Friday, January 20, 2012

re-post: college life

na miss ko kasi sila at ang buhay kolehiyo kaya ito, re-post lang.


BUHAY KOLEHIYO

Matapos kong balikan ang post ko na yan masasabi kong marami na nga ang nagbago.

Isa sa amin nasa US na. isa naman nagbabalak na din umalis ng bansa. well, di ko naman sila masisisi dahil kung nurse ka at nandito ka sa pinas asahan mong wala kang magiging future dito. pasensya na sa mga nag aaral pa lang ng nursing diyan pero yun naman talaga ang totoo. sa sobrang daming nag aaral ng nursing ngayon eh mahigpit talaga ang kompetisyon sa paghahanap ng trabaho. Sana nga naisip ko nung 1st year college pa ako sobrang nangangailangan daw ng mga nurses noong mga panahong iyon, sana naisip ko noon pa man na pagka graduate ko ay hindi na kakailanganin pa ng mga nurse. ayan tuloy hirap tuloy mag hanap ng trabaho. alam niyo bang ni isa sa amin ay hindi nakapag trabaho bilang nurse? haaay!

Anyway, hindi ko talaga matatapos ang college kundi dahil sa kanila. sa kanila ako kumo-kopya ng assignment ng drug analysis ng NCP at kung anu anu pa. na-alala ko pa nga noon si Kaye yung taga gawa namin ng reviewer sa lahat ng subjects namin mapa major man o minor subject walang kupas si merlat na gumawa ng reviewer namin. tapos kapag may return demo kami kung sino yung nauuna sa amin pagkatapos niya mag return demo ay sasabihin niya sa amin yung  mga ginawa niya at dapat gawin. kaya ayun laginng mataas ang grado ko sa mga return demo. haha! malaki din ang pasasalamat ko sa kanila noh. i am eternal grateful dahil lagi silang andiyan para sa akin. i owe them a handjob for life. charot!

Minsan, may maganda ring maidudulot ang pagbubulakbol at hindi pagsu-sunog ng kilay ang aatupagin habang nag aaral. kailangan mo din i-enjoy ang buhay dahil kung puro ka lang aral eh baka pagsisihan mo balang araw dahil hindi mo na enjoy ang life. isang beses ka lang magiging bata hindi mo pa pwede balikan. reminds me of curious case of benjamin button.

Medyo nalulungkot ako kasi hindi na rin kami madalas magsama sama ngayon. may kaniya kaniya na ding buhay. isa sa amin may anak na at hindi na din masyado nakakasama (amin talaga? sinama ang sarili sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak. ganown?!) may kanya kanya na din kaming mga priorities kaya siguro hindi na talaga kami madalas mag sama sama.

miss ko na talaga ang aking mga girls. :' (

5 comments:

  1. Ang sweet sa mga kaibigan. Tama ka minsan kailangan mong magbulakbol para i-enjoy ang life. Mabuhay ang mga nagbubulakbol hahaha.

    ReplyDelete
  2. college life is one of the best part in our lives!! masaya lalo na kapag isang block lang kayo parang hs pa rin!! ang katuwa nyan 10 years from now hindi na kayo ang magrereunion kasi kasama na asawa at anak ninyo. lels!!

    ReplyDelete
  3. Ika-nga nila. Live life to the fullest.

    ReplyDelete
  4. well that's life,

    ako man na HRM graduate mahi2rapan p rin sa paghahanap ng work

    :)

    ReplyDelete
  5. @inong: sweet talaga ako sa mga friends :)

    @quin: kami 4 sections lang kami sa course namin. maliit lang yung society kaya masaya. magkakakilala lahat

    @will: carpe diem

    @theo: sa sipag at talino mong yan mahihirapan ka? weeeeh!

    hehe!

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression