Sunday, March 20, 2011

new work

at dumating na nga ang araw ng training sa bago kong trabaho....

1st day: mixed emotions


  - excited, kinakabahan, iniisip kung marami bang gwapo, anu kaya mangyayari sa akin dito. ang dami dami kong iniisip habang papunta sa bago kong opisina. ang aga kong dumating wala pa masyadong tao.

makalipas ang ilang minuto may AFAM na maingay... salita ng salita. kebs lang! di ko siya pinapansin. umupo siya sa harap namin at nagsimulang kamustahin kami. tinitigan ko siya ng mabuti........ mukhang nakita ko na siya somewhere..... OMG! siya pala ang CEO namin.. gosh! ang boss namin nakikipag usap sa amin tas ako dedma lang sa kanya. nagsimula na siyang magtanung ng mga pangalan namin isa isa at kung anu anu pang mga tanong. wala akong baon na dictionary kaya sinubukan kong umiwas sa pamamagitan ng pagtatago. napansin niya ako. tinawag ako. sumagot naman ako.

"why are you hiding?"

kumabog ang dibdib ko pero hindi ko pinahalata

smile then "no im not" smile uli

"do you think i would'nt see you?"

lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko...

"uhm.... no"

haaaay! 1st day pa lang napahiya na ako. pero kebs lang. papatunayan ko sa kanyang mali ang iniisip niya sa akin. gagalingan ko! ma po-promote ako agad... chos! pero mabait naman siya na alala ko nga pala na ganun talag silang mga americano.. frank at straight forward pero hindi sila rude at hindi rin sila bastos. sana matutunan kong masanay sa ganung culture.

nakaka inspire din naman siya kasi siya pa mismo nakikipag usap samin, nagbigay pa siya ng small talk. pioneer kasi kami sa subsidiary na yon kaya nagbigay siya ng mga expectations and all. feeling ko magtatagal ako dito kung gusto pa nila ako... haha!



ito ang bago kong work station... ang linis noh? bago nga eh! ayan ipe-personalize ko pa siya... eeeeeeeeeeeee! excited talaga ako. eto pa! may outlook ako kaya lang hindi naman ako marunong gumamit.. haha!


sana lang talaga magtagal ako dito... gusto ko na talaga dito.

3 comments:

  1. gudlak naman sa bago mo work! ;) stalk ko pa pala blog mo para dun sa pic mo na kita mukha (sakaling meron pa bukod sa blogger profile pic mo).

    ReplyDelete
  2. gooooood luck!!! hehehehehe

    kayang - kaya mu yan!!
    may you work there happily evah aftah!!

    ReplyDelete
  3. Makikipag-hide and seek ka pa sa afam ah haha. Natawa ako dito teh.

    Good luck sa new job! keri mo yan teh!

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression