Thursday, March 10, 2011

haggardo versoza!

OO!



haggardo versoza na akez!  eh paano ba naman kasi, hindi ko naman alam na ganito pala
ka komplikado ang mag ayos ng mga pre-employment requirements. medyo ganyan na ang itsura ko at the end of the day kaka-process ng requirements. kasi nung araw na natanggap ako ay nagpa-petiks petiks lang ako. ngayong magsisimula na ang training sa monday heto ako at nag hahabol ng mga requirements. punta dito, punta doon.. lakad dito lakad doon. ipit ipit ang brown envelope sa kili kili laman ang mga importanteng papels.. nakaka haggard!

PRE EMPLOYMENT REQUIREMENTS:


1. TOR, DIPLOMA, BIRTH CERT, SSS E1 FORM AND THE LIKE:







     - ayan yung mga requirements na pa sweet lang.. pupunta lang ako sa mga tindahan sa tabi tabi para magpa photocopy. walang kahirap hirap. magkaka problema ka lang pag biglang umulan. kawawa naman ang mga dala mong papeles.


2. PRE-EMPLOYMENT  MEDICAL CHECK UP


  - ay! eto' ang medyo haggard. actually mabilis lang toh. nairita lang ako dun sa medtech na kukuha ng blood sample ko. eh kasi naman ang lola niyo nakikipag telebabad sa cellphone niya. nakikipag tsismisan sa mga amiga niya sa cellphone niya. nasa harap na niya ako kebs pa din ang lola niyo. tuloy pa din sa chika over the phone. nag medtech pa siya napaka unprofessional naman niya sana nag call center agent na lang siya. so ayun nakahalata na si anteh sa nakataas kong kilay kaya pina-upo ako sa upuan sa tabi ng table niya. inihanda na niya ang mga paraphernalia niya sa pagkuha ng aking dugong bughaw pero si anteh tuloy pa din ang chika. kinakabahan ako sa kanya kasi baka may mali siyang gawin dahil nga may kausap siya habang kukuhanan ako ng dugo afraidey aguilar pa naman ako sa injection. gusto ko bago ako tusukan hihinga muna ako ng malalim (totoo yan!) buti na lang at ibinaba na niya ang phone niya bago ako kuhaan ng dugo.. haaay! pero kung nagkataon tatalakan ko talaga yun si anteh! nakuuuuuuuu!

isa pang nakaka haggard dito yung sa stool exam.... huwag niyo nang itanong kung bakit.

3. NBI AND POLICE CLEARANCE, POSTAL ID




    - mahaba ang pila, nakakabastos ang mga tao ang baba ng tingin sayo. sigaw dito sigaw doon. ang mahal pa ng mga babayaran dito ewan ko ba kung bakit. 115 pesos para sa renewal ng NBI clearance 125 pesos naman para sa police clearance. eto ang pinaka malupit! ang pinaka mura sa lahat..... postal ID. 195 pesos yung ID kasama na ang laminate 80 pesos ata yung lamintae diyan. ewan! ang mahal! ginto! kalowka! tapos yung 2x2  na 3 pieces picture ay 80 pesos. so lets do the math 195 pesos plus 80 pesos equals to 275 pesos. so ibig sabihin ang isang cheap postal id ay nagkakahalaga ng 275 pesos. allowance ko na yan for 2 days eh. pwede ng 3 value meal yan sa mcdo large coke and fries pa! pwede ko na din gamitin yan panuod ng sine. hindi nga lang 3D pero kebs na. may coke in can ka pa! nakakalowka talaga! sabihin na nating sa isang buong araw may 50 katao na kumukuha ng postal ID. so ibig sabihin ang halaga ng cheap na postal ID para sa 50 katao ay 13,750. eh sa ganyang halaga mapapakain mo na ang 27 pamilyang pilipino ng isang buong linggo eh. haaaay!

