
Nakaka lurkey talaga ang independence day celebration ko this year. kung dati ang june 12 ay isang normal na araw lang (okay i admit! normal na araw lang talaga ang ispesyal na araw na ito para sa ating mga pilipino. bakit ikaw ba.. bilang isang pilipino may ginagawa ka bang ispesyal sa araw na ito?.. wooo! maniwala ako sayo)
sorry Sir.glen.. haha! malalaman mo na ang lahat lahat!
mabalik tayo.
Ngayong taon?...... hindi! Hinding hindi! sino magsasabing maari pa lang mangyari sa totoong buhay
ang mga napapanuod natin sa tv. halimbawa, ang kwento ni cinderella na pansamantalang gumanda at nagkaroon ng buhay ng isang prinsesa. yung mga teleserye o movies na may kwentong ang pangunahing karakter ay biglang yayaman at sisikat.
AKO?!...
nangyari sa akin lahat yan ng tatlong araw. Oo, tatlong araw lang. nagbuhay prinsesa at naranasan ang buhay ng isang artista. haha!

JUNE 11, 2010
sinundo ako sa office ng hindi ko pa nakikita sa personal para magpunta sa rehersal sa Quirino grandstand.
hindi ko naman inaasahan na susunduin ako ang alam ko lang kelangan ako sa Quirino grandstand. May tiwala naman ako sa kanila dahil nagpakilala naman sila na PMS daw sila. naloka ka noh?! hindi mo alam ang PMS? okay lang yan pareho tayo ganyan din ako pero mali ang iniisip mo! kung hindi ko pa siya (isang PMS din na nag-alaga sa akin for 3 days) nilasing hindi pa ko magkakaroon ng lakas ng loob para tanungin kung anung ibig sabihin nito. ang PMS pala ay Presidential Management Staff. Oh! kabog di ba? mga tao ng presidente ang kausap ko. yun na nga.. sabi nila (june 10) dalhin ko na daw ang mga damit ko dahil doon daw ako matutulog. pagdating sa Grandstand sumalubong sa akin si Ms.Ann (para siyang stage manager) nagpakilala, shake hands then dinala sa stage. nag explain kung anu gagawin kung pano ang blockings ganun lang pero nakakapagod at nakak stress. kasi naman ang dami nila pinapagawa eh hindi ko naman ma-gets. haha!
tapos, pahinga konti....... may lumapit sa akin dalawang lalaki. magkamukha sila, magkasing tangkad halos parehong pareho sila ng hubog ng mukha. akala ko nga magkapatid o kambal ngunit hindi ko alam kung mag-anu nga sila nahiya akong magtanung eh. mahiyain kasi ako, kung first time mo nga ako makakausap isang tanong isang sagot lang ako sayo baka nga mas matuwa ka pang kausapin ang aso kesa sa akin. nagsagawa sila ng interview. nagtanung ng mga kung anu-ano buong pangalan ko, edad, address, pangalan na magulang , trabaho...... "krrrrriiiiiing" nahinto ang interview may tumawag sa akin. siya daw si charlene hindi ko siya kilala hindi rin naman naka-save ang number niya. hindi ko siya maintindihan dahil maingay sa lugar ko na iyon. sagot lang ako ng sagot sa kanya. kinausap ko na rin siya kahit hindi ko siya kialala dahil simula nang nasangkot ako dito kung sinu-sino na ang tumatawag sa akin kinakamusta ang lagay ko, nagpapa abot ng "CONGRATULATIONS" anu isusuot ko, sino mga kasama ko, sino nakikita ko.
ako naman si Mr.nice guy siyempre buhay artista ka na eh so dapat marunong ka din makitungo sa ibang tao (feeling ba?!) natapos na ang practice dumating kami doon mga 4pm natapos kami ng mga bandang 7pm. hinatid kami ni Sr. roel (Acting road manager) kung saan kami mag-stay for 3 days.
dito kami pinag check-in for 3 days sa room 822nag check -in kami sa hotel. kasama ang dalawa kong friend na sina jhing and amatz

Sir Roel: mamaya may ibibigay ako sayo pang bili niyo ng pagkain niyo.
Me: okay po.
Sir Roel: may dadating pa ba kayong mga bisita kasi hanggang dalawa lang ang pwede
kinabahan ako, parang nabasa niya ang nasa isip ko. anu bang sasabihin ko?
Me: wala po.
Sir Roel: Aalis pa ba kayo?
Me: Hindi na po matutulog na lang po kami dito.
Lumabas na nang kwarto si Sr. Roel......
"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.... OMG! This is it! livin a life of a celebrity"
tinext ko agad ang mga bakla. "mga bakla! nand2 na kami sa hotel punta na kayo d2 inom us"
dalawa lang ang nag reply. nagulat ako ang mga bakla ayaw gumala?
7pm
nanuod ng tv
7:30pm
umikot ikot sa kama
8pm
humiga sa kama
9:30pm
wala na kong magawa at nagugutom na ko. no choice na ko, kelangan ko na talga gamitin ang credit card ko na iniiwas iwasan kong gamitin dahil una; paubos na ang credit limit nito at pangalawa; yokong mabaon sa utang naghanap kami ni amatz ng resto na nagtatanggap ng credit card Mcdo, Mini Stop, Jollibee at 7 -11 buti na lang anjan ang shakeys.

10pm
dumating ang best friend na may dalang ginto. thank god may pagkaka abalahan na kami.. haha!
patay ako kinabukasan dahil alam kong puyat ako.
marami pang nangyari ngunit dahil sa personal na buhay ng mga kaibigan ko at dahil nirerespeto ko ang kanilang desisyon hindi ko na lang iku-kwneto at ilalagay ang iba pang mga larawan. haha!
4:00 am na natapos ang lahat ng activities namin nung gabing iyon. nagka problema pa kami sa pagtimpla ng alak ang tapang kasi. pano ba naman kung sino pa yung hindi marunong magtimpla at gumamit ng antonov siya pa yung naghalo at nagtimpla. tsk tsk! pero dahil mga diyos kami ng alak at dahil may mga kasama akong ipinanganak kasama ang alak nagawan naman nila ng paraan.
********
kung kani-kanino ka sumasma at nakikipag-usap. diba dont talk to strangers? hahaha
ReplyDeleteKakaloka 2 tao lang pala pwede sa kwarto! Kung maka-invite ka ng friends BARANGAY! hahaa
ReplyDelete@caloy: ganun talaga.. haha! eh bakit ikaw? echos!
ReplyDeleteUNFORGETTABLE ANG INDEPENDENCE DAY THIS YEAR :)
ReplyDeletesuper kaloka weekend to.. love love love!! :)
ReplyDelete