Saturday, July 23, 2011

Querida




Madilim

Hindi ako makahinga

Hindi ako makakilos

Hindi ako makatakbo

Hindi ko makita ang daanan

Kumakabog ang dibdib ko

Hinahabol ko ang aking paghinga

pinagpapawisan ako ng malamig

wala akong makita kundi dilim

nakakatakot

nakakabaliw

masakit

masakit na masakit

hinawakan nila ang mga kamay at paa ko

hindi ako makapalag

unti unting tinatanggalang ng mga hibla ang mga ugat ko

dahan dahang nilalapirot ang puso ko

isa isang hinugot ang aking mga kuko

sumigaw ako

sumigaw na malakas

nakita ko ang mga kaibigan ko

tinwagan ko sila

hindi sila lumilingon

nilakasan ko ang pagsigaw ko

humingi ako ng tulong

hindi nila ako naririnig 

wala

walang pumapansin sakin

gusto kong makawala

gusto kong umalis

gusto kong tumakbo

tumakbo papalayo

ngunit...

nagimbal ako

hindi ako makapagsalita sa nakita ko

natulala

natahimik

dumoble ang sakit na aking nadarama

hindi ako makapaniwala

ikaw?

ikaw ang gumagawa nito sa akin?

bakit?

hindi mo ba ako mahal?

minahal kita ng buong buo tas heto ang igaganti mo sa akin

minahal kita simula ng akoy magkaisip 

ngunit... bakit ngayon

akoy iyong sinasaktan!

huli na ng aking malaman

na..

ikaw ay ako!

at ako ay ikaw!

******************************



Gusto ko sabihin sayo ang lahat

ang lahat ng nararamdaman ko

ang lahat ng gusto kong sabihin

mga bagay na hindi ko sayo masabi ng personal

balak ko sanang dito ibuhos ang lahat

ngunit hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula

ang alam ko lang...

sa sobrang pagmamahal ko

pati sarili kong kaligayahan nilimot ko na

ang mahalaga

masaya ka

kahit pa akoy nagdurusa..

* * * * *

ganyan ang mga querida

kaming mga querida

No comments:

Post a Comment

Exercise your freedom of expression