4.BIR FORM 2305




   - ito ang pinaka malupit sa lahat. so far! from BIR mandaluyong kailangan ko pang magpunta sa BIR east makati tas balik uli sa BIR mandaluyong. i cant imagine the lakaran. ang pag akyat baba sa mga overpass. at ang walang aircon na opisina sa BIR mandaluyong. wala ng aircon nakakatakot pa ang elevator. kanina nung nagpunta ako dun bago pa ako makapasok sa elevator biglang namatay ang ilaw. kinalikot lang ni manong elevator konduktor yung mga piyesa dun.. ayun! biglang nagka ilaw.. sosyal! de pukpok sila! tapos ang daming tao.. ang daming naglalakad. yung mga hindi makaintindi tinataasan nila ng boses. tsk tsk! alam mo yung karaniwang scenario sa public hospital or kung anu mang government establishment ganun ang makikita mo sa BIR mandaluyong. magulo, madumi, maingay at mainit hindi katulad sa BIR sa makati. ang ironic noh? isang ahensya ng gobyerno na nangongolekta ng buwis tas ganun yung establishment nila. halatang may anomalyang nagaganap.  haaaay! naisip ko.... eto ba yung binabayaran kong pagkamahal mahal na 4,000 pesos na withholding tax every month? napapa buntong hininga na lang akez!

tinitigan ko na lang ang gwapong hombre na nakasabay ko pauwi..


oh dibey! pak na pak ang maskels ni koya!

uhhhmm! sarap!

salamat kay miss chuni sa dati niyang blog at naiwasan ko ang kahihiyan.. hehe!

12 comments:

  1. hoy, hindi naman sa dahil magulo or marmi ang isang ahensya e may anomalya na nagaganap.. hihihi..

    bakit 2305 ang kinuha mu?? pino-provide un ng previous employer mu dapat,, tapos 1905 dpat, change of RDO from your previous employer's RDO to your current.. wala lang,, share ko lang ha..hehehe

    at buti njan si kuya, pang-alis pagod.. hehehe

    ReplyDelete
  2. ang cute ni kuya.... ang muscle ang muscle ang muscle.. bow... :D

    ReplyDelete
  3. sana ganito lagi mga post mo
    .
    .
    nakakatuwa ;D
    .
    .
    wag ka na ma-haggard. na-picturan mo na nga ako eh...JOKE!!! haha

    ReplyDelete
  4. @ceiboh: kung maka hoy! :)

    opinyon ko lang naman yun eto naman highblood. pero aminin na natin hindi malinis ang gobyerno ngayon pa't ang daming nagsisilabasang rebelasyon.

    turuan mo naman ako di ko alam gagawin ko.. sabi kasi sa bago kong employer yung 2305 daw eh punta ako sa bir manda pag punta ko doon sabi punta daw ako sa makati bir kasi andun yung previous records ko.. ang gulo naman! wala naman nasabi about sa 1905

    @egg: tamuh! sarap nga titigan eh.. hehe!

    @DB: anung nakaktuwa dito eh nakornyhan nga ako sa post na toh... hihi!

    ikaw ba yun? naku! kung alam ko lang sana hinalikan na kita.. chos!

    matagal ko ng gusto gumawa ng ganitong entry yung medyo may pagka critic sa gobyerno kaya lang wala lang talaga akong inspirasyon.. ;)

    ReplyDelete
  5. ayeeeeeeeeeeeeee. un lang. basta! eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! hihi

    bakit haggard ung stool??? bumili ka ng jar, dun mo i-drop it likes it hot tapos ipasa na. hihi

    ReplyDelete
  6. kung makapagsabi ka namang napagod ka, parang ngayon ka lang kukuha ng mga ganyan. LOL

    ReplyDelete
  7. @nimmy: bakit eeeeeeeeeeeeeeeeee? kinilig tuloy ako bigla kahit di ko lam kung bakit.. hehe!

    eh kasi naman anteh kung anu anu na ginawa ko maka erna lang

    @caloy: may secretary kasi ako dati.... chos!

    ReplyDelete
  8. tlagang mhirap mgkumpleto ng reqts pero worth it naman kapag sumasahod ka na lalo pat malaki ang sahod mo.... salamat po sa pagdalaw

    ReplyDelete
  9. @ronnie: hehe! alam mo yan!

    @rico: aaawww! ang sweet mo naman... talagang binasa mo pa blog ko para lang makapag pasalamat... thank you din.. :)

    ReplyDelete
  10. This is funny, ha-ha. I enjoyed reading this.


    Also wanna share this... :)

    Then she asked me this with all the five store attendants around us: “Nan, may buhok ka ba sa kili-kili?” Right there I wanted to die and disappear.

    Support Fernand Yim: Click this http://www.fernandyim.com/p/support-fernand-yim_11.html

    ReplyDelete
  11. Potah, pati ako kinilig for you. And in fairview, cute nga yung guy :)

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression