
Paano mo masasabing tama
ang iyong pagmamahal
kung sa mali'y nagsimula?
Paano mo malilimutan
ang isang tao
kung ang lahat ng nasa paligid mo
ay ang mga bagay na nagpapa-alala sa kanya
Maari mo bang pigilan
ang nararamdaman mo
para sa kanya?
Maari mo bang maiwasang
ikumpara ang sarili mo
sa mga taong
mas nakakakilala at
mas malapit sa kanya?
Masisisi mo ba ang sarili
mong mahalin ang taong
puro kagandahan ng loob
ang ipinapakita sayo?
Sabi nila
hinid ko daw siya dapat mahalin
sa kadahilanang
ilang araw ko pa lang siya
nakakasama
Ngunit
sukatan ba ang
bilang ng mga araw
ng inyong pagsasama
para masabing totoo
ang iyong nararamdaman?
Kumakabog ang dibdib ko
nang makita't makausap ka
di kita
matitigan... mahahalata mo
pakiramdam ko......
matutunaw ako
lalo na't
ngumiti ka pa
Hanggang ngayon
habang sinusulat ko ito
habang binabalikan ang mga araw
na kasama ka
kumakabog pa din ang dibdib ko
tila isang ibong nais lumaya.
Sa tuwing darampi
ang iyong mga tingin
sa aking mga mata
panghihina ang aking nadarama
Nangungusap ang iyong mga mata
mga matang may nais sabihin
may nais iparating
mga tingin na may kahulugan.
Ayokong maniwala
sa mga sinasabi ng mga mata mo
ngunit anong magagawa ko
ako'y.......MARUPOK!
* * * * * *
Gusto kita
pero hindi pwede
Mahal kita
ngunit
hindi maari
Saan ako lulugar?
Saan kita matatagpuan?
Kung ito'y iyong mababasa....
isa lang ang nais iparating
Mahal kita
at
nais kong
ika'y aking maging
kaibigan
Iba ka talaga pag na-in love. Hehe
ReplyDelete