Friday, January 27, 2012

tattoo

share ko lang.

Noong una ang sabi ko kahit kailan hindi ako magpapa tattoo. ayaw na ayaw ko nga sa mga may tattoo *except lang dun sa malilitt na tattoo* lalo na yung mararami at malalaki. yung tipong ginawa nang scratch paper ang katawan nila. then medyo na a-aapreciate ko na din siya ngayon. hindi lang siya basta guhit o larawan sa katawan ng tao. may mga meanings din ito. kadalasan may kinalaman sa mga karanasan nila at sa buhay. minsan naman tungkol sa matinding pain na kanilang naramdaman. o kaya naman tungkol sa celebration of life or love.

Sabi ni Dan Brown sa librong The Lost Symbol, "the act of tattooing one's skin was a trans-formative declaration of power, an announcement to the world: i am in control of my own flesh"

Isa sa mga kaibigan ko nagpatattoo na. noon, tinanong niya ako kung anu daw bang magandang tattoo ang sabi ko sa kanya dapat yung meaningful sa buhay niya since hindi na matatanggal yun. dapat yung remarkable or something that would remind him everytime na makikita niya iyon. phoenix ang naisip niya. reborn daw dahil gusto na niya magbago this year. yung preference niya at yung mga taong magugustuhan niya. kaya ayun, nagpatattoo na si bakla sa likod sa may bandang pwet niya. anu ba tawag dun? sa may lower back niya. sa may thoraco-lumbar fascia to be exact. charot! haha!

Dahil diyan na engganyo din akong magpa-tattoo. gusto ko din magpa-tattoo pero hindi pa ngayon. pina-plano ko pa lang kung anung tattoo ang ipapalagay ko. gusto ko din yung meaningful sa akin. dahil naunahan na ako ng friend ko sa phoneix na ang ibig sabihin ay rebirth, iba naman ang akin. we can't have the same tattoo.

Kaya ako'y nagsalikksik at eto ang aking napili.



(nakita ko lang siya dito. ang sabi niya "to remind me of the pain of divorce")

Ang sabi, symbol daw yan ng rebirth. oh di ba pwede na. balak ko siya ipa-tattoo sa forearm ko. sa may Extensor Digitorium area. (paunawa: ginamit ko lang ang mga muscles na yan para ipakita kung saan banda ko ipapalagay ang aking tattoo)

Kung hindi naman symbol ng rebirth ang ilalagay ko pede na din ang mga latin phrases.

Eto naman ang aking mga napili:

1. Ama et fac qod vis - "love and do what you want"
2. Hoc non pereo habeb fortior me - "what does not kills me makes me stronger"
3. Memento vivere - "remember to live"
4. Ad astra per expected - "to the stars"

Parang ganito


Hindi ko lang alam kung kakayanin ko yung sakit sa haba niyan. 

Masakit kaya yan? kung kayo magpapa-tattoo anu ilalagay niyo at bakit?

*******

"The human spirit craves mastery over it's carnal shell "
- Dan Brown.

11 comments:

  1. I always wanted to have one. Gusto ko sa legs ko. para visible lang when i wear shorts. hihihi!


    Ang bet kong ipa-tattoo: uncherm


    meaning? wala, yan kasi yung word verification dito sa comment na itey. hihihi! chos!


    Seriously, it will be:


    "Give me a place to stand and I will move the earth."


    Ang tarush devah? :)



    teka, magkano ba magpa-tattoo? any idea?

    ReplyDelete
  2. "Hoc non pereo habeb fortior me"

    bet ko din magpatattoo ng ganyan. sa oblique (tagliran? tama ba? haha). kaso pag gumanda na lang katawan ko. =p

    ReplyDelete
  3. parang maganda nga yung mga phrases pero gsuto ko english..anyway..cute din ang cherry hehehe

    ReplyDelete
  4. Gusto ko shuttlecock, kasi ako'y isang badminton aficionado. :)

    Char.

    ReplyDelete
  5. @miss chuni:

    "Give me a place to stand and I will move the earth." - bet! ang lalim parang kipay ko malalim.. chos!

    yung price ng tattoo it varies depending sa size niya. yung sa friend ko isang malaking phoenix umabot ng 3k discounted na yun. 1k ata minimum eh

    @laughing cow: yun din advise sakin ng friend ko kasi papangit siya pag nag change na yung tone ng katawan mo since some of ur skin might stretch or mag loose.

    ReplyDelete
  6. @superjaid: mas malakas kasi ang impact, meaning and gravity ng phrases na yan kung latin siya. ;)

    @leo: taray shuttle cock. san mo naman papalagay? kyut sa inyo ni nimmy infinity symbol tas may names niyo together. sweet!

    ReplyDelete
  7. Gusto ko rin phrases pero di ko rin alam kung kaya ko....hahaha


    goodluck! and wishing you the best of 2012!

    ReplyDelete
  8. Sasali lang sa usapan... if magpapatatoo ako... gusto ko ung maliit lang na Latin or Chinese Character.

    pwede din tweety bird para paglaki... AGILA na! =)

    ReplyDelete
  9. @toast: salamat sunny

    @dorm: natawa ako sa tweety bird.. lol! iintayin ko paglaki niyan haha!

    ReplyDelete
  10. mas maganda magpatattoo ng tweety bird..katulad kay claudu=ine barreto. charlot. may mga alam ako kasi plano ko din yan. kaso mga umaabot ng 2kyaw. haha

    ReplyDelete
  11. 14 palang ako but I do have 2 Tatts. One Located at my Back and the other one was on my arm. Bawal pero sa school namin. Sadyang pasaway lang tlga ako. :p

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression