfield, Devil Inside at Blair witch project. However, etong part 3 na ito medyo hindi ganun ang style throughout the movie. Kung ikaw naman ay mahilig sa mga gory films. As in super gory films ay naku! dapat mong panuorin toh. da best ang prosthetics nito, excpet sa blood kasi malabnaw siya at medyo light yung color. parang food coloring lang ginamit sa kulay ng blood unlike sa the walking dead malapot at dark red ang color ng blood na  parang totoo. Pero kung yung prostethics nga.. ay naku! bilib na bilib ako. Grabe as in walang cut pinapakita talaga yung pag putol sa mga ulo tas sisirit pa yung dugo tapos yung dila kinagat tapos hinila palabas... ay grabe! visually entertaning. haha! Mas effective sana yung mga effects na yan kung ginamit pa din nila yung hand-held-camera-actual-footage style. Mas magmumuka siyang totoo. Nyway, sa story naman... diyan tayo babagsak. ANG KORNY! nakakainis! ang baduy! nakakairita! basta.. alam mo yung feeling na andun ka na eh, taas na nung energy mo, dalang dala ka na sa mga nangyayari sa movie tapos... tapos... tapos... gggrrr! Ang baduy kasi ang korny nung lovers. nakakainis! Melodramatic masyado. Tsaka mukang tanga lang yung pagputol niya sa gown niya.. sana nilahat na niya para mas astig sana ang dating.Masabi lang na nagpaka fierce siya for a second. Eto oh...


Pero bet ko ang acting ni ateng bida para siyang si Mila Jovovich sa Resident Evil 1.ang gwapo ng mga latino infairness. Crush ko yung Rafa.

Ratings:
Actors/Actresses Method of acting: 3.5 star
Visual Effects: 4 star
Editing: 4 star
Sound effects: 4 star
Plot: 3.5 star


4. The Girl with the Dragon Tattoo



Talk about great story and great acting, this movie nailed it! I was convinced the whole time i'm watching it sa character ni Rooney Mara. She was awesome grabe! tas idagdag mo pa si Daniel Craig... two thumbs up for this movie. No dull moments. Throughout the movie talagang mapapaisip ka.... kakaiba din ang twist. This movie uses a lot of elements that made it very mysterious. Yung color themes/cinematography in every scenes talaga naman nakakadagdag sa emotions sa isang eksena. Yung pagkakalapat ng mysteries sa kwento, yung music, yung editing.. lahat na. Kaya naman marami din silang nakuhang award. Can wait to see the sequel "The girl who played with the fire". Ang sexy din ng movie dahil sa couple of bed scenes nila Daniel Craig at Rooney. May mga disturbing scenes din na nakaka trauma din.. pero all in all, Maganda siya. wala na kong masabi.. haha!

Ratings:
Actors/Actresses Method of acting: 5 star
Visual Effects: 4 star
Editing: 4 star
Sound effects: 4 star
Plot: 5 star

Next is Season 3 ng The walking Dead... Here's the trailer



Kaabang abang noh? Sabi sa Wiki premiere daw niya sa October 14, 2012 so maybe a week after siya ipapalabas dito. Mukang exciting siya.. Sana nga kasi yung season 2 medyo madaming boring parts eh dahil sa shonga shongang si Sophia. di man lang marunong sumunod sa instructions sa kanya kaya buong season 2 siya ang bida.. kairitang bata! Nga pala, sana wala ng ma tsugi sa kanila kasi sa trailer parang make-keme si Maggie eh wawa naman si Glenn crush ko pa naman siya. Base din sa mga nabasa ko eh si Daryll na ata ang magiging "right hand" ni Rick since naging walker na si Shane. Si Daryll na naging Judas sa Music video ni Lady gaga "Judas".

Nonetheless, aabangan ko tong season 3 na to.

18 comments:

  1. Yung no. 4 yata ang nagwagi. Dahil dyan sa comment mo papanoorin ko yan. Sana lang may mahanap ako dito. Mukhang attractive ang poster ng Rec 3 may kasalan portion. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu noh may mahahanap ka niyan.. maganda dali panoorin mo abangan mo yung mga bed scenes ah.. hehe

      Delete
  2. Some of your choices ok ako.. I like dragon tattoo na babaetang yan!

    ReplyDelete
  3. I like batman the dark knight rises more than avengers. DC ako eh di marvel.
    haay sana matuloy yung justice league movie pantapat ng DC sa Avengers

    ReplyDelete
  4. Wala akong kwentang movie buff kasi kahit isa diyan ay wala pa akong napanuod! bwahahaha

    ReplyDelete
  5. The thing with movies 1 and 2 is that they're too much packed with special effects. It's like porn- 98% action and 2% acting and story, only that in porn the 2% acting is really bad, and here, the 2% acting and story is good.

    I'd still go for movie number 4 kahit hindi ko pa rin napanood. I read the book. A masterpiece of a genius.

    The image of Rec 2 reminds me of Korean movie Sympathy for Lady Vengeance. Wala lang. Hehehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa naman ako sa analogy mo pero may point ka

      Delete
  6. avengers p lng napanuod ko dito marvel fanatic ako kya love na love ko yun hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nah.. di ko nagustuhan buti di ko pinanood sa movie house

      Delete
  7. wala pa akong napapanuod sa mga nabanggit di naman kasi ako movie buff. pero thumbs up ako sa movie review mo. critic kung critic. ikaw na!=D

    ReplyDelete
  8. The Girl with the Dragon Tattoo ang inaabanagn ko sa SM (suking muslim) hehe.

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression